Monday, March 9, 2009
{ 9:56:00 PM }
mhm.dapata talaga di ako nagpopost ngayon eh. kaso dahil may
comics project ako para sa masugid kong kliyenteng si mj ay napilitan akong mag-internet. kapos kasi yung script noong comics. tsk.
kaso na-realize ko konti na parang mali yung ginagawa ko. mukhang di naman talaga bitin yung script na binigay niya. agh. sayang yung bente ko. pandagdag din yun panregalo. haha. tsk.
pero ayos lang din naman, si mj lang din naman yun. hehe. ♥
TSK! dalawang araw na lang oh, wala pa rin akong regalo. hahar. grr.
sa byernes nga pala yung audition ni cybill(kapatid ko) para sa PBB teen edition3. sasama ako syempre. tapos ide-date ko si mj sa MOA. :))
Labels: joseph the dreamer, load
Tuesday, February 3, 2009
{ 11:31:00 PM }
maganda ang mood ko ngayong araw na ito dahil natapos na din lahat ng
pressure sa'kin nitong mga nagdaan araw. ang saya ng feeeling!:D
natuloy na din yung pagluwas ko kahapon ng maynila para magpasa ng form para sa entrance exam sa TUP. kasabay ko si niKulas papunta, at ibinalik ko na din yung hineram kong digicam. binalik na din niya yung kikomachinekomix ko. :D ayun. tapos nagpunta muna kaming Sm manila para sunduin si ketani, kasama din kasi siya. at ayun, pumunta na kami sa TUP.
naging maayos naman ang pagpasa ko ng form. natatakot kasi ako baka mali yung ginawa ko kasi ako lang yung nagsulat ng grades ko sa form na sabi ni ruthe ay dapat daw ang school ang gagawa noon. but okay naman.
architecture pa din ang first choice ko at fine arts! HAHAHA. pinag-isipan kong mabuti kung magpafine arts ako pero since wala akong mahanap na ibang course na gusto ko, yun na lang ang second choice ko. nagkaroon naman kami ng masinsinan na usapan nung lalaking sa admissions office. sabi niya pag hindi daw nagustuhan ng college ang drawing ko, pwede pa naman daw akong magpalit ng ibang course. di ko napansin na may ECE pala doon, kung sakali, yun na lang ipampapalit ko.
ansaya. nakapagpasa na din talaga ako sa wakas! haha. sa march29 pa ang exam ko. malayo pa nga kaya madami pa akong panahon para magreview. :D
mabilis lang kami sa TUP kahit medyo magulo noon kasi medyo madami din ang mga nag-aapply. pagkaalis namin doon, umalis na din si kulas at bumalik kami ni kate sa Sm manila.
sa labas kami ng mall kumain ng eryenda kasi trip ni kate lumantak ng kwekwek. haha. ayun. anlagkit ng sapatos ko dahil ang daming
tulo ng sauce sa sahig. buti medyo bitin yung suot kong pantalon.
pagkatapos ng chibog bumalik kami sa mall at nag-ikot. nagpaltos na naman ang paa ko. haha. tsk! tapos tumambay kami sa national bookstore tapos sa food court at nagkwentuhan at tawanan habang hinihintay namin ang
sundo ko.
ala sais na dumating si mj. medyo kinakabahan na si kate dahil sa QC pa siya uuwi. at dahil baka pagalitan pa siya.
hinatid na namin agad siya sa sakayan tapos bumalik kami sa Sm manila at doon na nagdinner.
pero bago kumain, niyaya muna niya ako sa mhm. quantum ata. haha! basta sa arcade. di ko kasi nakita kung anu yun. pinanood namin saglit yung mga nagtetekken doon na magkakatropa. ayos. ang galing ee. lalo na yung chinita. sabi ni mj madalas daw yung tropang yun doon. tapos ang daming mga miron sa likod. haha!
nagtokyo tokyo kami kasi gusto niya akong kumain ng gulay na sa bandang huli ay siya rin ang kumain. hahahahaha. nakakainis lang eh. pero kumain ako ng carrots! haha.
konti lang.:D
pagkatapos sumakay na din kami pauwi pero doon kami bumaba sa kanila. ihahatid na daw niya ako hanggang sa'min. hindi kasi nadaan samin yung bus kaya kailangan ko pang sumakay ulit ng isa. eh mag pass 9 a yun. ayun. haha. yun ang trip ko kahapon.
salamat nga pala kina
nico, nagsabay sa'kin at sumama din sa TUP kahit halos ma-late na siya sa klase niya, kay
kate, na sumama ding maghintay sa TUP at sa Sm para sa sundo ko, at kay
mj na sumundo sa'kin at nanlibre ng hapunan. hooray! salamat sa lahat.
sana mabasa niyo to. hahaha. XD
Labels: load, paltos, sipon, ubo
Saturday, January 17, 2009
{ 10:15:00 PM }
nung nakita ko si sir emboy nung biyernes, kinulit ko siya. xmpre. hahaha! hineram ko ang
bagong cellphone niya at hiningi ang
bagong number niya kahit nakuha ko na yun kay kiarra, para lang may masabi ako.
HAHA. XD
well, ayun. nakakatawa lang yung expression niya nung sinabi kong
ayos ang cellphone niya. hindi na kasi tulad ng dati na mukhang katulad niya, mailap. sira kasi yung keypad at parang siya, mahirap pagsalitain-- nang makabuluhan.
mhm. tapos kinulit ko pa siya dahil siya ang assigned na maging "timer" sa math quiz bee. siya yung tumutugtog nang countdown timer sa piano. mhm. pano ko ba sasabihin yun.. basta, yung parang sa mga gameshow.
ting.. ting.. ting.. tin.. ting.. ttliiiinggg. ganun.
***********************************************************
galing sa'min kagabi si mj, dinalhan niya lang ako ng juice, malaking siopao at tee-ups. tapos kulitan konti hanggang alas-onse ng gabi tapos umuwi na siya.
tsk. wala pa rinakong panload. haha. golly!
anu ba 'to. wala na akong masabi. GRRR. mhm. mukhang mapupurnada pa ata ang tagaytay city namin. sayang!
Labels: load, pictures, type