<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/883993280880141434?origin\x3dhttp://mahaltayoniemboy.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script><iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=8076742059755845825&blogName=PIECE+OF+HEAVEN&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLUE&layoutType=CLASSIC&homepageUrl=http%3A%2F%2Flov-ebites.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Flov-ebites.blogspot.com%2Fsearch" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>
G is for Gago.

mastermind

GENISSA O. VILLEGAS
(1991-Present)

I am fond of weird people and I like sweet foods. I am a lazy OC and a frustrated artist. I hate roaches and I don't like being left, in which ever situation.
MORE INFOs NEXT UPDATE. XD

Multiply
Friendster
facebook: genissa villegas
email: mismacho@yahoo.com


shouts


Plurk.com



exits

BLOGS
Chiui Chicca Miss Anne BFF Mary Pel and Choey Joyce Danna Kiarra Dadi Joffi Kryk Mikyu Keiti Clarisse Ryan Kit Bathalumanz Ruthe Jeru Bettina Patsy Thea Ayesha Paw Eu Louisa Patricia Gel CrazyWrazy Iway Gail Diandra Gela Kaye Janajee Cza-Cza ChenJireh Tiff K Leyn

WEBSITES
Mikrokosmos KikomachineKomix Electrolychee Jon Burgerman Rolitoboy Smosh Rexbox Keri Smith Bob Ong Francis M Green Pinoy Andy Warhol

RANDOM LINKS
10 ways to infuse your work with your personality by Keri Smith
Drawing Faq by Keri Smith
Kiarra's City
Kiarra's socio blog
Chiui's photoblog
Jennie Castillo Film Cameras

archives
March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 May 2009 December 2009 January 2010 March 2010 December 2010 November 2011

credits
Designer/ %PURPUR.black-
Colour Code Icons



earring

klphotoawards.com







Tuesday, April 1, 2008 { 8:33:00 PM }

lumabas na lang yan bigla sa bibig ko kanina. ewan ko ba.

hay. nakakapod ang araw na ito. ang init-init pa. pati ulo ko mainit. mga dalawang araw na akong ganito-badtrip. ewan ko ba, konting bagay lang inis na inis na ako. hay. baka malapit na ang aking buwanang dalaw. baka nga. baka nga. ayoko ko pa namang ganito. napakamasayahin ko pa namang tao para maging ganito kabadtrip. haha. pero, moody talaga ako. lalao na kay ano.. haha.

sa totoo lang sa kanya talaga ako lagi nababadtrip, ewan ko kung bakit. minsan ako lang yung bogarts na nagpapalala ng lahat. maayos naman kami tapos bigla akong maiinis na hahantong naman sa bagay na mas ayaw kong mangyari. blah-blah-blah. pero kahit badtrip ako, mas gusto ko pa din syang kasama. haha. atsaka pag ganyang badtrip ako dun siya gagawa ng bagay na ikakatuwa ko. yung time na gusto ko ng sumabog pero gagawa siya ng bagay na kanais-nais para sa'kin, at ayun. huhupa ang galit sa aking damdamin. ganyan lang lagi ang drama. ewan ko ba kung bakit di pa ako nasasanay. siguro kung nababasa mo to mababadtrip ka. ewan ko kung bakit ko naisip yun pero masama ang kutob ko kaya sana di mo talaga mabasa to. basta alam ko lagi lang akong naiiwang masaya sa huli. <3



hay.ewan ko ba, ganun na talaga eh.


pero hindi naman talaga ito dapat ang kwento ngayon eh. nasingit lang. haha.

pumunta kami sa school ngayon dahil kuhanan na ng card at despidida ng kambal kong batchmates. imbitado ang tropa, kaya ayun. nakuha ko naman ng maayos ang card ko. pero di maayos ang grades ko. baka maghuromentable na naman ang nanay ko. lahat bumaba eh at yung CAT lang ang tumaas. haha. pero di naman mababa yung grades ko. pero sayang din eh. at di ko rin pala nakuha yung good moral chuva ko sa adviser ko, babalikan ko pa tuloy bukas. pero dapat kahapon ko pa kunuha yun eh, since pupunta naman din ako ngayon isasabay ko na lang. tipid din yun sa pamasahe eh.

ayan. mabilis naman naming nakuha ang report cards namin pero di ganoon kabilis ang pag-alis namin papunta sa despedida nung kambal. may mga nagpahintay pa kasi eh. at dito unti-unting uminit ang ulo ko. hay. zune lang talaga ang katapat ko. at trivia nga pala: pag badtrip ako, nahahyper ako. super. at pagsinabi kong super eh yung ginagawa ko yung mga bagay na hindi ginagawa ng matinong mamamayan ng bansang pilipinas. suguro naman kahit konti naiisip mo na ang mga pinaggagagawa ko. pero hindi naman yng mga bagay na ikakainis mo, masaya naman, yun nga lang pangbogarts talaga. ha!ha!

hindi naman pala nagpapahintay yung hinihintay namin eh. @#$%&?!! lalo akong nabadtrip. bogaloids! sayang ang oras. ang init tuloy ng byahe namin. nak ng tokwang hilaw. wala nang magagawa eh.

nakarating din naman kami ng maayos doon. yun nga lang, matindi talaga ang talas ng sinag ng araw ng mga sandaling yun. iba ang feeling. nakakapaso.

pagdating namin don, nagbibidyooke ang mga kalalakihan. pero yung iba nag-uusap lang sa tabi. badtrip pa din ako. ako lang. haha. napakasama ko ngayon kasi minura ko ng nakatalikod yun, bunga lang talaga ng mainit na panahon. hindi ko na uulitin ang mapangahas na pangyayaring yun. pero pag galit ka nga naman, di mo mapipigilang gumawa ng mga bagay na di angkop sa pandinig. haha. di ko maintindihan.

bumawi na lang ako sa pagiging hyper. naging masaya naman ako kahit saglit. at habang tumatagal nawala na rin ang kabadtripan, naglaro na lanag ako ng lobo at camera kasama ang tropa. ayun. masaya. haha.

masaya naman nga kasi nagpa-picture sya sa'kin, nainggit siguro sa ibang hinihila kong makasama sa picture. haha. pero di nga, natuwa ako. sabi sayo, lagi akong nagugulat eh, kaya di ako nagsasawa kahit lagi akong nabubugnot. ganun siguro talaga. haha.

wala na akong masabi.
hahahaha.
basta alam ko ayos na
ako.

nung pauwi na kami bigla naman umulan. nak ng ----. ambaho ng singaw ng lupa. nagpatila muna kami sa 7-eleven at kumain na din. mabili din namang tumila pero may hinala akong masama.. may magkakasakit.


may swimming pa bukas.
sige.dito na lang.

Labels: , ,