Wednesday, February 25, 2009
{ 9:57:00 PM }
YEHEY! nabuboost up ko na ang karma ko sa Plurk at nakuha ko na ulit yung nasayaw na saging. haha! :D plurk addict na talaga hanep, buti may Phplurk. ayun.
teka. may nag-imbita pala sa'kin sumali sa OBRA, isang pinoy artist network. kaya ayun, sumali ako. haha.
gusto ko lang i-share sa inyo. XD pero kung interesado kayo o isa kayong pinoy artist na hindi pa miyembro dito ay pumunta lang kayo sa. http://obra.ph :D
mabuhay pinoy artists!...
...
...
naglalaro nga pala ako kanina ng jack n' stons! hahaha. na-miss ko yun aa. dati hustler ako dun eh at madami akong alam ng
exhibitions (?). basta yung ginagawa pagkatapos mo sa level 10. haha. tapos noon magkaka
bahay ka na.
medyo matagal din ako nag-struggle bago ko natutunan yun laruin. kasi dati hirap talaga ako mag-timing para masalo kaagad yung bola at madalas din malayo tumalbog kaya hindi ko masalo-salo. di ko alam kung kailan ako natutunan yun dahil maraming bes ko pinagpilitan na matutunan yun at maraming bes din akong nabigo. sa dami ng araw na ginugugol ko roon, hindi ko na maalala talaga.
oh, kelan nga ba?marahil sa eskwelahan iyon noong grade 3 ako. kung saan marami rin akong natagpuang mga babaeng lulong sa nasabing laro. sa kanila ko natutunan lahat ng eksibisiyon at sa kanila ko unang naipamalas ang pag 'around the world' ko.
oh jack n' stones, bakit ngayon di ko na maalala ang mga iyon?naaalala ko pa ang spelling (M-I-L-O, L-O-L-O, etc.), kweba, over the bakod, basketball, around the world at ugh. di ko na maalala yung iba. HAHA. nakakalungkot isipan na nakalimutan ko na ang ilang bagay sa larong minahal ko at pinondohan ng malaki.
dati, pag nawawala yung isang 'stone' o yung bola talaga, bumibili ako ng panibago. hanggang sa dumami iyon at napagsawaan ko isang bes. di ko na maalala kung saan ko sila nailagay o
naitapon. nagpabili ako sa pinsan ko ng isa noong isang bes na naisipan ko lang muling laruin iyon.
happy memories .. .
alam ko na! magpapaturo na lang ako sa pamangkin ko. HAHA. XD
Labels: bob ong, jack n' stones
Monday, February 23, 2009
{ 11:01:00 PM }
super golly oh! may bagong libro si bob ong. haha! at mayroon na rin syang clothing line. pero limited 200 lang ang mga tshirt per design kaya wag ka na ring humabol kung nagnanasa ka pang bumili, next time na lang siguro, pag natripan na ulit nila gumawa ng bagong disenyo. haha!
click ka
dito para makita yung tshirts at yung video para sa bago niyang libro. naeexcite na talaga ako! haha .XD
di ko mahanap yung site ng kikomachine, umalis na pala sila sa tk at lumipat na sa multipy. nakakainis, di ko man lang nalaman nang maaga para di ako nagulantang sa mga picture na nakalagay sa dating URL ng website nila. try mo :
www.kikomachinekomix.tk :D
isang excerpt mula sa blg.5 RAKenROL! :D
click ka naman
dito para sa bagong site ng kikomachine komix. :D
Labels: komix at bob ong
{ 10:05:00 PM }
woo. blog entry na naman. pag wala ako sa harap ng computer, andami kong naiisip i-post pero pag nagtatype na ako bigla na lang ako nakakaramdam ng kakaibang katamaran.
haha!pero sa kabila ng lahat, marami pa rin akong gustong ikwento. kaya pipilitin ko na lang galalwin ang mga daliri kong pumundot ang ang utak ko na gumana.
noong linggo, nakila nyxon ako. birthday party niya kasi. kaya ayun,
instant reunion na naman ng barkada. sayang nga lang at di nakasama yung iba dahil may mas importante pang gagawin. sayang talaga.
di lang naman ako yung umattend na babae kaso masyadong busy noon maglaro ng DS si joyce kaya ako lang ang nakasama nila dito sa picture. tapos ginabi pa sina ruthe, majie at jorge. pauwi na kami nina cj nung dumating yung ibang mga lalake.
mhm.well, niyaya ako nina ruthe na sa sumama sa UP-LB sa march. gagala daw sila. kaso di ko pa sure kasi mahal ang pamasahe eh, pero mukha namang masya talaga yun.
sana magbayad na yung may mga utang sa'kin para makasama ako. haha!
ugh. ayan, wala na naman akong makwento.
