Saturday, April 12, 2008
{ 11:43:00 PM }
well.well.well.
eto. nagbiyahe na naman kaming papuntang MAPUA. syempre kasama ko na naman ang magiting at matinding si m*. at ngayon ay grabeng tinanghali kami ng alis. mga alas-dose na yun siguro kahit mga alas-otso pasado na ako umalis ng bahay. pano ba naman dinaanan pa namin ang isa pang matindi ngunit hindi magiting na si *drumroll* j*pe!! haha. siningil ko kasi yung utang niya at saktong napatambay pa si manong m* dahil nagbobot sila ng ragna. di ko talaga alam yung ginagawa nila ata para san yun. basta alam ko lang may kinalaman yun sa ragna. di ko na ieelaborate to dahil di naman ako natuwa sa mga nangayari dun dahil una, wala akong nagawa at nakatunganga lang ako. pangalawa, nasayang ang oras ko. pangatlo, tinanghali na kami nang sobra. pero di ko rin sila masisisi kung bakit kami tinanghali dahil di naman ako umiimik ee. hahaha. kla ko makakaaramdam sila. woo. kaya j*pe, bayaran mo na ng buo yung utang. haha. ako tinitira ng nanay ko dun ee. haha. biro mo, napasama ka pa sa blog entry kong ito. astig! pa-cheese burger naman dyan! haha.
teka.lumalayo na naman tayo sa topic aa.
balik.balik.balik.
so nakasakay na kami ng bus. pero bago yun, kumain na muna kami. hahaha. ayun. busog. sunod..
mabilis naman ang biyahe. konting traffic pero mas maaga kaming nakadating sa inaasahan namin. edi ayun, nasa MAPUA na nga kami. at oo nga pala! ECE(electronics and communitcations engineering) ang napili kong course. masakit man sa damdamin ee ayun na napansyahan ko. gusto din naman yun nina mama at interesado din naman ako dun. isa pa, makakasama ko pa si aim*e-the goto girl. haha. edi ayun na nga. nad-punta na ako sa admin para ireport yung napili kong course. kinausap pa ako nung isang babae dun kasi hindi ko pala natapos yung exam ko. incomplete daw yung test ko kaya daw ako bagsak sa AR(architecture). hahaha! oha! sabi na ee, may na-miss ako sa exam. late na kasi ako at hindi nabigyan ng matinong instructions, kaya siguro ganun. at yung hindi ko pa nga nagawa ay yung 70% ng drawing skills exam na iyon. at buti mabait yung babae sa admin at pinakausapan pa ako sa dean ng AR na ipagpatuloy yung exam ko. at ayun, pinaakyat ako sa pffice nung dean.
ayun. nakaakyat na kami ni manong at nakaharap ko na din yung dean. kala ko lahat ng dean ay lalaki, matanda at nakakalbo na. pero yung nakaharap ko babae, bata pa naman at malago ang buhok. haha. hanep, kinabahan ako. buti kinakausap ako ng tagalog. hirap kasi, dun sa school namin nitong HS, pinopromote ang banyagang salita. kahit sabihin nating importante yun, mahalaga rin na mahalin natin ang sariling atin. isang paraan na din yun ng pagsasabing di kita dini-discriminate dahil lang magaling ako mag-ingles. ganun pa man, maganda yun para sa mga bulol na kagaya ko. haha.
mabalik tayo.. ayun. nakausap ko naman ng matino yung dean at binigyan pa niya ako ng chance para tapusin ang exam ko. napakaswerte ko na nun kahit alam kong mahirap yung pinaguhit sa'kin. bumalik ang ngiti sa labi ko. haha. matagal din bago ko natapos yun. at hindi biro ang ginawa ko. tinamad din naman ako magdrawing dun sa huli dahil masyadong komplikado yun kaya di ako satisfied sa naguhit ko. isa pa, andumi dumi nun dahil puro bura. haha. maswerte na kung papasa pa ako dun. pero sana makapasa pa ako dahil di birong nabigyan pa ako ng isang pagkakataon na gaya nito. parang nalihis ang tadhana at pinapaubaya na sa'kin ang AR. haha. woo. pero kung hindi pa rin, handa na naman akong magECE. nagpapasalamat na lang ako dahil nabigyan ako ng chance na ganito. at salamat sayo, Bb. Nelly, yung isang babae sa admin na nag-umpisa sa milagrong ito. salamat.
kahit di ako ganoon ka-confident sa nagawa ko, masaya kong iniwan ang MAPUA. haha. magandang karanasan yun aa. diba.
pagkatapos nun, nagpunta kaming MOA. naglibot-libot. nag-ikot-ikot. uminom. naglakad. tumambay. umupo. at nakita pa nga namin si n*xon dun. haha. matindi ang itsura ee. ngarag na ngarag. pero nagulat talaga ako nang makita namin siya. ambilis ata. na-miss ko na sila.
saglit lang kami dun. nagpahangin at nagpatuyo ng kilikili. tapos naglakad ulit kami papuntang baclaran para sumakay ng bus. at buti naman, di na kami nakatayo ngayon sa bus na nasakyan namin. maluwag pa nga ee. haha. buti ganoon ang nangyari. nakapahinga ang mga paa namin.
at.at.at.
kumain pa pala ulit kami ng goto. haha. wala talaga ako sa mood kumain ng goto dahil: 1) nahihilo ako at gusto ko ng umuwi at 2) najejebs na ako. pwera biro.
at ayun! haha. namalayan ko nalang na may goto na sa harapan ko at nakaupo na ako sa gotohang yun. di ko naman ma-resist at natakam din ako. haha. di ko na naman dapat sinasabi pa yun dito. haha. bogarts ee.
at ayan! walastik. pagdasal nyo pa ako.
ginabi na nga pala ako ng uwi. usapan namin ng tatay ko ala-sais nasa bahay na ako. pero siguro alam na naman nyang di ako nasunod sa oras. at binalik ko sa kanya yung sumobra sa perang binigay niya sa'kin. natuwa naman siya kaya ayos naman kami siguro. haha.
at para sa magiting at matindi na si m*. binabati kita sa okasyon ngayong araw na ito. alam mo na yon. isang taon at isang buwan na rin. antagal na. astig. sana ganun pa rin dre, kung nababasa mo man ito o hindi. sige na, vavoo!♥♥♥Labels: adobong manok, drawing, goto, jamocha almond with crystals