Friday, May 2, 2008
{ 12:38:00 AM }
aba. may na pala. haha. malapit na din mag-'mother's day'. sabi nila maswerte daw yung unang ulan ng mayo kaya maraming naliligo sa ulan. sakto naman kaninang umulan ng malakas. gusto ko sanang maligo kaso anlaki-laki ko na at di na ako bagay sa mga ganyang bagay. pero nung nainggit ako sa pamangkin kong naliligo, naligo na din ako. ngunit mapaglaro talaga ang tadhana dahil kung kelan naman maliligo na ako ay bigla namang tumila. tsk. nakakainis. nanuod na lang tuloy ako ng 'game ka na ba?'. nag-enjoy pa ako. tsk.
ayun lang. gusto ko lang i-share. haha.
at labor day din nga pala ngayon. este kanina, may 2 na pala. haha.Labels: gameshow, labor day, picture message, pusa, ulan at araw