<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/883993280880141434?origin\x3dhttp://mahaltayoniemboy.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script><iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=8076742059755845825&blogName=PIECE+OF+HEAVEN&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLUE&layoutType=CLASSIC&homepageUrl=http%3A%2F%2Flov-ebites.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Flov-ebites.blogspot.com%2Fsearch" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>
G is for Gago.

mastermind

GENISSA O. VILLEGAS
(1991-Present)

I am fond of weird people and I like sweet foods. I am a lazy OC and a frustrated artist. I hate roaches and I don't like being left, in which ever situation.
MORE INFOs NEXT UPDATE. XD

Multiply
Friendster
facebook: genissa villegas
email: mismacho@yahoo.com


shouts


Plurk.com



exits

BLOGS
Chiui Chicca Miss Anne BFF Mary Pel and Choey Joyce Danna Kiarra Dadi Joffi Kryk Mikyu Keiti Clarisse Ryan Kit Bathalumanz Ruthe Jeru Bettina Patsy Thea Ayesha Paw Eu Louisa Patricia Gel CrazyWrazy Iway Gail Diandra Gela Kaye Janajee Cza-Cza ChenJireh Tiff K Leyn

WEBSITES
Mikrokosmos KikomachineKomix Electrolychee Jon Burgerman Rolitoboy Smosh Rexbox Keri Smith Bob Ong Francis M Green Pinoy Andy Warhol

RANDOM LINKS
10 ways to infuse your work with your personality by Keri Smith
Drawing Faq by Keri Smith
Kiarra's City
Kiarra's socio blog
Chiui's photoblog
Jennie Castillo Film Cameras

archives
March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 May 2009 December 2009 January 2010 March 2010 December 2010 November 2011

credits
Designer/ %PURPUR.black-
Colour Code Icons



earring

klphotoawards.com







Tuesday, February 3, 2009 { 11:31:00 PM }

maganda ang mood ko ngayong araw na ito dahil natapos na din lahat ng pressure sa'kin nitong mga nagdaan araw. ang saya ng feeeling!:D

natuloy na din yung pagluwas ko kahapon ng maynila para magpasa ng form para sa entrance exam sa TUP. kasabay ko si niKulas papunta, at ibinalik ko na din yung hineram kong digicam. binalik na din niya yung kikomachinekomix ko. :D ayun. tapos nagpunta muna kaming Sm manila para sunduin si ketani, kasama din kasi siya. at ayun, pumunta na kami sa TUP.

naging maayos naman ang pagpasa ko ng form. natatakot kasi ako baka mali yung ginawa ko kasi ako lang yung nagsulat ng grades ko sa form na sabi ni ruthe ay dapat daw ang school ang gagawa noon. but okay naman.

architecture pa din ang first choice ko at fine arts! HAHAHA. pinag-isipan kong mabuti kung magpafine arts ako pero since wala akong mahanap na ibang course na gusto ko, yun na lang ang second choice ko. nagkaroon naman kami ng masinsinan na usapan nung lalaking sa admissions office. sabi niya pag hindi daw nagustuhan ng college ang drawing ko, pwede pa naman daw akong magpalit ng ibang course. di ko napansin na may ECE pala doon, kung sakali, yun na lang ipampapalit ko.

ansaya. nakapagpasa na din talaga ako sa wakas! haha. sa march29 pa ang exam ko. malayo pa nga kaya madami pa akong panahon para magreview. :D
mabilis lang kami sa TUP kahit medyo magulo noon kasi medyo madami din ang mga nag-aapply. pagkaalis namin doon, umalis na din si kulas at bumalik kami ni kate sa Sm manila.
sa labas kami ng mall kumain ng eryenda kasi trip ni kate lumantak ng kwekwek. haha. ayun. anlagkit ng sapatos ko dahil ang daming tulo ng sauce sa sahig. buti medyo bitin yung suot kong pantalon.

pagkatapos ng chibog bumalik kami sa mall at nag-ikot. nagpaltos na naman ang paa ko. haha. tsk! tapos tumambay kami sa national bookstore tapos sa food court at nagkwentuhan at tawanan habang hinihintay namin ang sundo ko.

