Friday, November 7, 2008
{ 12:19:00 AM }
" ako ang magiging futre
Bab Ang." -kiarra vallido
pag lalaki, Roberto. pag babae, Roberta.
pag lalaki, Mario. pag babae, Maria.
pag lalaki, Lucio. pag babae, Lucia.
sa pangalan, ang pangalan ng lalaki ay pwede ring ipangalan sa lalake kung lalagyan mo ang huli ng 'a' o papaltan ang 'o' ng 'a'.
halimbawa: Josef - Josefa
Julian - Juliana
Mario - Maria
Armando - Armanda
Bob Ong - Bab Ang?
isang kaibigan na nag-aaral sa UP-Diliman ang nagbalita sa'kin tungkol dito- na si Bob Ong ay hindi isang maginoo kagaya ng iniisip ko at marahil, ng karamihan din. marami rin siyang nasabi tungkol sa kilalang manunulat na hindi ko na isisiwalat dito. una, wala akong karapatan. pangalawa, maaaring hindi rin naman ito totoo.
mahigit apat na taon na ang nakakalipas nang una ko siyang masilayan na nakapaloob sa librong
Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? at mula noon pa man ay kinagiliwan ko sya.
kilala siya sa kanyang mga libro at sa mga kaisipan niyang nakapaloob dito. ngunit hanggang doon na lang ang nalalaman ng karamihan. kahit itsura niya'y hindi namin nalalaman dahil hindi mas ninais niyang maging tago sa lahat ang kanyang itsura at ang kanya namang kaisipan ang lantad sa karamihan. kaya marami ang pilit naghahanap ng kasagutan: Sino nga ba si Bob Ong?
napanaginpan ko siya isang bes,pero sa tingin ko hindi siya ang lalaking nakita ko sa pangitain kong iyon. matagal din akong nag-isip at nag-imagine kung ano nga ba ang itsura niya't sino siyang talaga. hanggang sa mabalitaan ko nga ang bagay na ito mula sa kaibigan kong isa rin niyang tagahanga.
hindi niya nakita si Bob Ong pero may nagbalita lang rin sa kanyang tungkol dito. at kahit nga gayon ang nangyari, malabo pa rin yun dahil sa ibang pangalan nagpakilala ang pinaghihinalaang si 'Bob Ong' daw. ang patunay lang nila ay ang nasabing pagkakapareho sa gawa ng lalaking tinutukoy nila kay bob ong. at ang pareho nilang pag-iisip. at siya nga raw ay isang binabae.
wala naman tayong magagawa kung siya nga iyon at iyon ang tunay niyang pagkatao.
sa huli't-huli, kahit na ikagulat ito ng marami, alam kong mananatili pa rin ang paghangang namamayani sa ating damdamin.
at kahit anong mangyari, idol ko pa rin siya. maging adik man siyang nagru-rugby para lang malibang at makalimutan ang problema.
Labels: bob ong, chat