Thursday, February 5, 2009
{ 11:11:00 PM }
biglaan namang umulan ngayon, ang baho tuloy ng singaw ng lupa. yun ata yung amoy
alimuom. . ?
kanina paggising ko, maayos pa ang sikat ng araw. parang di uulan. di man ganoon kaganda ang gising ko di kagaya noong isang araw, mukha namang di masama ang gising ko kahit di ko nagustuhan ang lasa ng pansit na kinain ko.
medyo tinatamad pa nga ako kanina, pero naisipan ko namang pag-
tripan ang lola ko. HAHA! wala lang eh.
trip nga lang.
Original Video - More videos at TinyPicayan. binidyohan ko siya. HAHAHA! at
aliw na aliw siya ng makita niyang natawa sa sa screen ng camera
ko. may picture pa nga kame ee. wala lang,
trip ko lang ulit.
spot the difference :Dbinidyuhan ko pa nga ulit siya kaso mabagal mag-upload dito, next time ko na lang siguro ilalagay. hehe. pag trip ko na lang ulit.
* ay eto na pala. naupload na. HAHA.*medyo hindi nagiging maganda ang habit ko na mag-internet ng halos araw-araw kasi nauubos ang pera ko, dahil sira pa rin ang computer namin. nasasanay na ako na mapera ako ngayon, di maganda. TSK. dati, natititis ko naman kahit isang taon akong hindi mag-internet o isang oras lang akong mag-internet sa labas
. lumalala na ang bisyo ko,
hindi ito maganda.kaya siguro, medyo uuntiin ko na ang pag-iinternet ngayon. isa pa, marami pa akong gustong bilhin na
mas importante dito.
parang blog leave na din ito. o siguro, once a week na lang ako mag-iinternet. namimihasa na ako. hihintayin ko na lang ulit na magawa yung computer namin o bumili ulit sila ng bago. tsk.
pero hindi pa naman farewell to. malay niyo bukas andito ulit ako. HAHAHAHAHA! nako.
Labels: blog leave, champorado, facebook, plurk addict, text
Monday, April 14, 2008
{ 3:18:00 PM }
eto. ay isa na namang pangkaraniwang araw. natapos ko na nga palang basahin yung libro ni bob ong. pero may mga bahagi din akong di binasa gaya nung mga dialogue doon bago magsimula ang panibagong chapter. basta, kung alam mo yung librong yun at nabasa mo na din, tiyak alam mo yung sinasabi ko.
teka, sino ba ang di kilala si BOB ONG?
matagal na din siyang manunulat bagama't kaunti pa lamang ang mga librong kanyang nailalathala(6). marami siyang pilipino fans at alam ko, kilala ang mga libro niya sa pagiging nakakatuwa at sa pagiging natural nito. pag binasa mo ang libro niya, para ka lang nakikipag-kwentuhan sa isang tao o kaibigan na maraming masasabi sa kanyang kababayan, paligid at bansa. kaya ko naman nakahiligan ang mga libro niya. pero may dalawa rin siyang libro na may kwento at tunggalian.
sa anim na niyang nabasa ko, marami na akong natutunan sa kanya. madalas niyang banggitin ang politika sa mga libro niya, marami na siyang naalagaang hayop mula aso hanggang garapata, hindi siya mahilig sa gulay gaya ko at ayaw niyang magpa-press con pag nagpa-publish siya ng libro. at eto yung binasa kong libro na nagustuhan ko sa lahat ng naisulat niya:

at para sa mas marami pang impormasiyon tungkol sa kanya, bisitahin niyo lang ang www.visprint.net at hanapin ang link papunta sa website niya. basta hanapin niyo lang sa tabi ang pangalan niya, BOB ONG. bisitahin niyo din si G.Manix Abrera sa nasabing website ng visprint enterprises para isa ko ding hilig, ang kanyang comics-kikomachine komix. maganda din ito at masayang basahin. at sa tingin ko na yung mga obra ni manix ay parang libro ni bob ong na ginawang comics lang. parang pareho yung pag-iisip nila, yun nga lang, mas bata si manix. *ehem*
teka.teka.
sa aking paghahanap sa net ng litrato ng mga libro ni bob ong ay nakita ko ito sa mismong friendster account niya:
bob ong writes book 7
yan ang caption na nakalagay sa picture na yan sa account niya. at teka, teka. yan na talaga si bob ong? mhm. alam niyo, wala talaga akong idea kung anong itsura niya. basta alam ko kasing -edaran na niya yung nanay ng kaklase ko dahil naiintindihan niya yung mga nababanggit ni bob at yung mga sinulat niya sa pangalawa niyang libro na bakit baliktad magbasa ng libro ang mga pilipino?. basta, alam ko lang matanda na siya.
pag naaalala ko siya, isang tao lang ang pumapasok sa isip ko. isang malaki, tabain, bigotilyo, maputi at malokong tao. yung tipong mabirong tatay na palatawa. ganun yung naiisip ko sa kanya kahit napanaginipan ko na siya dati na ang itsura niya daw ay payat, matangkad, mahabang ang buhok at may bigote rin.pero kung si bob ong nga ang nasa litrato na yan at hindi ang kanyang tatay, nakakagulat. haha. hindi ko inaasahang ganyan pala siya. parang hindi kasi bagay yung mga sinsabi niya sa itsurang yan. well, sabagay. sabi nga nila "looks can deceive". tama ba? basta ganun yun.
at teka. maari rin naman niyang nakuha lang to sa google o yahoo. kakaiba kasi ang damit nung lalaki dyan sa picture at yung computer. at isa pa, hindi ako naniniwalang siya yan. haha.
(ee. panu kung siya nga yan?)
edi. tawa na lang. hahaha.
at nag-post nga pala
ako para sabihing
nakapasa akon sa MAPUA!!! woooo.
haha. matindi talaga.
kailagan ko na lang
magpa-reserve muna.
ayos. buti ganoon.
Labels: architecture, bobong libro, champorado, ulan at araw