ayan. naglagay na nga pala ako ng bagong layout na nakuha ko sa www.pyzam.com. salamat dahil natulungan niyo ako na di marunong gumawa ng ganito at nagsasawa na sa pangkaraniwang template lang. salamat din kay ch**wee na nagbigay sa'kin ng url nito. dabest! ka talaga. mwa!
gusto ko nga palang ihabol yung mga litrato namin nung despedida nung kambal. ngayon ko lang kasi nakuha.
ako, si ab*y,kia**a at aim*e: nagpapaligsahan tumalon para sa isang perfect shot
nahirapan kami bago nakuha ang perfect shot na nakataas kaming apat sa ere na hindi naman talaga namin nakuha. napagod, pinawisan at hiningal lang kami sa ginawa namin. kaya kumuha na lang kami ng simple gaya nito:
ako yan at si goto girl. napagtripan lang ang magarang dingding sa bakuran ng kambal. ang nga pala ng lugar nila, malawak. pwede pa nga kaming mag-cheer dance dun ee. pwera biro.
***
napansin ko lang yung BLOG AWARD ng candymag. interesado ako kung mananalo ba si ch**wee at da*na dun. at ano ang premyo. gusto ko ding sumali sa ganoon, kaso marami akong cons dahil: 1) tagalog ang gamit ko dito. required ata dun ang banyagang salita. good grammar pa dapat. 2) may sariling style. etong layout ko ay nakuha ko lang sa isang website kaya di ko masasabing akin ito. isa pa, di ako marunong gumawa ng layout oh kahit mag-edit man lamang. may konti lang akong alam sa HTML pero napaka-basic lang nun. originality ang kailangan. 3) dapat may readers. di ko alam kung madalas tong nabibisita ng mga katribo ko pero alam ko na madalas ako lang din ang tumitingin sa sarili kong blog. isa pa, konti lang ang may alam nito. 4) bago pa lang to at konti palang ang blog entry ko. maganda kung sagana na ang blog ko at madami ng mababasa. para na rin mahirapan sila. haha.
pero mas gusto ko yung contest na nabanggit isang bes ng adviser ko sa blog niya. mas pormal yun kesa yung sa candymag. pero syempre, kung mas pormal edi mas mahirap ang labanan. alam ko may balak din siyang sumali nun pero baguhan palang din daw siya nun at hindi pa siya ganun kadalas mag-post ng blog entry.
teka.tinamad na ata ako bigla aa.
isa pa wala na rin akong makukwento at masasabi.
bukas ko na nga pala makukuha yung results sa MAPUA.
sana makapasa naman.
at gusto ko din ng nintendo ds lite.
birthday wish ko yun ngayong taon.
at gusto ko din ng champorado.
yung malamig na galing sa ref.
teka.teka. gabi na pala.
makikigamit pa pinsan ko.
sige, sige. dito na lng.
bukas ko na lang ikukwento yung
results ng exam ko sa MAPUA.
yun ay kung makakapag-internet
pa ako bukas. baka kasi pagalitan na naman
ako. haha. sige. vavoo! na talaga.
vavoo! ♥♥♥
ps: di gumana yung code ng layout. haha
cge. yun lang!