I am fond of weird people and I like sweet foods. I am a lazy OC and a frustrated artist. I hate roaches and I don't like being left, in which ever situation.
MORE INFOs NEXT UPDATE. XD
nkalimutan ko atang anggitin pero salamat nga pala kay nikulas para sapagpapaheram ng camera niya. :D pinuslit kasi ni cybill yung camera ko, buti na lang napaheram niya ako kung di, wala na naman kaming pruweba. haha1
msg for kulas: MARAMING SALAMAT oi! yung camera, sa martes ko isosoli ha. pupunta kong manila.
ayan at may sequel na ang aming adventure sa tagaytay ni mj at syempre, mas masaya ngayon! at may pruweba na talaga!:D
noong linggo kami pumunta ni mj, january 25-bisperas ng chinese new year. mas maaga kami nakarating sa tagaytay at mas exciting kasi nagdala ng clubhaus sandwiches si mj, magpipicnic daw kami sa picnic grove. haha! di pa ako nakakaranas na magpicnic kaya naexcite na ako lalo.
sa st.scholastica agad ang first stop namin, pero bago pa kami nakarating doon naglakad pa ulit kami. . pabalik. lumampas na daw kami sa sakaya papuntang people's park o yung picnic grove at doon lang pwedeng sumakay dahil punuan ang mga jeepney. ibig sabihin, kahit maghintay kami sa kalsada ng mga jeep na may people's park na karatula ay di rin kami makakasakay dahil puno na ito sa sakayan palang. di naman kalayuan ang nasabing sakayan. mas malapit naman yun ng di hamak kesa sa paglalakad na ginawa namin noong nakaraan.
at sa konting minutong nakalipas, nakadating na din kami sa st. scho. medyo tinamaan na naman ng hiya si mj kaya ako na ang nauna magtanong sa sikyu kung makakapasok ba kami. kala ko nung una mapapahiya pa kami pero buti mabait naman si manong guard at kami ay nakapasok na. YES!
unan naming pinuntahan yung souveneir shop na ilang hakbang lang mula sa gate. wala pa yun noong batch namin ang nagretreat doon. sabi noong babae nagbabantay doon, last december lang daw yun itinayo. puro pagkain lang ang tinda nila. mga pasalubong na katulad ng mga makikita mong tinda sa Collette's. pero may mga souveneir shirts, bags at hats din sila. bumili kami ng walang kasing sarap na lebkuchen (pronounced as le-bu-shen sabi ni mj), German cookies na sa pagkakalam ko ay yung mga madre sa st.scho mismo ang gumagawa. lasa siyang fruitcake. <3 style="font-style: italic;">camera shy kasi siya. at ayun, syempre tuwang-tuwa naman ako sa opportunity na yun kaya nagpakuha agad ako ng picture sa kanya. XD ansaya pa nga noong nakita kong primary photo pa ng wallet niya ang picture niya kasama si st.scholastica (rebulto lang) na ako ang kumuha at nagbigay sa kanya ng kopya na yun. tradisyon na niya ang magkuha ng picture kasama si st.scho sa twing babalik sila sa retreat hose simula noong nagturo sya sa Atheneum.
nagpapicture din si mj kay sir emboy kasi idol din niya yun. at pati kay ms. d. medyo nahiya lang akong magpapicture kasama si ms. vidal, division head ng highschool department, at si ms. anne, adviser ko noong fourth year.
nilibot namin ang buong st.scho, si mj bilang tour guide ko dahil hindi ko yun nalibot noong nagretreat kami. marami ding nagbago pero andoon pa rin ang maaliwalas na pakiramdam na dinudulot ng lugar.
doon na lang kami nagpicnic ni mj. haha. medyo maflirt lang ehh. haha. inalok kami ni mang boy, school photographer, na magpapicture sa kanya for free. gusto lang daw niya na siya magsabi ng pose namin. medyo hindi pa ako naniniwala noong una eh kasi malabong kausap yung si mang boy. may utang pa ngang isang picture sa'kin yun noong js prom namin noong fourth year na hindi niya naideliver sa bahay. siguro, bumabawi lang siya ngayon. haha. ihahatid na lang daw niya yung picture sa'min o kina mj, dalawang kopya na wallet size.
