Wednesday, April 23, 2008
{ 10:14:00 PM }
dapat pupunta akong MOA(Mall Of Asia) ngayon kasama ang ilan kong katropa't kaibigan ngunit hindi ito natuloy dahil:
-wala akong pera
-hindi ako pinayagan
-hindi sasama si m*
-wala akong pera.
pero kung may pera ako, tatakas talaga ako. haha! at kahit hindi naman kasama ang matindi at magiting na si m* ay sasama pa rin ako NGUNIT wala talaga akong naipon ngayon. tsk. pero dapat sosorpresahin ko pa sina da*na dahil susunod pa ako dapat. bibigay na dapat ang tatay ko eh kaso yung ibibigay niya sa'king pera pinangbili na lang niya ng merienda at sabi niya na wala na siyang pera kaya di na ako makakahabol dun. mautak! mhm. pero mga alas-tres na din ng hapon yun, kung hahabol pa ako baka bago pa ako dumating doon nakauwi na sila. kaya ayos na din yun.
***
ayos na nga pala yung banyo namin. naninibago lang ako kasi iba na ang itsura at parang sumikip. hindi ako sanay. kaya dun pa rin ako naligo sa banyo sa tindahan namin. inaayos naman ngayon yung kwarto na tinutulugan ko, kaya pansamantalang sa sala muna kami matutulog ng kapatid ko, si cybill.
at speaking of cybill, magkakaroon na nga pala kami ng summer job.. sa sarili naming tindahan. haha!
aalis na kasi yung katulong namin dahil uuwi na siyang bicol. may sakit daw kasi yung anak niya at hindi na siya babalik dito, sa linggo na ang alis niya at kaming dalawa ni cybill ang papalit.
ako simula alas-otso ng umaga hanggang ala-singko ng hapon samantalang ala-singko hanggang alas-dose ng hatinggabi si cybill. ayos na din yun at maayos din naman ang kita namin. php100 bawat araw, lingguhan ang sahod.
pero ayos lang naman din kung di ko yung makukuha tuwing linggo. basta ba may day-off at bibigyan lang nila ako ng kahit barya-barya sa day-off ko, ayos na yun. haha! kalayaan lang naman ang gusto ko. kalayaan. kalayaan.
at siguro naman makakapag-internet pa din ako pag gabi. mhm! si cybill hindi na, duty niya sa gabi ee. haha! woo.
gusto ko ng tocino at malamig na champorado!
sige, yun na lang. magandang gabi!Labels: baboy, baked macaroni na may libreng garlic stick, biik, biyooke