<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/883993280880141434?origin\x3dhttp://mahaltayoniemboy.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script><iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=8076742059755845825&blogName=PIECE+OF+HEAVEN&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLUE&layoutType=CLASSIC&homepageUrl=http%3A%2F%2Flov-ebites.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Flov-ebites.blogspot.com%2Fsearch" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>
G is for Gago.

mastermind

GENISSA O. VILLEGAS
(1991-Present)

I am fond of weird people and I like sweet foods. I am a lazy OC and a frustrated artist. I hate roaches and I don't like being left, in which ever situation.
MORE INFOs NEXT UPDATE. XD

Multiply
Friendster
facebook: genissa villegas
email: mismacho@yahoo.com


shouts


Plurk.com



exits

BLOGS
Chiui Chicca Miss Anne BFF Mary Pel and Choey Joyce Danna Kiarra Dadi Joffi Kryk Mikyu Keiti Clarisse Ryan Kit Bathalumanz Ruthe Jeru Bettina Patsy Thea Ayesha Paw Eu Louisa Patricia Gel CrazyWrazy Iway Gail Diandra Gela Kaye Janajee Cza-Cza ChenJireh Tiff K Leyn

WEBSITES
Mikrokosmos KikomachineKomix Electrolychee Jon Burgerman Rolitoboy Smosh Rexbox Keri Smith Bob Ong Francis M Green Pinoy Andy Warhol

RANDOM LINKS
10 ways to infuse your work with your personality by Keri Smith
Drawing Faq by Keri Smith
Kiarra's City
Kiarra's socio blog
Chiui's photoblog
Jennie Castillo Film Cameras

archives
March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 May 2009 December 2009 January 2010 March 2010 December 2010 November 2011

credits
Designer/ %PURPUR.black-
Colour Code Icons



earring

klphotoawards.com







Saturday, January 17, 2009 { 10:15:00 PM }

nung nakita ko si sir emboy nung biyernes, kinulit ko siya. xmpre. hahaha! hineram ko ang bagong cellphone niya at hiningi ang bagong number niya kahit nakuha ko na yun kay kiarra, para lang may masabi ako. HAHA. XD

well, ayun. nakakatawa lang yung expression niya nung sinabi kong ayos ang cellphone niya. hindi na kasi tulad ng dati na mukhang katulad niya, mailap. sira kasi yung keypad at parang siya, mahirap pagsalitain-- nang makabuluhan.

mhm. tapos kinulit ko pa siya dahil siya ang assigned na maging "timer" sa math quiz bee. siya yung tumutugtog nang countdown timer sa piano. mhm. pano ko ba sasabihin yun.. basta, yung parang sa mga gameshow. ting.. ting.. ting.. tin.. ting.. ttliiiinggg. ganun.

***********************************************************

galing sa'min kagabi si mj, dinalhan niya lang ako ng juice, malaking siopao at tee-ups. tapos kulitan konti hanggang alas-onse ng gabi tapos umuwi na siya.
tsk. wala pa rinakong panload. haha. golly!

anu ba 'to. wala na akong masabi. GRRR. mhm. mukhang mapupurnada pa ata ang tagaytay city namin. sayang!

Labels: , ,

0 Comments

Monday, December 29, 2008 { 10:27:00 PM }

well. isang araw pa para mag2009. haha. pero feel na feel ko na ang kagandahan ng susunod na taon.

naging HINDI maganda ang 2008 para sa karamihan ng mga tao--nalugi ang mga negosyo, nagkaroon ng global economic crisis, problema sa bigas, langis, LPG at pamasahe, pagtigil sa pag-aaral ng mas nakakarami pang mga estudyante. kaya naman masayang masaya akong matatapos na ang taong ito at sasalubungin ko ng MAS masaya at MAS maraming baong pag-asa ang susunod na taon.

humiling ako na sa kabila ng pagiging 'malas' ng 2008 ay maging maganda naman ang mga mangyayari bago ito magtapos. at natupad naman ang simpleng kahilingan ko at naging masaya din ako sa mga nangyari ngayon papatapos na ang 2008. kahit sa ilang simpleng bagay naging masaya ako kaya't malaki ang inaasahan kong pag-asa sa 2009 na magiging kabaligtaran iyon ng taon ngayon.

MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR sa lahat! ngayon lang ako nakapag-internet ulit kaya't hindi ko na nakabati. lalo na sa mga taong sa internet ko lang nakakausap.
happy holidays kina cj, karina, karla, chiui, danna, kevon at brandon na nasa ibang bansa. kung sino man ang unang makabasa sa inyo nito, ipagbigay alam nalang sa iba na binabati ko sila. saglit lang kasi ako dito sa internet shop kasi aalis pa kami ni mama mamaya, haha. kaya't sana'y maintindihan niyo naman ako kung hindi ko kayo masesendan ng msg isa-isa. baka after new year na ulit ako makapag-log in.
at pati sa mga blogpals ko na di ko din naman nakakausap dahil minsan nga lang ako makapag-internet. kina mary, kryk, mikyu at jeru, happy new year! haha. pati nadin sa mga nagttyagang nagbabasa ng mga post ko at sa mga naliligaw dito. :D

sana ating salubungin ang bukas na may ngiti sa ating mga labi.
sa darating na taon tayo'y magsaya sa saliw ng pag-asa sa'ting mga damdamin.
ang kabutihan ay maghari at kasamaa'y mabawasan, ating hangarin.
nang bawat puso sa mundo'y maging mapayapa at walang pangangambang iisipin.

Labels: , , , , ,

0 Comments

Sunday, April 13, 2008 { 10:40:00 PM }

ay. wala namang masyadong nangyari ngayon. ganun pa rin naman ang takbo ng buhay ko: gising, kain, nuod, text, bantay sa tindahan, luto, ligo, tulog. pero nagbasa ako ng ngayon ng libro para maiba naman. binasa ko lang ulit yung libro ni bob ong- ang paboritong libro ni hudas. paborito ko yun pero mabait naman ata ako. mhm.

ayan. naglagay na nga pala ako ng bagong layout na nakuha ko sa www.pyzam.com. salamat dahil natulungan niyo ako na di marunong gumawa ng ganito at nagsasawa na sa pangkaraniwang template lang. salamat din kay ch**wee na nagbigay sa'kin ng url nito. dabest! ka talaga. mwa! BABY COME BACK!
gusto ko nga palang ihabol yung mga litrato namin nung despedida nung kambal. ngayon ko lang kasi nakuha.



ako, si ab*y,kia**a at aim*e: nagpapaligsahan tumalon
para sa isang perfect shot




nahirapan kami bago nakuha ang perfect shot na nakataas kaming apat sa ere na hindi naman talaga namin nakuha. napagod, pinawisan at hiningal lang kami sa ginawa namin. kaya kumuha na lang kami ng simple gaya nito:




ako yan at si goto girl. napagtripan lang ang magarang dingding sa bakuran ng kambal. ang nga pala ng lugar nila, malawak. pwede pa nga kaming mag-cheer dance dun ee. pwera biro.
***
napansin ko lang yung BLOG AWARD ng candymag. interesado ako kung mananalo ba si ch**wee at da*na dun. at ano ang premyo. gusto ko ding sumali sa ganoon, kaso marami akong cons dahil: 1) tagalog ang gamit ko dito. required ata dun ang banyagang salita. good grammar pa dapat. 2) may sariling style. etong layout ko ay nakuha ko lang sa isang website kaya di ko masasabing akin ito. isa pa, di ako marunong gumawa ng layout oh kahit mag-edit man lamang. may konti lang akong alam sa HTML pero napaka-basic lang nun. originality ang kailangan. 3) dapat may readers. di ko alam kung madalas tong nabibisita ng mga katribo ko pero alam ko na madalas ako lang din ang tumitingin sa sarili kong blog. isa pa, konti lang ang may alam nito. 4) bago pa lang to at konti palang ang blog entry ko. maganda kung sagana na ang blog ko at madami ng mababasa. para na rin mahirapan sila. haha.
pero mas gusto ko yung contest na nabanggit isang bes ng adviser ko sa blog niya. mas pormal yun kesa yung sa candymag. pero syempre, kung mas pormal edi mas mahirap ang labanan. alam ko may balak din siyang sumali nun pero baguhan palang din daw siya nun at hindi pa siya ganun kadalas mag-post ng blog entry.
teka.tinamad na ata ako bigla aa.
isa pa wala na rin akong makukwento at masasabi.
bukas ko na nga pala makukuha yung results sa MAPUA.
sana makapasa naman.
at gusto ko din ng nintendo ds lite.
birthday wish ko yun ngayong taon.
at gusto ko din ng champorado.
yung malamig na galing sa ref.
teka.teka. gabi na pala.
makikigamit pa pinsan ko.
sige, sige. dito na lng.
bukas ko na lang ikukwento yung
results ng exam ko sa MAPUA.
yun ay kung makakapag-internet
pa ako bukas. baka kasi pagalitan na naman
ako. haha. sige. vavoo! na talaga.
vavoo!





ps: di gumana yung code ng layout. haha
cge. yun lang!