ala sais na dumating si mj. medyo kinakabahan na si kate dahil sa QC pa siya uuwi. at dahil baka pagalitan pa siya.
hinatid na namin agad siya sa sakayan tapos bumalik kami sa Sm manila at doon na nagdinner.

pero bago kumain, niyaya muna niya ako sa mhm. quantum ata. haha! basta sa arcade. di ko kasi nakita kung anu yun. pinanood namin saglit yung mga nagtetekken doon na magkakatropa. ayos. ang galing ee. lalo na yung chinita. sabi ni mj madalas daw yung tropang yun doon. tapos ang daming mga miron sa likod. haha!

nagtokyo tokyo kami kasi gusto niya akong kumain ng gulay na sa bandang huli ay siya rin ang kumain. hahahahaha. nakakainis lang eh. pero kumain ako ng carrots! haha. konti lang.:D

pagkatapos sumakay na din kami pauwi pero doon kami bumaba sa kanila. ihahatid na daw niya ako hanggang sa'min. hindi kasi nadaan samin yung bus kaya kailangan ko pang sumakay ulit ng isa. eh mag pass 9 a yun. ayun. haha. yun ang trip ko kahapon.

salamat nga pala kina nico, nagsabay sa'kin at sumama din sa TUP kahit halos ma-late na siya sa klase niya, kay kate, na sumama ding maghintay sa TUP at sa Sm para sa sundo ko, at kay mj na sumundo sa'kin at nanlibre ng hapunan. hooray! salamat sa lahat. sana mabasa niyo to. hahaha. XD

Labels: , , ,

0 Comments

Sunday, April 6, 2008 { 8:33:00 PM }

ayan. wala rin namang magandang nangyari ngayon. ganito pa rin ang pakiramdam ko. pero ngayon, nakapahinga pa ako. maswerte pa ako nakakapag-internet ako at nakapagtype pa ako ng blog entry na ito. mhm. ayan, ayan. sinusumpong na ako. *bahing!*

***

mahilig ako sa mga interactive games na may kinalaman sa matinding pag-iisip. gusto ko yung tipong naglulupasay na ako sa sahig at nagwawala na. nauubos ang mga walang kwentang brain cells sa kaiisip. at dinudugo na sa mga pinagpipilitan kong mali namang sagot. alam ko exagg ako masyado, pero ganyan talaga ang feeling ko pag naglalaro ako ng mga ganyan.

may nalaro na akong ganito dati, katulong ko pa sina kia**a at chiw*. masaya siya at talagang nauubusan na kami ng pawis at utak. haha! nakaw. masaya talaga, lalo na pag nalaman mo na yung sagot at, "yun lang pala yun, men!" haha.

eto yung ilan sa mga nilalaro ko ngayon. mga ilan na lang naman yung di ko pa nagagawa. at kung natapos mo man lahat, sabihin mo sa'kin na bano ako. bano! wahaha!!

star finder:
(part 1) http://www.nekogames.jp/mt/2007/05/post_16.html
(part 2) http://www.nekogames.jp/mt/2007/09/2.html

may alam pa ako eh, 3d logic. astig din yun. kala mo parang mani lang sa simula pero ikaw ang mamaniin nun sa huli. teka, baka ako lang yun. haha. yung part 1 nun umabot lang ako sa stage 16. ayun, di ko matapos. haha. yung sa part 2 naman hanggang stage 6 lang ata ako. haha. hay, 3d logic. logic. logic.

yung 3d logic nga pala hanapin mo na lang sa www.pointlesssites.com marami ring iba pang laro dun na maganda at weird. meron ding nakakatuwa at nakakabobo. haha.

try mo lang laruin, baka sakaling mag-enjoy ka at pasalamatan mo pa ako sa huli dahil nabigyan kita ng ganitong klaseng payo pantawid sa boring mong araw. pang-ensayo na din ng brain skills para magamit mo na ang mga nakatagong katas ng utak mong inaagiw na sa loob ng ulo mo.

kaya, ayan.
sige, larga na mga katoto!!







adios.