bumili din kami ng rosary, pakay talaga ni mj doon, sa isa pang souveneir shop na katapat ng cafeteria. umalis na din kami noong lunchtime na nila, pinipilit pa nha nila kamng makikain doon at makisabay sa bus dahil pauwi na rin sila ng cavite pero syempre tumanggi kami. isa pa, pupunta pa ulit kami sa manaoag at sa picnic grove.
naglakad na lang kami papunta hanggang manaoag mula st. scho dahil hindi na yun kalayuan. at saglit lang din kami doon dahil sa dami ng tao. di na rin kami nakapunta sa picnic grove dahil may entrance fee pa pala. isa pa, may mga nagfieldtrip doon kaya isang katerba ang mga tao. hanep.
after noon umuwi na din kami. medyo mabilis lang ang biyahe at sa aircon bus na kami sumakay ngayon. noong isang bes kami, sa hindi aircon bus kami sumakay at HANEP talaga. pagaspas ang hangin sa mukha ko dahil sa tabi ako ng bintana nakaupo. at ang lamiiig lang talaga. haha.
ayos ang buong adventure namin! at ayun.may pruweba na nga. HAHA.:D
ngayon lang ako nakapanuod ulit ng smosh. haha. COOL padin. pinanuod ko yung Damn Yard Sale, Teleporting Fat Guy at Breaking the Habit. pero peborit ko talaga yung Ian's Bday. haha. hanep.
golly wow. pumunta kagabi sa'min si mj at pinaheram niya sa'kin yung cellphone niya. medyo hindi ko inaasahan yun. HAHA. may bago daw phone yung mama niya kaya binigay sa kanya yung phone niya dati at pinaheram naman ni mj sa'kin yung phone niya dahil nga pinaheram sa kanya ng mama niya yung luma niyang phone. XD.
lucky?
masaya din naman, di lang ako sanay. di pa din ako sanay na wala yung cellphone ko. medyo masaya na din ako nung nawala yung telepono ko kasi di na ako magloload at wala na kaming pag-aawayanni cybill kasi nangheheram lang siya sa'kin. siguro, will na ni God to. di ko lang alam kung bakit... mhm. pero sa kabila ng lahat, ayos din! unexpected naman talaga yung action na ginawa ni mj. yeah. medyo nakakahiya din, niloadan niya pa ako kagabi. haha! sarado na kasi mg tindahan dito kagabi kaya ayun. hahahaha. ayos!
naggawa nga pala ako ng account sa facebook kaso mukhang wala naman akong kakilala na nagfe-facebook eh. pamflirt lang ata yun. HAHA. tsk. kaya baka iabandona ko na rin yun agad, natripan ko lang gawin e.XD kaya kung may account ka dun, i-add mo na lang ako: genissa villegas
ay. panuorin niyo yung episode ng MMK(maalaala mo kaya) sa ch.2 kasi ang ganda ng storya na ifi-feature. uber-cute.♥
kahapon/kagabi/kanina ng ala-una ng umaga ang inauguration ni barack obama sa washington, d.c. mhm. tinangka kong panuorin yun kagabi, este, kanina pero natalo ako ng antok. hanggang sa entrance lang ata ni obama ang naabutan ko. haha.
kasabay ng pagka-atas kay obama na maging bagong pinuno ng amerika ang pag-asa ng buong mundo na nakasalalay sa kanaya. ititigil na daw ang giyera sa iraq at pati na rin ata sa israel, at malaking bagay din naman yon para sa mga nasabing bansa at pati na rin sa buong mundo. Obama is The Future.
syempre, hindi magpapahuli ang mga pinoy sa pag-asang maibibigay ni obama kung sakali. sana nga, mabigay niya ang pagbabagong sinasabi niya.
kahapon, pumunta kami ni cj at mj sa atheneum para lang.. manggulo--kung yun man ang maitatawag doon. practice na ng cheering ng highschool division kaya nagyaya lang si cj na panuorin yun. mhm. .
kasama din namin si nyxon, at dalawa pang katropa niyang taga-baste. nakita din namin doon si sopsop. tapos sumunod din si dadi jofi, tj at sherwin. masaya naman, bonding ulit kahit medyo nakakailang kasi ako lang ang babae doon at medyo naoOP na ako. masaya din naman. ayos naman. AYOS NA SANA PERO, anak ng tokwa! naiwanan ko yung cellphone ko sa CMG(tambayan namin/ng mga mag-aaral ng atheneum na katabi lang ng eskwelahan).
