Wednesday, April 2, 2008
{ 8:27:00 AM }
gusto ko lang sabihin kung bakit ito ang napili kong url. di ko rin naman talaga alam kung bakit pero pumasok na lang yan bigla sa utak nung mga panahong nag-iisip ako kung anong url ang ilalagay ko.sino si emboy?si emboy o mas kilala sa tawag na may sir bago ang pangalan niya ay una kong nakilala sa sekondaryang paaralan ko nung nasa ikalawang taon pa lamang ako don. nung una di ko agad siya napapansin. basta alam ko magaling siya sa mga numero at nagtapos siya sa unibersidad ng pilipinas. nagpaturo sa kanya yung isang kaklase ko para sa geometry at statistics. magaling naman daw siya magturo at napakakengkoy pa daw. at naalala ko pa sinisipon siya nang turuan niya ang munti kong kaklase. haha.nung tumuntong ako ng ikatlong taon ko siya mas nakilala. dahil nakikita ko na siya ngayon tuwing klase sa pisika. di ako ganoon kainteresado sa klase niya pero madami din akong natutunan. at natuklasan ko ding cool na tao siya.pero weird din siya. eto siguro yung nagustuhan ko sa kanya. madalas nakanta. nung naku-quiz kami isang bes, kinanta niya ata buong soundtrack ng mga disney films. haha. ewan ko ba dun, pero minsan masaya talaga siya kakwentuhan lalo na pag CAT dahil siya ang astiging commandant doon na nagbabaon ng goto. tsaka pag pinakinggan mo siya makipag-usap sa iba parang alam niya na lahat. madalas yung mga itatanong mo nasasagot niyang lahat. lalo na yung tungkol sa mga cartoons, anime, hentai, gadgets at yung may kinalaman sa field niya o kahit anong scientifical chuva. pero wala sa itsura niyang ganun siya katalentado. wala. haha.
minsan, nakakabigla talaga siya. haha!
bakit mahal niya tayo?hindi ko naman talaga alam kung mahal niya tayo o hindi eh. pero alam ko na ang isasagot nun kapag tinanong ko siya ng ganyang tanong. at huwag mo na lang din tangkaing itanong pa sa'kin yan. mabibigo ka lang sa sasabihin ko. haha!pero kami mahal namin yan. kahit madalas kaming sigawan niyan at sermonan. kahit maingay kami lagi pag andyan siya at kahit pilit kaming nagpapapicture sa kanya kahit ayaw niya. sus. matitiis ba naman kami niya? haha.
sapilitan kasi eh, pangit tuloy. karma ata. haha
pero pag sa boys mabilis na oo lang. madaya. naalala ko tuloy nung pumasok ako pagkatapos ng holyweek break:ako: sir..sya: (dedma lang, may kausap na iba)ako: uy, sir.siya: (dema pa rin, lumakad paalis)ako: (nakabuntot) sir, namiss ko kayo.sya: (lingon bigla) ano?!ako: namiss ko kayo sir. (ngiti)sya: oh bakit? wala pa namang isang linggo yun ah.haha.astig talaga. di ko alam kung kikiligin ako o ano eh. pero natuwa ako, matino na din yung sagot niya kahit papano. haha. di ko naman siya gusto na parang gusto mong angkinin at idisplay sa kwarto mo pero hanga lang ako sa talino niya at kung paano niya kami natitiis. hahaha. nakakatuwa pa kasi abnuy din yan. yung sa sense na minsan pag kausap mo siya mabobobo ka sa kawierduhan. basta, ganun.
hindi ko talaga makakalimutan yan. haha.
Labels: emboy, MGA SLOW BA KAYO HA??, pictures