...
...
...
nagparamdam sa'kin yung 'bestfriend' ko na nasa australia. medyo nagtampo ako dun kasi hindi man lang niya ako nasabihan na umuwi pala siya nung may pero ayos lang din naman.
...
...
...
AGH! sa sobrang pag-iisip ko, unconciously na nakagat ko yung kuko ko. agh!!!! ayan. maikli na tuloy. panget naaa. raaaaaaaawrrrr.
huhu poh. :'(
...
...
...
ayun, nakapagPHPLURK na ako. woo!! haha. mabuboost up ko na yung karma ko. yeah. :D haha. dancing banana, here i come!
...
...
...
hanep. sige, dito na lang muna. magbbloghop na lang ako para maiba naman. haha. XD
Labels: facebook, random thoughts
Wednesday, February 18, 2009
{ 10:54:00 PM }
mhm. napplurk addict na ata ako. hahaha. nag-internet lang naman ako ngayon kasi gusto ko lang mgplurk para makuha ko ulit yung nasayaw na saging. bumaba na kasi yung karma ko. tsk! well. yun lang naman. hahaha. try ko na lang magpost ng mas mahaba sa susunod. siguro sa monday na. bbye! :D
Labels: avocado, facebook, phplurk
Sunday, February 15, 2009
{ 10:05:00 PM }
HECTIC. medyo naging
in demand ako last week kaya ngayon lang ulit ako nakapag-post. HAHA!
nabanggit ko naman sa huli kong entry na magbblog leave ako dahil nalalagas na ang mga huli kong kayamanan. kaya ayun, na-manage ko namang makapagblog leave kahit panandalian. at medyo naging busy rin naman talaga ako dahil pumunta ako sa annual cheering competition at miss atheneum pageant sa HS ko. at noong sabado valentines pa kahit di naman ako umalis noon. haha. basta, iisa-isahin ko naman kwentuhan tungkol sa mga yan.
noong cheering competition, medyo marami rin sa batch namin ang pumunta, marami rin ang nag-cut at umabsent para lang makapunta.
ansaya! haha.
next.
ms.A, mas marami ang pumunta. gabi kasi yun at nung friday kaya marami talaga ang makakapunta. instant reunion nga eh. at dapat mag isleep0over si chiui sa'min kaso nakalimutan niya yung gamot niya(dahil masakit yung batok niya o yung likod niya) kaya umuwi lang din siya agad. tsk.
sayang! excited pa naman ako nun. hahaha.
nitong valentines, walang nagyari. ay, meron pala. hahaha. dapat kasi aalis kami ni mj kaso
hindi natuloy dahil sabi ko
"di niya ako tinext" at sabi naman niya
"di mo ako tinext". haha! dapat kasi noong hapon ng 14th aalis kami, sabi ko sa kanya itext niya ako pero wala akong natatanggap kaya kala ko di na tuloy. sabi pa sa'kin ng katropa ko, nasa GZ daw sila-computer cafe' kung san suki sila. kaya kala ko di tlaga tuloy. badtrip talaga ako noon ee. hanep. naisip ko nga sana pumunta na lang ako kina chiui kasi niyaya niya ako manuod ng sine, sa kanila. haha. movie date. kaso tinamad na din ako at naalala ko may
bisita rin siya. haha. >_<
tapos nung gabi dumating siya, nakaporma. hanep. hinhintay niya lang pala yun text ko. kaya badtrip din siya ee. kala niya di tuloy. kala ko rin. pero di naman kami nag-away. kahapon na lang kami nag-date. at naground trip sa molino dahil mali yung routa nung nasakyan naming jeep.
ayun lang, bnigyan niya nga pala ako ng tsokolateng may maliit na tedi ber- si Bon Bon! haha. chura eh, naiikot yung braso at binti nya. nakakaaliw! haha. :D
teka. paturo nga pala maglagay ng comments dito. yung sa HaloScan ba yun? di ko malagay eeh. gay.