nung una, medyo hindi pa ako nababahala na nawala na yung cellphone ko. kampante pa ako konti. kahit natataranta na yung kamay kong kumakapa sa lahat ng bulsa ko. sinabi ko na rin kay cj na nawawala yung telepono ko. ehh nasa bus na kami noon--pauwi na dapat. kaya bumaba ulit kami at naglakad pabalik ng CMG. nag-shortcut na lang kami para mas mabilis.
anak ng tipaklong.
kala ko maaabutan ko pa yung telepono ko kasi hindi naman ako masyadong natataranta habang papunta kami. iniisip ko lang ang mga pictures sa cellphone ko na masasayang, mga mahirap hanapin na contacts, mga masasayang na memories na pinagsamahan namin ng cellphone ko at ang sangkatutak na sweet messages na galing kay mj at mga picture msg ng tropa pang-asar sa kapwa tropa. . . at ayun nga, hindi ko na naabutan. pero may isa pa akong pag-asa! (drumroll please) ... ... ... si KUYA JERRY! haha. siya daw kasi ang naglinis doon, kaso sabi nung batang pumunta kina kuya jerry, umalis daw siya kaya gumuho bigla ang aking namumuong pag-asa. oh, saklap. sinabi ko na lang kay ate na sabihin na lang kinabukasan sa kapatid ko kung nahanap yung cellphone ko. ayun, umalis na din kami kasi may curfew si cj. kaya ayun.
gusto ko tuloy bigla magka-amnesia.
si mj na lang ang bumalik doon para itanong kay kuya jerry kung natagpuan man niya ang cellphone ko. pagka-uwi ko, tinawagan ko si jofi at sabi niya, pumunta na daw doon si mj at nakuha na ata niya. ata. ata. ang sarap sakalin ni jofi, pero namumuo na muli ang pag-asa ko.
sana.sana.sana.
tumawag sa'min si mj, kala ko nakuha niya pero HINDI, hindi na talaga. wala daw nakita si mang jerry. tsk. SAYANG talaga. nakakapikon. pero wala na akong magagawa, naka-off na din yung cellphone ko kasi hindi na ma-contact. sigurado akong naiwanan ko yun sa kubo dun--dahil may tatlong kubo sa CMG kung saan tumatambay ang mga bata. kaso sigurado nading may nakakuha na non. NAKAKABANASSSS TALAGAAAA.
inhale. ... ... ... exhale.
hindi ko inaasahang hahantong sa ganito ang storya naming dalawa. hay. malas naman ng nakakuha noon dahil sigurado akong hindi na niya maibebenta yun dahil sa mga sumusunod na mga dahilan: 1. sira ang speaker--dahil sa madaming beses na pagkabagsak nito. pero tumutunog padin naman siya minsan, biglaan nga lang. kung kelan lang niya trip. 2. sira na yung screen sa harap- dahil din sa pagkabagsak. puro sira-sirang linya na lang ang makikita dito, minsan kulay blue lang. pero minsan maasyos din naman, gaya ng speaker, kung kelan lang din niya trip. 3. sira ang keypad-dahil ata sa sobrang pagtetext-pero hindi ko din alam. nagloloko na yung 9 at 0. minsan pati yung left at right navikeys, at option at back keys ay pagpinindot mo, volume ang lumalabas. 4. may deperensiya sa battery-minsan bigla na lang mamamatay. 5. nagloloko ang holder ng sim card-minsan bigla na lang irereject ang siom card mo ng paulit-ulit. lalo na kung hindi siya hiyang sa sim card na ilalagay mo. 6. at isang katerba pang mga kababalaghang nangyayari sa cellphone ko gaya na lang ng biglang pagsstuck up at ang mabagal na response nito.
bukod sa kapalpakan na nabanggit, hindi rin nakakaakit ang ang itsura nito dahil may tape na ito sa keypad para di umangat at may sticker pa ng monokuroboo para di matanggal ang case sa sim card nito. magkahiwalay kasi ang lagyanan ng simcard at battery, di gaya ng karamihang cellphone.
