Monday, January 26, 2009
{ 8:23:00 PM }
GENISSA AND MJ SA TAGAYTAY: part two
ayan at may sequel na ang aming adventure sa tagaytay ni mj at syempre, mas masaya ngayon! at may
pruweba na talaga!:D
noong linggo kami pumunta ni mj, january 25-bisperas ng chinese new year. mas maaga kami nakarating sa tagaytay at mas exciting kasi nagdala ng clubhaus sandwiches si mj, magpipicnic daw kami sa picnic grove. haha! di pa ako nakakaranas na magpicnic kaya naexcite na ako lalo.
sa st.scholastica agad ang first stop namin, pero bago pa kami nakarating doon naglakad pa ulit kami. .
pabalik. lumampas na daw kami sa sakaya papuntang people's park o yung picnic grove at doon lang pwedeng sumakay dahil punuan ang mga jeepney. ibig sabihin, kahit maghintay kami sa kalsada ng mga jeep na may people's park na karatula ay di rin kami makakasakay dahil puno na ito sa sakayan palang. di naman kalayuan ang nasabing sakayan.
mas malapit naman yun ng di hamak kesa sa paglalakad na ginawa namin noong nakaraan.
at sa konting minutong nakalipas, nakadating na din kami sa st. scho. medyo tinamaan na naman ng hiya si mj kaya ako na ang nauna magtanong sa sikyu kung makakapasok ba kami. kala ko nung una mapapahiya pa kami pero buti mabait naman si manong guard at kami ay nakapasok na.
YES!unan naming pinuntahan yung souveneir shop na ilang hakbang lang mula sa gate. wala pa yun noong batch namin ang nagretreat doon. sabi noong babae nagbabantay doon, last december lang daw yun itinayo. puro pagkain lang ang tinda nila. mga pasalubong na katulad ng mga makikita mong tinda sa Collette's. pero may mga souveneir shirts, bags at hats din sila.
bumili kami ng walang kasing sarap na lebkuchen (pronounced as le-bu-shen sabi ni mj), German cookies na sa pagkakalam ko ay yung mga madre sa st.scho mismo ang gumagawa. lasa siyang fruitcake. <3 style="font-style: italic;">camera shy kasi siya. at ayun, syempre tuwang-tuwa naman ako sa opportunity na yun kaya nagpakuha agad ako ng picture sa kanya. XD ansaya pa nga noong nakita kong
primary photo pa ng wallet niya ang picture niya kasama si st.scholastica (rebulto lang) na ako ang kumuha at nagbigay sa kanya ng kopya na yun. tradisyon na niya ang magkuha ng picture kasama si st.scho sa twing babalik sila sa retreat hose simula noong nagturo sya sa Atheneum.
nagpapicture din si mj kay sir emboy kasi idol din niya yun. at pati kay ms. d. medyo nahiya lang akong magpapicture kasama si ms. vidal, division head ng highschool department, at si ms. anne, adviser ko noong fourth year.
nilibot namin ang buong st.scho, si mj bilang tour guide ko dahil hindi ko yun nalibot noong nagretreat kami. marami ding nagbago pero andoon pa rin ang maaliwalas na pakiramdam na dinudulot ng lugar.
doon na lang kami nagpicnic ni mj. haha. medyo ma
flirt lang ehh. haha.
inalok kami ni mang boy, school photographer, na magpapicture sa kanya for free. gusto lang daw niya na siya magsabi ng pose namin. medyo hindi pa ako naniniwala noong una eh kasi malabong kausap yung si mang boy. may utang pa ngang isang picture sa'kin yun noong js prom namin noong fourth year na hindi niya naideliver sa bahay. siguro, bumabawi lang siya ngayon. haha. ihahatid na lang daw niya yung picture sa'min o kina mj, dalawang kopya na wallet size.
bumili din kami ng rosary, pakay talaga ni mj doon, sa isa pang souveneir shop na katapat ng cafeteria. umalis na din kami noong lunchtime na nila, pinipilit pa nha nila kamng makikain doon at makisabay sa bus dahil pauwi na rin sila ng cavite pero syempre tumanggi kami. isa pa, pupunta pa ulit kami sa manaoag at sa picnic grove.
naglakad na lang kami papunta hanggang manaoag mula st. scho dahil hindi na yun kalayuan. at saglit lang din kami doon dahil sa dami ng tao. di na rin kami nakapunta sa picnic grove dahil may entrance fee pa pala. isa pa, may mga nagfieldtrip doon kaya isang katerba ang mga tao. hanep.
after noon umuwi na din kami. medyo mabilis lang ang biyahe at sa aircon bus na kami sumakay ngayon. noong isang bes kami, sa hindi aircon bus kami sumakay at HANEP talaga. pagaspas ang hangin sa mukha ko dahil sa tabi ako ng bintana nakaupo. at ang lamiiig lang talaga. haha.
ayos ang buong adventure namin! at ayun.may pruweba na nga. HAHA.:D
Labels: calamares, donut, kwekwek, tagaytay, zagu