Sunday, November 2, 2008
{ 12:10:00 AM }
ayan. november na naman. ilang araw na lang tatanda na naman ako ng isang taon at yung mga kaibigan kong ngayong nobyembre din ang kaarawan. kaso malungkot dahil hindi ko makakasama sila ngayon dahil may mga pasok na nga sila. tsk. yung ibang inaasahan ko ding makita eh busy na din. tsk. pero oks lang. marami pa namang araw para makita ko sila. ye.----------------------------------------------------------------------------mhm. nabanggit ko na bang magkakakroon na ng kikomachinekomix blg.5? kung oo man o hindi, sasabihin ko pa rin naman. hahaha. ansaya-saya talaga. kaso yung kolesyon ko di na kumpleto. nakakainis. tsk. mhm. yung 1 na-kay CJ. at kung nababasa mo to ngayon, pakibalik na yun sa'kin pag-uwi mong pinas ha. bibilhan na lang kita ng sarili mong kopya.:Dyung 2 nawawala. tsk. kala ko napaheram lang ni cybill yun sa kaklase lang pero hindi pala at ayun nga, nawawala na. nakakainis talaga.yung 3 nasa akin. kaso angpanget na ng kondisyon ng cover nun. puro tape na dahil sa sobrang ingat na paggamit ng mga nangheram sa'kin dati. haha.tsk.yung 4 nasa heraman. yun pala yung pinaheram ni cybill sa kaklase niya na hanggang ngayon hindi pa rin binabalik. at chinismis pang nagtu-twotime daw ako dahil sa sulat na nakasingit doon para kay nyxon. abnoy siya. ibalik na lang niya ang komix ko.yung 5 hinihintay ko pa. haha!:D lalabas daw yun ng early 2009 ayon kay manix. at nangako din pala ako kay danna na ibibili ko siya ng kopya nun pag meron na. mhm.
danna! bili mo na lang ako ng kikomachinekomix blg.2 tapos exchange tayo. hahahahahaa. adeeek eh.
ayun na nga.well. sana maging masaya ang november na to. gbye. :D
Labels: dominic ibalik mo na yung komix ko, kikomachine komix, november 7
Saturday, April 26, 2008
{ 12:30:00 AM }
una sa lahat ay natutuwa ako dahil may kaibigan na ako sa net. *yehey!* haha. at yun ay si mary!. haha. aba. naisingit pa kita sa entry kong ito. hehe. natuwa lang ako dahil sa lahat ng inalok ko ng link exchange ay sya pa lang ang kumagat. kaya siya pa nga lang yung andun sa "iba pang kasapi" dyan sa tabi. haha. ayon, salamat sayo mary sa pagpaunlak ng link exchange na yun, kung nababasa mo man to ngayon. hehe.
***
mhm. mahal ko ang salitang tagalog, ang pambansang lengguahe ng pilipinas. at naniniwala ako na ang hindi marunong magmahal sa sarili niyang mhm.. lengguahe ay higit pa sa malansang isda! pero, hindi naman bawal mag-ingles paminsan-minsan o kung trip mo lang. at kung kinakailangan ba. gaya sa iskul o mga iba pang kaek-ekan. kaso naiinis ako na yun yung ipino-promote ng bansa natin, ng presidente natin. at ayon yan sa kaalaman ko na ganun nga yung gusto niyang mangyari. mhm. pati sa HS na pinasukan ko. may speak english campaign pa sila na di rin naman nasusunod ng mga estudyante. at BRAVO! MAGIGITING NA MGA KAMAG-ARAL, AASENSO TAYO NIYAN! BWAHAHA!.
hindi naman sa ayaw ko sa banyagang salitang yon. minsan nag-eenjoy din ako magsalita gamit yon. pero mas mahal ko pa rin ang "native tounge" ko. aba. ipipilit ko pa bang ituwid ang baluktot kong dila para lang makapagsalita ng ingles nang maayos? syempre dun na ako sa sanay ako.
at.. napansin ko nga pala yung PINOY BIG BROTHER teen edition plus ngayon. dahil madalas na inglesh talaga ang ginagamit nila. kung papansinin mo si big brother na nga lang ang daretsong magsalita ng tagalog dun ee. pwede nilang gawing excuse na maraming foreigner na kalahok sa programang yun pero, pero! hindi dapat nila kinakalimutan ang kanilang namulatan na. buti na lang at nagsagawa ng task o kung ano man si kuya(big brother) para maiwasan na ng mga housemates ang pagsasalita ng ingles. hindi ko din naman alam kung ano ang kinahinatnan ng hamon na yon sa mga housemates pero natutuwa ako sa hakbang na yon na ginawa ni kuya. pero sa nakikita ko ngayon, mga inglesero't inglesera pa rin sila. mhm.
alam ko kung bakit may ingles at kung bakit may dog, cat, mouse at fish. naiintindihan kong ito ang salitang pandaigdig at ito ang salitang magbubuklod sa mga taong makakaiba ang kultura at kinagisnang bansa. pero diba dapat pa rin nating pangalagaan ang sariling atin at mahalin. MAHALIN NATIN ANG SARLING ATIN!. kaya naman laking tuwa ko na lang sa mga nagba-blog na tagalog ang ginagamit bilang pagpapahayag ng nararamdaman nila. at speaking of ramdam, hindi ba't mas magandang pakinggan at mas damang-dama mo yung emosyon kung gagamitin mo ay tagalog o yung nakagisnan mo ng salita?
pero hindi ko sinasabing magpadalubhasa ka sa tagalog at bawal na magsalita ng kahit konting banyagang salita. dahil may mga salita tayong hindi natin maeexpress sa tagalog kundi sa ingles lamang. at may mga salitang wala sa tagalog. pansinin mo, hindi matatapos ang araw na hindi ka makakapagsabi ng kahit isang ingles na salita. okay?
ms.alcantara: ooh. i love you forever! i will never
ever replace you with other foreign languages.
tagalog: really? i love you too! (hug)
ayan.sana'y nauunawaan mo naman ang hinanaing ko. haha! ♥
Labels: bloghopping, indian mangoes, kikomachine komix, link ex, tagalog