Labels: , , ,

0 Comments

Wednesday, April 2, 2008 { 8:27:00 AM }

gusto ko lang sabihin kung bakit ito ang napili kong url. di ko rin naman talaga alam kung bakit pero pumasok na lang yan bigla sa utak nung mga panahong nag-iisip ako kung anong url ang ilalagay ko.


sino si emboy?

si emboy o mas kilala sa tawag na may sir bago ang pangalan niya ay una kong nakilala sa sekondaryang paaralan ko nung nasa ikalawang taon pa lamang ako don. nung una di ko agad siya napapansin. basta alam ko magaling siya sa mga numero at nagtapos siya sa unibersidad ng pilipinas.

nagpaturo sa kanya yung isang kaklase ko para sa geometry at statistics. magaling naman daw siya magturo at napakakengkoy pa daw. at naalala ko pa sinisipon siya nang turuan niya ang munti kong kaklase. haha.

nung tumuntong ako ng ikatlong taon ko siya mas nakilala. dahil nakikita ko na siya ngayon tuwing klase sa pisika. di ako ganoon kainteresado sa klase niya pero madami din akong natutunan. at natuklasan ko ding cool na tao siya.

pero weird din siya. eto siguro yung nagustuhan ko sa kanya. madalas nakanta. nung naku-quiz kami isang bes, kinanta niya ata buong soundtrack ng mga disney films. haha. ewan ko ba dun, pero minsan masaya talaga siya kakwentuhan lalo na pag CAT dahil siya ang astiging commandant doon na nagbabaon ng goto. tsaka pag pinakinggan mo siya makipag-usap sa iba parang alam niya na lahat. madalas yung mga itatanong mo nasasagot niyang lahat. lalo na yung tungkol sa mga cartoons, anime, hentai, gadgets at yung may kinalaman sa field niya o kahit anong scientifical chuva. pero wala sa itsura niyang ganun siya katalentado. wala. haha.


minsan, nakakabigla talaga siya. haha!


bakit mahal niya tayo?

hindi ko naman talaga alam kung mahal niya tayo o hindi eh. pero alam ko na ang isasagot nun kapag tinanong ko siya ng ganyang tanong. at huwag mo na lang din tangkaing itanong pa sa'kin yan. mabibigo ka lang sa sasabihin ko. haha!

pero kami mahal namin yan. kahit madalas kaming sigawan niyan at sermonan. kahit maingay kami lagi pag andyan siya at kahit pilit kaming nagpapapicture sa kanya kahit ayaw niya. sus. matitiis ba naman kami niya? haha.


sapilitan kasi eh, pangit tuloy. karma ata. haha

pero pag sa boys mabilis na oo lang. madaya.


naalala ko tuloy nung pumasok ako pagkatapos ng holyweek break:

ako: sir..
sya: (dedma lang, may kausap na iba)
ako: uy, sir.
siya: (dema pa rin, lumakad paalis)
ako: (nakabuntot) sir, namiss ko kayo.
sya: (lingon bigla) ano?!
ako: namiss ko kayo sir. (ngiti)
sya: oh bakit? wala pa namang isang linggo yun ah.


haha.astig talaga. di ko alam kung kikiligin ako o ano eh. pero natuwa ako, matino na din yung sagot niya kahit papano. haha. di ko naman siya gusto na parang gusto mong angkinin at idisplay sa kwarto mo pero hanga lang ako sa talino niya at kung paano niya kami natitiis. hahaha. nakakatuwa pa kasi abnuy din yan. yung sa sense na minsan pag kausap mo siya mabobobo ka sa kawierduhan. basta, ganun.



hindi ko talaga makakalimutan yan. haha.


