<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/883993280880141434?origin\x3dhttps://mahaltayoniemboy.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script><iframe src="//www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=8076742059755845825&amp;blogName=PIECE+OF+HEAVEN&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=BLUE&amp;layoutType=CLASSIC&amp;homepageUrl=http://lov-ebites.blogspot.com/&amp;searchRoot=http://lov-ebites.blogspot.com/search" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>
G is for Gago.

mastermind

GENISSA O. VILLEGAS
(1991-Present)

I am fond of weird people and I like sweet foods. I am a lazy OC and a frustrated artist. I hate roaches and I don't like being left, in which ever situation.
MORE INFOs NEXT UPDATE. XD

Multiply
Friendster
facebook: genissa villegas
email: mismacho@yahoo.com


shouts


Plurk.com



exits

BLOGS
Chiui Chicca Miss Anne BFF Mary Pel and Choey Joyce Danna Kiarra Dadi Joffi Kryk Mikyu Keiti Clarisse Ryan Kit Bathalumanz Ruthe Jeru Bettina Patsy Thea Ayesha Paw Eu Louisa Patricia Gel CrazyWrazy Iway Gail Diandra Gela Kaye Janajee Cza-Cza ChenJireh Tiff K Leyn

WEBSITES
Mikrokosmos KikomachineKomix Electrolychee Jon Burgerman Rolitoboy Smosh Rexbox Keri Smith Bob Ong Francis M Green Pinoy Andy Warhol

RANDOM LINKS
10 ways to infuse your work with your personality by Keri Smith
Drawing Faq by Keri Smith
Kiarra's City
Kiarra's socio blog
Chiui's photoblog
Jennie Castillo Film Cameras

archives
March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 May 2009 December 2009 January 2010 March 2010 December 2010 November 2011

credits
Designer/ %PURPUR.black-
Colour Code Icons



earring

klphotoawards.com







Tuesday, January 20, 2009 { 9:33:00 PM }

kahapon/kagabi/kanina ng ala-una ng umaga ang inauguration ni barack obama sa washington, d.c. mhm. tinangka kong panuorin yun kagabi, este, kanina pero natalo ako ng antok. hanggang sa entrance lang ata ni obama ang naabutan ko. haha.

kasabay ng pagka-atas kay obama na maging bagong pinuno ng amerika ang pag-asa ng buong mundo na nakasalalay sa kanaya. ititigil na daw ang giyera sa iraq at pati na rin ata sa israel, at malaking bagay din naman yon para sa mga nasabing bansa at pati na rin sa buong mundo. Obama is The Future.

syempre, hindi magpapahuli ang mga pinoy sa pag-asang maibibigay ni obama kung sakali. sana nga, mabigay niya ang pagbabagong sinasabi niya.



kahapon, pumunta kami ni cj at mj sa atheneum para lang.. manggulo--kung yun man ang maitatawag doon. practice na ng cheering ng highschool division kaya nagyaya lang si cj na panuorin yun. mhm. .

kasama din namin si nyxon, at dalawa pang katropa niyang taga-baste. nakita din namin doon si sopsop. tapos sumunod din si dadi jofi, tj at sherwin. masaya naman, bonding ulit kahit medyo nakakailang kasi ako lang ang babae doon at medyo naoOP na ako. masaya din naman. ayos naman. AYOS NA SANA PERO, anak ng tokwa! naiwanan ko yung cellphone ko sa CMG(tambayan namin/ng mga mag-aaral ng atheneum na katabi lang ng eskwelahan).

nung una, medyo hindi pa ako nababahala na nawala na yung cellphone ko. kampante pa ako konti. kahit natataranta na yung kamay kong kumakapa sa lahat ng bulsa ko. sinabi ko na rin kay cj na nawawala yung telepono ko. ehh nasa bus na kami noon--pauwi na dapat. kaya bumaba ulit kami at naglakad pabalik ng CMG. nag-shortcut na lang kami para mas mabilis.

anak ng tipaklong.

kala ko maaabutan ko pa yung telepono ko kasi hindi naman ako masyadong natataranta habang papunta kami. iniisip ko lang ang mga pictures sa cellphone ko na masasayang, mga mahirap hanapin na contacts, mga masasayang na memories na pinagsamahan namin ng cellphone ko at ang sangkatutak na sweet messages na galing kay mj at mga picture msg ng tropa pang-asar sa kapwa tropa. . .
at ayun nga, hindi ko na naabutan. pero may isa pa akong pag-asa!
(drumroll please)
...
...
...
si KUYA JERRY! haha. siya daw kasi ang naglinis doon, kaso sabi nung batang pumunta kina kuya jerry, umalis daw siya kaya gumuho bigla ang aking namumuong pag-asa. oh, saklap. sinabi ko na lang kay ate na sabihin na lang kinabukasan sa kapatid ko kung nahanap yung cellphone ko. ayun, umalis na din kami kasi may curfew si cj. kaya ayun.