Labels: ferrero, ice monster, pink, stu earrings
Thursday, February 5, 2009
{ 11:11:00 PM }
biglaan namang umulan ngayon, ang baho tuloy ng singaw ng lupa. yun ata yung amoy
alimuom. . ?
kanina paggising ko, maayos pa ang sikat ng araw. parang di uulan. di man ganoon kaganda ang gising ko di kagaya noong isang araw, mukha namang di masama ang gising ko kahit di ko nagustuhan ang lasa ng pansit na kinain ko.
medyo tinatamad pa nga ako kanina, pero naisipan ko namang pag-
tripan ang lola ko. HAHA! wala lang eh.
trip nga lang.
Original Video - More videos at TinyPicayan. binidyohan ko siya. HAHAHA! at
aliw na aliw siya ng makita niyang natawa sa sa screen ng camera
ko. may picture pa nga kame ee. wala lang,
trip ko lang ulit. spot the difference :Dbinidyuhan ko pa nga ulit siya kaso mabagal mag-upload dito, next time ko na lang siguro ilalagay. hehe. pag trip ko na lang ulit.
* ay eto na pala. naupload na. HAHA.*medyo hindi nagiging maganda ang habit ko na mag-internet ng halos araw-araw kasi nauubos ang pera ko, dahil sira pa rin ang computer namin. nasasanay na ako na mapera ako ngayon, di maganda. TSK. dati, natititis ko naman kahit isang taon akong hindi mag-internet o isang oras lang akong mag-internet sa labas
. lumalala na ang bisyo ko,
hindi ito maganda.kaya siguro, medyo uuntiin ko na ang pag-iinternet ngayon. isa pa, marami pa akong gustong bilhin na
mas importante dito.
parang blog leave na din ito. o siguro, once a week na lang ako mag-iinternet. namimihasa na ako. hihintayin ko na lang ulit na magawa yung computer namin o bumili ulit sila ng bago. tsk.
pero hindi pa naman farewell to. malay niyo bukas andito ulit ako. HAHAHAHAHA! nako.
Labels: blog leave, champorado, facebook, plurk addict, text
Tuesday, February 3, 2009
{ 11:31:00 PM }
maganda ang mood ko ngayong araw na ito dahil natapos na din lahat ng
pressure sa'kin nitong mga nagdaan araw. ang saya ng feeeling!:D
natuloy na din yung pagluwas ko kahapon ng maynila para magpasa ng form para sa entrance exam sa TUP. kasabay ko si niKulas papunta, at ibinalik ko na din yung hineram kong digicam. binalik na din niya yung kikomachinekomix ko. :D ayun. tapos nagpunta muna kaming Sm manila para sunduin si ketani, kasama din kasi siya. at ayun, pumunta na kami sa TUP.
naging maayos naman ang pagpasa ko ng form. natatakot kasi ako baka mali yung ginawa ko kasi ako lang yung nagsulat ng grades ko sa form na sabi ni ruthe ay dapat daw ang school ang gagawa noon. but okay naman.
architecture pa din ang first choice ko at fine arts! HAHAHA. pinag-isipan kong mabuti kung magpafine arts ako pero since wala akong mahanap na ibang course na gusto ko, yun na lang ang second choice ko. nagkaroon naman kami ng masinsinan na usapan nung lalaking sa admissions office. sabi niya pag hindi daw nagustuhan ng college ang drawing ko, pwede pa naman daw akong magpalit ng ibang course. di ko napansin na may ECE pala doon, kung sakali, yun na lang ipampapalit ko.
ansaya. nakapagpasa na din talaga ako sa wakas! haha. sa march29 pa ang exam ko. malayo pa nga kaya madami pa akong panahon para magreview. :D
mabilis lang kami sa TUP kahit medyo magulo noon kasi medyo madami din ang mga nag-aapply. pagkaalis namin doon, umalis na din si kulas at bumalik kami ni kate sa Sm manila.
