Monday, March 31, 2008
{ 9:59:00 AM }
ayan. tapos na talaga. at ayos din naman ang programa. naging mabilis lang ito. naging mas maaga ang uwian sa inaakala naming pagtagal nito. at ang panget pa ng song number. tapos magagalit sila kung bakit kami nagkagulo?! eh isa na nga lang yung kanta namin di pa kami pinaakyat sa stage. kung kelan mas lumaki pa nga yung stage saka di kami pinaakyat doon. alam kong mali kami dahil nahirapan kami sa pagpili ng kanta. yung mga sina-suggest kasi namin ayaw nila, di daw angkop. eh henerasiyon namin yun eh. malandi ba sila? baka di nila alam na ganon na ang musika ngayon ng kabataan. buti na lang paalis na ako dun. haha. maganda nga yung curriculum at teaching strategies nila, poor naman sila sa facilities. sobrang kurakot pa. oo. sobrang kurakot. kung magsusumbong ka sa knanila ngayon, wala na akong magagawa. eh totoo naman yung eh. at alam naming di sila pabor samin kaya ganito. buti pa yung lalaki ayos pa. haha. hay. minsan hindi ko alam kung plastikan lang talaga ang puhunan ngayon para kumita.
pero maiba ulit tayo. balik sa programa.
kala ko magdadapa ako sa stage dahil sa takong kong mataas. pero hindi aa. kering keri ko pa nga eh. ang hindi ko lang nakeri ay nung malapit nang mag-entrance ang mga gagraduate ay wala pa rin ang ina ko. nakaw.

yan ang sapatos ko at nila m*(boots) at n*lson(matulis)
tatlo kaming natira doong walang toga. yung isa di pa daw naalis ng bahay ang nanay-taga cavite pa. yung isa naman di ko alam-taga imus pa. ako di ko rin alam-taga salinas. pero grabeng kaba ako dun aa. napakapangit namang mag-entrance kung wala kang toga diba. pero ayos na din sa'kin yun dahil makakagawa ka pa ng eksena. edi memorable ang graduationg ito diba. haha. pero nung handa na akong hindi magtoga, dumating naman ang nanay ko. ayun! haha. naalala ko pa ang suot ng nanay ko e. skinny slux. haha. tama ba? basta ganun.. edi ayun may toga na nga ako. pero yung dalawa wala parin. since mauuna naman sakin yung isa at magka-size naman kami.. pinaheram ko yung toga sa kanya at yung isa nangheram ata sa boys. kukuhanin ko na lang yung toga ko pagdating sa upuan tska ako tatakbo sa pili para dumaan sa cross-saver. ayun ang plano. pero grabe ang pressure sa'kin. pano pag di ko nakuha yun? wala talaga akong toga. haha. wala, eksena pa rin talaga ako. so, ayun.. sinagawa na ang plano at naglalakad na sila. pumunta na ko sa gilid para abangan yung toga. nakita pa nga ako ng adviser ko eh. [hi po! =))] naalala ko pa nataranta siya bigla kasi wala pa akong suot na toga. haha. sinabi ko naman sa kanaya na hinihintay ko yung akin pero para sigurado, iniheram niya ako sa iba. nga pla. tnx m*riel. haha. ayun. nataranta din siya. tapos sinuot pa sa'kin yung cap. haha. siguro ang panget tignan ng itsura namin sa TV. tsaka parang pang-reality show. tumakbo agad ako sa pila. edi yun ayos na. tapos nung malapit na akong maglakad saktong may kumuha nung cap ko. nak ng teteng oh! sira ang outfit ko. haha. pero ayos na din.. sana nakuhanan kami ni mang b*y para may remembrance ako. hahaha. mas masaya pa pala to sa inaakala kong pagkatisod sa entablado. memorable talaga.
mas memorable pa ata yung tatlong na-late at hindi nakadaan sa cross-saver. pero mas mas! memorable pa siguro yung dalawang nag-dress pa para sa panloob na dapat ay uniform lang. kala ko pa naman wala nang tatalo sa high heels ko. matindi talaga yung dalawang yun. hahaha.
wala naman akong masasabi masyado sa programa. basta alam ko naubos lang yung boses ko sa kakasigaw para sa mga katropa ko. haha. nagulat pa nga ang tatay ko nung umakyat ako ng stage eh madaming sumigaw. haha. andami ko daw binayaran. hahaha.. pero masaya. parang nung elementary din ako. madami ding nag-cheer. syempre may sabit ako nun. haha. ngayon wala. hahaha. astig.
konti lang yung pictures ko nun. wala pa nga akong kasam yung mga magulang ko at isa lang yung picture namin ni m*. tsk. naalala ko pa kay sh*rwin lang siya nagpakuha nun. talagang nagpupumilit pa. haha. kinilig naman ako. haha. nakay c*bill kasi yung camera eh. sayang. hay.
iniwan na ako ng nanay at tatay ko dun. inihabilin na lang ako sa nanay ni m*. kasi nagdistribute pa ako ng regalo. tapos yung isa umuwi pa agad, sayang. baka mahirapan akong makita ulit sya eh.
ayan. tapos na ang graduation, picture taking at gifts distribution. niyaya na lang ako nila m* na sumabay sa kanila at sumamang kumain sa hidden tapsihan. wow. first time ko lang doon eh kaya na-excite talaga ako. haha. nakita pa nga namin si dadi j*ffi doon kasama ang pamilya niya. galing.
ayun. nakaraos naman at nabusog. inihatid na nila ako pauwi at ayun. ayos naman.
BATCH 2007-2008: MAHAL ko kayong lahat! salamat sa lahat ng tawanan, biruan, kantyawan, asaran, iyakan, kwentuhan at kulitan. di ko kayo makakalimutan. ayan, madrama na naman. hay. sa tatlong post ko dito puro ito ang pinag-uusapan. di ka ba nauuta?
ayos lang. sige na. tartar!
i have the courage,but i don't have the knowledge
-vincent villanueva
Labels: camera, tapsihan, toga