pero sa kabila ng kapalpakang mga ito, hinding hindi ko ipagpapalit ang cellphone na yun sa iba. minahal ko na yun at alam ko minahal na rin niya ako kahit nitong mga huling araw ay napapabayaan ko siya dahil kung san san ko siya nailalagay sa bahay, kaya kalimitan din akong naghahanap. napag-usapan namin isang bes ng pinsan ko na bulok na nga ang cellphone ko at kailangan nang palitan, pabiro ko pang sinabing patapon na nga ang cellphone ko at bibili na ako ng bago. siguro, narinig niya yun at nagdamdam din siya kaya nawala na siya sa'kin ng tuluyan. kahit sina mama, hindi na nabahala nung nalaman nilang nawawala ang cellphone ko. sabi nga ni papa wala nang mapapala yung nakapulot noon. masaya pa sila dahil mababawsan na ang gastos ko sa load--sila kasi ngbabayad.haha! kala ko dadating pa yung panahong manghihina siya at masasaksihan ko pa ang pagsuko niya. kala ko ganoon. kung nalaman ko lang na sa ganitong paraan pala hahantong ang ending ng storya naming dalawa, edi sana naagapan ko pa. nasa huli talaga ang pagsisisi.
gusto ko tuloy magka-amnesia bigla.
nakaka-touch naman to. sabi ni mj, pag-iipunan niya daw ako. di ko alam kung ano talaga ang ibig sabihin nun. pero masaya na rin ako para sa pagpapagaan niya ng loob ko. pero sana, kung san man siya nandoon, masira na siyang tuluyan. para hindi na siya mapakinabangan pa ng nakakuha sa kanya at ako lamang ang maging huling alaala niya. bwahahahaha.
nung nakita ko si sir emboy nung biyernes, kinulit ko siya. xmpre. hahaha! hineram ko ang bagong cellphone niya at hiningi ang bagong number niya kahit nakuha ko na yun kay kiarra, para lang may masabi ako. HAHA. XD
well, ayun. nakakatawa lang yung expression niya nung sinabi kong ayos ang cellphone niya. hindi na kasi tulad ng dati na mukhang katulad niya, mailap. sira kasi yung keypad at parang siya, mahirap pagsalitain-- nang makabuluhan.
mhm. tapos kinulit ko pa siya dahil siya ang assigned na maging "timer" sa math quiz bee. siya yung tumutugtog nang countdown timer sa piano. mhm. pano ko ba sasabihin yun.. basta, yung parang sa mga gameshow. ting.. ting.. ting.. tin.. ting.. ttliiiinggg. ganun.
galing sa'min kagabi si mj, dinalhan niya lang ako ng juice, malaking siopao at tee-ups. tapos kulitan konti hanggang alas-onse ng gabi tapos umuwi na siya. tsk. wala pa rinakong panload. haha. golly!
anu ba 'to. wala na akong masabi. GRRR. mhm. mukhang mapupurnada pa ata ang tagaytay city namin. sayang!
CJ IS BACK. haha. nagulat lang talaga ako nung bigla na lang ako makakita ng isang malaking lalaki na weird ang gupit na pumasok sa tindahan namin. HAHA! si cj pala. at di nga niya sinira ang promise niyang bigla na lang siyang susulpot sa'min. hanep. medyo shock pa din ako hanggang ngayon. hahaha.
well. ayun, nagyaya siyang magpunta sa school at niyaya ko siyang magSM kasama sina ruthe at chiui. EXCITING!haha. nung pumunta kami sa school, may program at naging 'takaw-pansin' doon si cj dahil sa 1. buhok niya at 2. dahil nagbalik na siya from states. ayun.. umalis na din kami pagkatapos kong kulitin si SIR EMBOY. *tulo-laway* haha.
ayun.nagSM kami at andun pala si ana, may fashion show daw pero di na namin naabutan yung show. haha. eto, may pictures pa kami kasama siya. hahanep!
HAHA. nakakatawa talaga ang plastic smile ni ana v. showbiz na showbiz eh.
mhm. ayun, nakasama din namin sina dadi, nelson, majie, nico and mj. at pumunta din si pats kaso kasam niya si hershey kaya umalis din sila. kumain lang kami tapos walang sawang kulitan at kodakan. HAHA. nakakaloka.ipopost ko dito yung ibang pictures pag nakuha ko na kay manag chiui.