sa labas kami ng mall kumain ng eryenda kasi trip ni kate lumantak ng kwekwek. haha. ayun. anlagkit ng sapatos ko dahil ang daming
tulo ng sauce sa sahig. buti medyo bitin yung suot kong pantalon.
pagkatapos ng chibog bumalik kami sa mall at nag-ikot. nagpaltos na naman ang paa ko. haha. tsk! tapos tumambay kami sa national bookstore tapos sa food court at nagkwentuhan at tawanan habang hinihintay namin ang
sundo ko.
ala sais na dumating si mj. medyo kinakabahan na si kate dahil sa QC pa siya uuwi. at dahil baka pagalitan pa siya.
hinatid na namin agad siya sa sakayan tapos bumalik kami sa Sm manila at doon na nagdinner.
pero bago kumain, niyaya muna niya ako sa mhm. quantum ata. haha! basta sa arcade. di ko kasi nakita kung anu yun. pinanood namin saglit yung mga nagtetekken doon na magkakatropa. ayos. ang galing ee. lalo na yung chinita. sabi ni mj madalas daw yung tropang yun doon. tapos ang daming mga miron sa likod. haha!
nagtokyo tokyo kami kasi gusto niya akong kumain ng gulay na sa bandang huli ay siya rin ang kumain. hahahahaha. nakakainis lang eh. pero kumain ako ng carrots! haha.
konti lang.:D
pagkatapos sumakay na din kami pauwi pero doon kami bumaba sa kanila. ihahatid na daw niya ako hanggang sa'min. hindi kasi nadaan samin yung bus kaya kailangan ko pang sumakay ulit ng isa. eh mag pass 9 a yun. ayun. haha. yun ang trip ko kahapon.
salamat nga pala kina
nico, nagsabay sa'kin at sumama din sa TUP kahit halos ma-late na siya sa klase niya, kay
kate, na sumama ding maghintay sa TUP at sa Sm para sa sundo ko, at kay
mj na sumundo sa'kin at nanlibre ng hapunan. hooray! salamat sa lahat.
sana mabasa niyo to. hahaha. XD
Labels: load, paltos, sipon, ubo
Monday, February 2, 2009
{ 1:18:00 AM }
pumunta kami ni danna at marjorie sa school. bday nga pala ng kapatid ni danna, si daryl. at yun ang dahilan kung bakit wlang pasok si danna. dapat kasama sina kiarra at cj kaso di sila pwede. dumaan na lang ako kina kiarra noong umuwi na kami. dinalhan ko siya ng sweet corn! :D
si danna yung flirt na nasa gitna at si marjorie
yung mas flirt na nasa kaliwa. HAHA!:D
yeys. may picture ulit ako kasama si sir! @_@ haha.
yung ibang mga teacher tinatanong kung hinhintay ba namin si sir emboy kasi madalas siya naman talaga yung una naming hinahanap kapag pumupunta kami sa school. hehe. kahit yung mga boys. pero trip din nila si ms. grace, na kamukha ko daw kaya ang tawag sa kanya genissa tapos sa'kin ms. grace. minsan ms. grapes. haha! maglalagay ako ng picture niya dito kapag bumalik ako sa atheneum. pati na rin picture ni herda- isa ko pang kamukha. haha.
teka. may bago bang album ang my chemical romance? miss ko na sila! haha. <3!
Labels: meow, ms. vidal, sweet corn
Sunday, February 1, 2009
{ 6:14:00 PM }
HOORAY! february na. isang buwan na agad ang nagdaan. parang may hang-over pa din nga ako sa 2008 eh. haha. ang bilis lang talaga ng mga araw, mamamalayan mo na lang bigla pasko na naman at malapit na ulit magputukan. pero bago pag magpasko at bagong taon muli, dadaan muna tayo sa kaabang-abang na valentine's day.
dati kahit wala pa naman akong lovelife, inaabangan k na ang araw ng mga puso. naeexcite lang ako kasi baka may adik lang na biglang magbigay ng tsokolate sa'kin sa araw na yun. haha. yung una atang nagbigay sa'kin ng bulaklak ng valentine's day ay isang
babae. oo. babae. pero hindi naman siya tibo kasi binigyan niya kaming lahat na kaibigan niyang babae at dahil mapera lang talaga ata siya. alam ko uso din yung bigayan ng mga ganun sa mga kababaihan, parang sa pagiging
girlfriends. ganun ata. natuwa naman ako nung binigay niya yun habang yung seatmate ko ay maya't mayang inaamoy yung rose. mabango daw ee. ha-ha!