Labels: , ,

0 Comments

Saturday, April 5, 2008 { 9:41:00 PM }

mhm. wala namang nangyaring maganda. ganun pa rin naman, ngayon nga lang iba pa rin ang pakiramdam ko. kala ko nga maayos na to kanina paggising ko. pero lumala ngayon at sinisinat pa ata ako. haha.

tumulong lang ako magbantay ng tindahan namin sa kabilang kalye. ganoon lang ang ginawa ko nung bakasyon nung isang taon, at malamang ganun pa din ngayon. wala naman din akong magagawa pag di ako tumulong, dahil di naman pwedeng mag-internet lang ako maghapon, kumain at matulog. diba. diba. pero ngayon, may sakit ako. kailangan ko ng pahinga. excuse na din to para di ako makapagbantay don, haha. pero kainan kasi yun eh. tapos habang nagse-serve ako ay maipapasa ko ang mga viruses at bacteria na namumutawi sa bibig at ilong ko?, hah! diba, nakakainis yun. tsaka wala din naman silang pake, basta andun ako masaya na sila. sabagay, mahirap naman magtrabaho.

nauwi rin naman tayo sa usapang trabaho, naisipan ko sanang mag-summer job. pero naisip ko ding di naman nila ako papayagan. sasabihin lang nila na sa kanila ako magtrabaho, nakatulong pa sa kanila. kaso, walang sweldo. syempre nanay at tatay ko ang may-ari nun. sila nga ngang bahala sa pagkain, pamutat, tinapay at iba pang pangangailangan ko sa buhay tapos bibigyan pa ba nila ako ng sweldo? syempre maari nilang isumbat sa'kin yun kaya di na lang ako sasabat tungkol dito. isa pa, hirap din ako makihalubilo sa mga ibang tao. mahiyain ako sa una. sa una lang dahil pag nagtagal, tarantado na ako. haha. ganun talaga eh.

kaya mas maganda kung dun na lang sa tindahan ng nanay ko. safe na, libre pa! atsaka nabibigayan din naman ako ng pera nun kapag may lakad ako o gala. ayos na din naman. pwera lang ang mga sermon nila.

***

gusto ko lang ibahagi ang ilang bahagi ng pagkatao ko, ayos lang kung ayaw mong basahin ang parteng to ng entry ko, wala ka din namang magandang mapapala eh. pero pagpahaba na rin ito. haha. ayan. ayan na.

nakatira at sa rosario, cavite at dalawa lang kaming magkapatid sa pamilya. ako ang panganay, lalaki ang bunso. scorpio ang sign ko at mahilig ako sa matatamis na pagkain. hobby ko magdrawing, magsulat at umihi. HINDI AKO KUMAKAIN NG GULAY at dahil dyan, matiyaga akong maghiwalay ng mga gulay sa bihon ng pancit guisado. gusto ko si bob ong at ang komix ni manix abrera. pinangarap kong maging figure skater minsan. isang tao lang ang tinetext ko ng araw-araw, umaga-gabi. gusto ko ding makagawa ng isang comics at maging tanyag na komikero. masaya ako pag may kamera at pag marami akong nakikitang kulay. MAHAL KO ANG GOTO NA PINATIKIM SA'KIN NI M* , HANGGANG NGAYON. bulol ako lalo na pag nag-iingles. gusto kong pinapatawa ang mga kaibigan ko. takot ako sa ipis at iba pang insektong di kaayaaya ang itsura. hindi ako mahilig sa sushi at sa bopis. libangan ko ang managinip ng gising. ayoko kay cybill pero masaya siyang kasama minsan. takot akong mag-isa.. "EMO daw AKO". minsan feeling ko hindi ako tao at may mga ibang nilalang na nagmamatiyag sa'kin. alam ko, hindi ako weirdo. bano lang..






eh, teka.
sino ka??



Labels: , , ,

0 Comments