Labels: , ,

0 Comments

Tuesday, April 1, 2008 { 8:33:00 PM }

lumabas na lang yan bigla sa bibig ko kanina. ewan ko ba.

hay. nakakapod ang araw na ito. ang init-init pa. pati ulo ko mainit. mga dalawang araw na akong ganito-badtrip. ewan ko ba, konting bagay lang inis na inis na ako. hay. baka malapit na ang aking buwanang dalaw. baka nga. baka nga. ayoko ko pa namang ganito. napakamasayahin ko pa namang tao para maging ganito kabadtrip. haha. pero, moody talaga ako. lalao na kay ano.. haha.

sa totoo lang sa kanya talaga ako lagi nababadtrip, ewan ko kung bakit. minsan ako lang yung bogarts na nagpapalala ng lahat. maayos naman kami tapos bigla akong maiinis na hahantong naman sa bagay na mas ayaw kong mangyari. blah-blah-blah. pero kahit badtrip ako, mas gusto ko pa din syang kasama. haha. atsaka pag ganyang badtrip ako dun siya gagawa ng bagay na ikakatuwa ko. yung time na gusto ko ng sumabog pero gagawa siya ng bagay na kanais-nais para sa'kin, at ayun. huhupa ang galit sa aking damdamin. ganyan lang lagi ang drama. ewan ko ba kung bakit di pa ako nasasanay. siguro kung nababasa mo to mababadtrip ka. ewan ko kung bakit ko naisip yun pero masama ang kutob ko kaya sana di mo talaga mabasa to. basta alam ko lagi lang akong naiiwang masaya sa huli. <3



hay.ewan ko ba, ganun na talaga eh.


pero hindi naman talaga ito dapat ang kwento ngayon eh. nasingit lang. haha.

pumunta kami sa school ngayon dahil kuhanan na ng card at despidida ng kambal kong batchmates. imbitado ang tropa, kaya ayun. nakuha ko naman ng maayos ang card ko. pero di maayos ang grades ko. baka maghuromentable na naman ang nanay ko. lahat bumaba eh at yung CAT lang ang tumaas. haha. pero di naman mababa yung grades ko. pero sayang din eh. at di ko rin pala nakuha yung good moral chuva ko sa adviser ko, babalikan ko pa tuloy bukas. pero dapat kahapon ko pa kunuha yun eh, since pupunta naman din ako ngayon isasabay ko na lang. tipid din yun sa pamasahe eh.

ayan. mabilis naman naming nakuha ang report cards namin pero di ganoon kabilis ang pag-alis namin papunta sa despedida nung kambal. may mga nagpahintay pa kasi eh. at dito unti-unting uminit ang ulo ko. hay. zune lang talaga ang katapat ko. at trivia nga pala: pag badtrip ako, nahahyper ako. super. at pagsinabi kong super eh yung ginagawa ko yung mga bagay na hindi ginagawa ng matinong mamamayan ng bansang pilipinas. suguro naman kahit konti naiisip mo na ang mga pinaggagagawa ko. pero hindi naman yng mga bagay na ikakainis mo, masaya naman, yun nga lang pangbogarts talaga. ha!ha!

hindi naman pala nagpapahintay yung hinihintay namin eh. @#$%&?!! lalo akong nabadtrip. bogaloids! sayang ang oras. ang init tuloy ng byahe namin. nak ng tokwang hilaw. wala nang magagawa eh.

nakarating din naman kami ng maayos doon. yun nga lang, matindi talaga ang talas ng sinag ng araw ng mga sandaling yun. iba ang feeling. nakakapaso.

pagdating namin don, nagbibidyooke ang mga kalalakihan. pero yung iba nag-uusap lang sa tabi. badtrip pa din ako. ako lang. haha. napakasama ko ngayon kasi minura ko ng nakatalikod yun, bunga lang talaga ng mainit na panahon. hindi ko na uulitin ang mapangahas na pangyayaring yun. pero pag galit ka nga naman, di mo mapipigilang gumawa ng mga bagay na di angkop sa pandinig. haha. di ko maintindihan.

bumawi na lang ako sa pagiging hyper. naging masaya naman ako kahit saglit. at habang tumatagal nawala na rin ang kabadtripan, naglaro na lanag ako ng lobo at camera kasama ang tropa. ayun. masaya. haha.

masaya naman nga kasi nagpa-picture sya sa'kin, nainggit siguro sa ibang hinihila kong makasama sa picture. haha. pero di nga, natuwa ako. sabi sayo, lagi akong nagugulat eh, kaya di ako nagsasawa kahit lagi akong nabubugnot. ganun siguro talaga. haha.

wala na akong masabi.
hahahaha.
basta alam ko ayos na
ako.

nung pauwi na kami bigla naman umulan. nak ng ----. ambaho ng singaw ng lupa. nagpatila muna kami sa 7-eleven at kumain na din. mabili din namang tumila pero may hinala akong masama.. may magkakasakit.


may swimming pa bukas.
sige.dito na lang.

Labels: , ,

0 Comments