hindi ako nababanguhan sa mga bulaklak. at hindi ko maintindihan na dapat amuyin lagi ang mga natatanggap mong bulaklak kahit madalas amoy
fungi naman sila. di ko alam kung ako lang ang nakakaamoy sa mga bulaklak na mabaho o impluweniya lang yun ng mga artista basta ang alam ko hindi ko talaga gusto ang amoy nun. siguro, wala pa akong naaamoy na mabango nun kaya ganun ako, pero ayoko nun.
ayoko.
pero hindi naman ibigsabihin nun ayoko sa mga bulaklak. gusto ko sila, yung amoy lang ang hindi. callalily, sunflower at puting rosas ang mga trip kong bulaklak pero kung bibigyan mo ako ng regalo sa feb14, tsokolate na lang.
CHOCOHOLIC AKO. dati. yung tipong madamot ako pag dating sa tsokolate at hindi tumatanggi. pero nag-iba yun nang simula noong magkanobyo ako. ewan ko kung yun talaga ang dahilan pero kasi na-spoil niya ako sa tsokolate. madalas may tsokolate siya para sa'kin kaya madalas din sumakit ang ngipin ko. HAHA. tapos pag kumakain ako ngayon ng tsokolate, madalas sumasakit ang tiyan ko at madalas humahantong ito sa diarrhea. yan ay base lamang sa mga obserbasiyon ko.
pero sa kabila ng pagbibigay niya sa'kin ng mga tsokolate, sinanay niya din naman ako na maging adventurous sa pagkain paminsan minsan. dati kasi kahit sa mga pagkain o ulam, matamis ang gusto ko o basta may choice akong chocolate ang piliin ko (e.g. ice cream), chocolate lang talaga pipiliin ko. pero tuniruan niya akong tumikim ng iba na nagustuhan ko din naman. kaya naging madalang na akong magtsokolate at hanggang sa hindi na akong nahihibang pagdating dito. kung dati di ako makatiis hangga't hindi ko nauubos ang mga candy sa ref, ngayon kaya ko na kahit mayroon pang kumain noong sa harap ko, di na ako nanghihingi. dati pa nga nag-aagaw ako nun at nangungupit sa mga tinda ng tita ko. ganun ako kaadik dati, ganun ako ka-hindi ngayon.
last year, naggoto lang kami ni mj at ibinili niya ako ng donuts na korteng puso sa dunkin' donut- yung laging pauso pag valentine's. ngayon, hindi ko alam kung saan kami magdedate. sinabi niya na sakin na di sigurado kung makakaalis kami ngayon dahil busy sila masyado. mdami kasing termpapers na gagain at magasto, kaya noong december at january siya bumawi, advance daw. sakto pa ngang pang valentine yung lebkuchen na binili niya sa'kin sa st.scho dahil korte itong mga puso at dahil feminine ang package nooon. instant valentine gift tuloy ng mokong. haha.
kung makakaalis man kami 14, gusto ko lang naman ng
movie date. di pa kami nakakapagmovie date nun eh, madalas kasi movie
group date lagi. gusto ko ng movie date with matching over-sized popcorn cup na umaapaw sa keso. mhm! movie date! movie date!
kung kilala mo si mj, sabihin mo gusto ko ng movie date. kung ayaw niya, dahil madalas ko siyang yayain na mag movie date at mdalas niya rin itong tanggihan, ay ikaw na lang ang idedate ko.
gusto ko yun, movie date. kahit sino na lang sa mga kaibigan ko, sa feb14. MOVIE DATE.
ayos na din ang ilibre niyo ako ng mainit na goto, malamig na tokwa at heart-shaped donut na puro hangin lang ang laman. sa february 14.
medyo busy ako ngayon dahil tinutulungan ko si mj magresearch. mgandang paraan na din ito para paganahin ko ang utak ko at ubusin ang oras ko. may
free access pa ako sa internet. sarap. hahaha. :D
Labels: miss atheneum, movie date, research paper, teya