gusto ko tuloy bigla magka-amnesia.

si mj na lang ang bumalik doon para itanong kay kuya jerry kung natagpuan man niya ang cellphone ko. pagka-uwi ko, tinawagan ko si jofi at sabi niya, pumunta na daw doon si mj at nakuha na ata niya. ata. ata. ang sarap sakalin ni jofi, pero namumuo na muli ang pag-asa ko.

sana.sana.sana.


tumawag sa'min si mj, kala ko nakuha niya pero HINDI, hindi na talaga. wala daw nakita si mang jerry. tsk. SAYANG talaga. nakakapikon. pero wala na akong magagawa, naka-off na din yung cellphone ko kasi hindi na ma-contact. sigurado akong naiwanan ko yun sa kubo dun--dahil may tatlong kubo sa CMG kung saan tumatambay ang mga bata. kaso sigurado nading may nakakuha na non. NAKAKABANASSSS TALAGAAAA.

inhale.
...
...
...
exhale.

hindi ko inaasahang hahantong sa ganito ang storya naming dalawa. hay. malas naman ng nakakuha noon dahil sigurado akong hindi na niya maibebenta yun dahil sa mga sumusunod na mga dahilan:
1. sira ang speaker--dahil sa madaming beses na pagkabagsak nito. pero tumutunog padin naman siya minsan, biglaan nga lang. kung kelan lang niya trip.
2. sira na yung screen sa harap- dahil din sa pagkabagsak. puro sira-sirang linya na lang ang makikita dito, minsan kulay blue lang. pero minsan maasyos din naman, gaya ng speaker, kung kelan lang din niya trip.
3. sira ang keypad-dahil ata sa sobrang pagtetext-pero hindi ko din alam. nagloloko na yung 9 at 0. minsan pati yung left at right navikeys, at option at back keys ay pagpinindot mo, volume ang lumalabas.
4. may deperensiya sa battery-minsan bigla na lang mamamatay.
5. nagloloko ang holder ng sim card-minsan bigla na lang irereject ang siom card mo ng paulit-ulit. lalo na kung hindi siya hiyang sa sim card na ilalagay mo.
6. at isang katerba pang mga kababalaghang nangyayari sa cellphone ko gaya na lang ng biglang pagsstuck up at ang mabagal na response nito.

bukod sa kapalpakan na nabanggit, hindi rin nakakaakit ang ang itsura nito dahil may tape na ito sa keypad para di umangat at may sticker pa ng monokuroboo para di matanggal ang case sa sim card nito. magkahiwalay kasi ang lagyanan ng simcard at battery, di gaya ng karamihang cellphone.

pero sa kabila ng kapalpakang mga ito, hinding hindi ko ipagpapalit ang cellphone na yun sa iba. minahal ko na yun at alam ko minahal na rin niya ako kahit nitong mga huling araw ay napapabayaan ko siya dahil kung san san ko siya nailalagay sa bahay, kaya kalimitan din akong naghahanap.
napag-usapan namin isang bes ng pinsan ko na bulok na nga ang cellphone ko at kailangan nang palitan, pabiro ko pang sinabing patapon na nga ang cellphone ko at bibili na ako ng bago. siguro, narinig niya yun at nagdamdam din siya kaya nawala na siya sa'kin ng tuluyan. kahit sina mama, hindi na nabahala nung nalaman nilang nawawala ang cellphone ko. sabi nga ni papa wala nang mapapala yung nakapulot noon. masaya pa sila dahil mababawsan na ang gastos ko sa load--sila kasi ngbabayad.haha!
kala ko dadating pa yung panahong manghihina siya at masasaksihan ko pa ang pagsuko niya. kala ko ganoon. kung nalaman ko lang na sa ganitong paraan pala hahantong ang ending ng storya naming dalawa, edi sana naagapan ko pa. nasa huli talaga ang pagsisisi.

gusto ko tuloy magka-amnesia bigla.





nakaka-touch naman to. sabi ni mj, pag-iipunan niya daw ako. di ko alam kung ano talaga ang ibig sabihin nun. pero masaya na rin ako para sa pagpapagaan niya ng loob ko.
pero sana, kung san man siya nandoon, masira na siyang tuluyan. para hindi na siya mapakinabangan pa ng nakakuha sa kanya at ako lamang ang maging huling alaala niya. bwahahahaha.

Labels: , , , , ,