BAGONG LAYOUT from blogskins.com inedit ko. from WHITE naging BLACK na ngayon ang trip ko. haha. at wala ng navies-kung yun man ang tawag dun. XD
bukas pa pala ang dating nina cj dito sa pinas. HANEP! tumawag kasi ako sa kanila kanina, thinking na andun na nga siya, pero ang sabi nung babaeng nakasagot ay bukas pa daw sila dadating. binigay niya pa sa'kin yung departure time nila at sinabing tumawag na lang ako sa kanila ng 10 o 11 ng umaga bukas. by that time daw, andito na sila galing airport. SAYANG! nawala tuloy yung thrill at excitement ko. surprise pa naman dapat yun pero sabi nung babae, sasabihin na lang daw niya kay cj na tumawag ako. dang! pero ayos lang, haha. sinabi ko na din kay cj kanina nung naka-chat ko siya na tumawag ako sa kanila, tumawa lang siya. HAHA. pupuntahan na lang daw niya ako sa bahay at bibili siya ng tapsi. pero andidito pa din yung thrill at excitement na makikita ko na ulit siya after mhm.. 6 months. at syempre namiss ko din yung zune at nintendo SDlite niya. haha!<3
galing kami ni mj sa MOA nung nakaraang linggo. ayun. AYOS naman.:D masaya. haha. nung lang ako ulit nakabalik doon na siya ang kasama ko. well, buti ngayon may time na siya para sa ganoong bagay. pero ngayon mukhang busy na naman siya. ngayon palang na nag-aaral siya ng nursing eh busy na, pano pakaya pag nagtatrabaho siya. haha.
medyo napaaga din uwi namin nun dahil sa SAKSAKANG DAMI ng tao. kaya badtrip siya. next time na lang daw ulit kapag maluwag na ulit sked niya. tsk. naexcite pa naman akong manuod ng the curious case of benjamin button. haha!:D
well. medyo busy ako ngayong week na to dahil tunutulungan ko si mj sa paperworks niya. haha. para naman may gawin ako kahit pano, may FREE access pa ako sa internet. <3
so, yun lang muna. ngayon nga pala ang dating ni cj galing USA. mhm. sana maging maayos naman ang trip nila. :D try ko ulit magpost ng MAS mahaba bukas. tata!
nabato lang naman ako sa bahay kaya ako nag-log in ngayon. NA NAMAN.haha!
naggawa ako ng plurk ngayon. WALA LANG. wala kasi akong maisip na gawin. isipin mo, nag-aaksaya ako ngayon ng trenta pesos para lang maggawa ng account sa plurk. HANEP! kesa magbilang ng langaw sa bahay, mas reasonable na siguro kung ganito gagawin ko. haha!
2009 na nga pala.hanep. may hang-over pa rin ako sa 2008. pero masaya na ako dahil 2009 na! ilang araw na lang ang bibilangin ko at magiging isa rin ako sa mga nasakay ng bus araw-araw, gagabihin umuwi at mapipilitang maligo ng malamig na tubig sa madaling-araw. ialang buwan na lang ang bibilangin ko, papasok na ako. YES! haha. kating-kati na ako dun sa bahay. :S
NANANAWAGAN NGA PALA AKO KAY cerisse anne dela cruz. OY! MAGPAKITA KAAAAAAAA. please? :D haha.
kahit dito, nakakabato din pala. sayang lang trenta ko, sana nagpichapie na lang ako.
di ko sigurado kung malas nga ako ngayong 2009 dahil pinanganak ako ng year of the SHEEP. pero hindi naman ako ganoon kamalas dahil may magagandang bagay namang mga nangyari sa tatlong araw na nakakaraan.
GENISSA AND MJ SA TAGAYTAY CITY: part one
pumunta kami kahapon ni manong mj sa tagaytay dahil gusto niya daw bumalik at dumalaw sa kung san kami nag-retreat noong fourth year, sa St.Scholastica. 9 ang usapan pero 10 na ng umaga kami nakaalis kasi pagdating ko sakanila, di pa siya nakabihis. mukhang kakatanggal lang ng muta. kaya isang oras pa akong nanghintay habang mabagal kong kinain ang ham sandwich na hinanda niya at nakipagchismisan muna konti sa nanay niya.
