I am fond of weird people and I like sweet foods. I am a lazy OC and a frustrated artist. I hate roaches and I don't like being left, in which ever situation.
MORE INFOs NEXT UPDATE. XD
HAHA. hindi ko alam yun eh. anu ba yun, jeru? hahahaha. bogarts. tsk!0 Comments
{ 11:34:00 PM }
HAHA!nakabalik na ulit ako dito ah!well. wala naman magandang nangyari. kundi nagka-trabaho na ang papa ko pero pagkalipas na wala pang dalawang araw sa trabaho niya ay umuwi na agad siya dito sa cavite.
ilang buwan na ang nakakaraan nang una kong marinig mula sa ama ko na at last! may trabaho na ulit siya. ang problema nga lang ay ang pagttrabahuhan niya dahil sa rizal pa daw yun, stay in siya. once a month lang ang uwian.
hm. nung una, syempre masaya kami kaso nga lang dahil sa distansiya at sa dalang na makikita namin siya, nalungkot din naman kami. pero kailangan pa rin niyang i-grab ang opportunity na yon dahil kailangan talaga. at malaki din naman ang nasabing sweldo.
noong linggo, nov.9, ng umaga umalis si papa patungo sa rizal, sa bago niya tutuluyan. nakakalungkot talaga dahil hindi na kami magkakakita ulit ng madalas. at kahit hindi kami ganoon ka-close, nakakalungkot lang talaga.
pero noong lunes, nov.10, ng gabi ay umuwi rin siya kaagad. halos wala pang dalawang araw siyang nalalagi doon pero sumuko na siya kaagad.
sabihin na nating di maganda ang kondisyon na dinatnan niya doon. at kahit pa malaki sa pandinig ang nasabing sweldo, ay kung kukwnetahin mo ay talagang lugi si papa. medyo may trace ng abuse dito kung titignang mabuti. kaya't hindi na rin pinatagal ni papa ang pamamalagi doon. hindi ko na rin babanggitin dito ang mga eksaktong mga detalye ukol sa insidentenf nangyari.
kala namin ito na ang biyaya na matalaga na naming hinihintay pero hindi pa pala. siguro, may gusto lang ipakita samin ang diyos kaya ito nangyari. at naniniwala ako na may mas maganda pang offer kay papa kaya hindi ito ang para sa kanya.
sa pangalan, ang pangalan ng lalaki ay pwede ring ipangalan sa lalake kung lalagyan mo ang huli ng 'a' o papaltan ang 'o' ng 'a'.
halimbawa: Josef - Josefa Julian - Juliana Mario - Maria Armando - Armanda Bob Ong - Bab Ang?
isang kaibigan na nag-aaral sa UP-Diliman ang nagbalita sa'kin tungkol dito- na si Bob Ong ay hindi isang maginoo kagaya ng iniisip ko at marahil, ng karamihan din. marami rin siyang nasabi tungkol sa kilalang manunulat na hindi ko na isisiwalat dito. una, wala akong karapatan. pangalawa, maaaring hindi rin naman ito totoo.
mahigit apat na taon na ang nakakalipas nang una ko siyang masilayan na nakapaloob sa librong Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? at mula noon pa man ay kinagiliwan ko sya. kilala siya sa kanyang mga libro at sa mga kaisipan niyang nakapaloob dito. ngunit hanggang doon na lang ang nalalaman ng karamihan. kahit itsura niya'y hindi namin nalalaman dahil hindi mas ninais niyang maging tago sa lahat ang kanyang itsura at ang kanya namang kaisipan ang lantad sa karamihan. kaya marami ang pilit naghahanap ng kasagutan: Sino nga ba si Bob Ong?
napanaginpan ko siya isang bes,pero sa tingin ko hindi siya ang lalaking nakita ko sa pangitain kong iyon. matagal din akong nag-isip at nag-imagine kung ano nga ba ang itsura niya't sino siyang talaga. hanggang sa mabalitaan ko nga ang bagay na ito mula sa kaibigan kong isa rin niyang tagahanga.
hindi niya nakita si Bob Ong pero may nagbalita lang rin sa kanyang tungkol dito. at kahit nga gayon ang nangyari, malabo pa rin yun dahil sa ibang pangalan nagpakilala ang pinaghihinalaang si 'Bob Ong' daw. ang patunay lang nila ay ang nasabing pagkakapareho sa gawa ng lalaking tinutukoy nila kay bob ong. at ang pareho nilang pag-iisip. at siya nga raw ay isang binabae.
wala naman tayong magagawa kung siya nga iyon at iyon ang tunay niyang pagkatao. sa huli't-huli, kahit na ikagulat ito ng marami, alam kong mananatili pa rin ang paghangang namamayani sa ating damdamin.
at kahit anong mangyari, idol ko pa rin siya. maging adik man siyang nagru-rugby para lang malibang at makalimutan ang problema.
ayan. november na naman. ilang araw na lang tatanda na naman ako ng isang taon at yung mga kaibigan kong ngayong nobyembre din ang kaarawan. kaso malungkot dahil hindi ko makakasama sila ngayon dahil may mga pasok na nga sila. tsk. yung ibang inaasahan ko ding makita eh busy na din. tsk. pero oks lang. marami pa namang araw para makita ko sila. ye.
mhm. nabanggit ko na bang magkakakroon na ng kikomachinekomix blg.5? kung oo man o hindi, sasabihin ko pa rin naman. hahaha. ansaya-saya talaga. kaso yung kolesyon ko di na kumpleto. nakakainis. tsk. mhm.
yung 1 na-kay CJ. at kung nababasa mo to ngayon, pakibalik na yun sa'kin pag-uwi mong pinas ha. bibilhan na lang kita ng sarili mong kopya.:D yung 2 nawawala. tsk. kala ko napaheram lang ni cybill yun sa kaklase lang pero hindi pala at ayun nga, nawawala na. nakakainis talaga. yung 3 nasa akin. kaso angpanget na ng kondisyon ng cover nun. puro tape na dahil sa sobrang ingat na paggamit ng mga nangheram sa'kin dati. haha.tsk. yung 4 nasa heraman. yun pala yung pinaheram ni cybill sa kaklase niya na hanggang ngayon hindi pa rin binabalik. at chinismis pang nagtu-twotime daw ako dahil sa sulat na nakasingit doon para kay nyxon. abnoy siya. ibalik na lang niya ang komix ko. yung 5 hinihintay ko pa. haha!:D lalabas daw yun ng early 2009 ayon kay manix. at nangako din pala ako kay danna na ibibili ko siya ng kopya nun pag meron na. mhm. danna! bili mo na lang ako ng kikomachinekomix blg.2 tapos exchange tayo. hahahahahaa. adeeek eh.
ayun na nga.well. sana maging masaya ang november na to. gbye. :D
yea.yea.konting remedyo na lang at maaayos na din itong layout ng profile ko. reremedyuhan ko kasi eh. hahaha.tska na ako gagawa ng sarili kong layout pag nagawa na talaga yung computer namin. tsk.
mhm. masaya naman ako at nakasama ko ng madalas ang mga katropa ko ngayong sembreak nila. haha. galing eh. buti medyo mapera ako ngayon at nakakasama ako sa mga gala nila. haha. at sunud-sunod pa ang mga birthdays namin ngayon november. mhm. karamihan sa kanila pasukan na agad bukas. at nakakalungkot din dahil yung iba hindi ko pa nakita. sayang.
WELL. kamusta naman kayo?
nananawagan ako kay mr. raymond de jesus.
hahaha. kung sino man ang huling nakakkita sa kanya ay ipagbigay alam na lamang sa akin. salamat. :D