natapos din at nakaalis na kami. mabilis lang naman kami nakarating sa SM city baccor kung saan sasakay kami ng bus papunta ng tagaytay. suave ang biyahe. pagdating namin sa terminal, WALANG BIYAHE NG TAGAYTAY NGAYON. pero hindi naman yan naging big deal sa kasama ko dahil doon kami nag-abang ng bus sa lugar kung san 'no loading and unloading' area. "bibilisan na lang natin ang sakay" sabi niya. at ayun, nakasakay nga kami, nang mabilisan. HAHA! hindi naman hassle ang biyahe. mabilis lang. at hindi rin ganoong kamahal ang pamasahe gaya ng iniisip niya. bumaba kami sa bayan at nagpalipas sa malapit na 7-11 branch dahil \naambon ng mga sandaling iyon. at hindi biro ang lamig kung para sa'kin, na ginawin, at sa kanya, na walang dalang jacket. kumain na rin kami doon at nang tumila na ang pag-ambon ay nagsimula na kaming maglakad. sabi ni mj malapit na daw yung st. scho sa kung san kami bumaba pero mga mahaba-haba na din ang nalakad namin ay wala pa rin kami ng nakikitang karatula ng st.scho. kaya naglakad pa din kami. tuloy-tuloy.
yan ang sketch ng adventure namin. intindihin niyo na lang. :D well. hindi ko alam kung naliligaw na kami o ano pero pinaubaya ko na lang lahat kay mj. at hinihintay ko pa talagang maligaw kami para MAS exciting diba. haha. pero tama si mj at hindi kami naligaw, nalito lang siya. matagal din at malayo talaga ang nalakad namin. susuko na dapat yun si mj kaso mukhang na-excite na siya nung nakita na niya ang higanteng birhen ng manaoag. at ayun, pumunta kami. hanep. andaming tao. parang may field trip. pero naka-kotse. haha. ayun. ayos. ang GANDA eh. kaso ang dami lang tao, hindi namin masyadong nasulit ang sandali. saglit lang kami doon, sumilip din saglit sa picnic grove(di ko alam i-spell) at balik na ulit kami sa paglalakad. malayo na ang nalakad namin. may sandaling puro puno na lang ang nakikita namin, meron namang puro bahay, tindahan ng pinya at walang katapusang ROOMS FOR RENT pero wlan pa rin ang retreat house. tsk! suko na si mj, sabi niya sa susunod na kanto at hindi pa din namin nakikita yun, sasakay na kami ng jeep pabalik sa bayan. pero dahil mabait din naman ang kapalaran paminsan-minsan, ay ang sumunod na kantong yun ay ang daan papuntang st.scho! hanep. sa wakas, konti na lang. di kalayuan mula sa hi-way ang retreat house at nang makita na namin ang st.scho, nakita ko na ring namumuo ang kagalakan sa mukha ng kasama ko. bumili ng rosaryo doon at masilayan lang saglit ang lugar-- yan ang alam kong sadya namin sa tagaytay bukod sa buko pie at mushroomburger(?). pero, dahil hindi naman talaga ganoon kabait ang tadhana, SARADO ang lugar. mhm. hindi naman talaga sarado dahil may nakita kaming tatlong babae sa loob. mga kabataan, parang tipong di sila namamasukan doon dahil sa suot nila. naisip ko, baka may mga nagreretreat doon ng mga sandaling iyon. pero ayaw nang pumasok ni mj, kahit may nakita kaming door bell doon at sekyu. di siya lumapit, nahihiya daw siya. siguro, sapat na sa kanyang nakapunta kami doon kahit sa labas lang kesa sa wala. saglit lang din kami doon, tapos sumibat na din agad. sumakay na kami ng jeep pabalik ng bayan, syempre. AT, ang nakakaloko ay ang humigit-kumulang na isang oras naming paglalakad ay 10-minute drive lang pala. o mas mababa pa. HANEP. malapit nga lang.
so, ayun na ang adventure namin. PRUWEBA? wala kaming pruweba. hanep. dahil naiwan ko yung memory card ng camera ko kaya hindi kami nakapag-picture. ni isa. ARAY talaga. alam ko nabadtrip siya dahil doon, alam ko kasing sobrang excited non e. haha. hanep. nagflashback tuloy sa'kin yung binitawan kong salita noong huling bes na ayaw niyang magpapicture kasama ako. "pagsisisihan mo na di ka nagpapicture sa'kin. pagsisisihan mo talaga yan, mj." di ko lam kung nagkataon lang o kinataon talaga. pero buti't naging masaya pa rin ang lahat. napunta kaming SM bacoor noong hapon kasama sina joyce, nico, joffi at nyxon. manunuod dapat kami ng one night only pero nauwi na lang kami sa paglalaro ng tekken at pagbili ng sale na tshirt. SAYA!
GENISSA AND MJ SA TAGAYTAY CITY: part two
kelan? sa retreat ng kapatid ko sa st. scho. at sana, may pruweba na.haha!