Wednesday, April 16, 2008
{ 10:34:00 PM }
mhm. alam mo ba yung boardgame na scrabble? yung may mga tiles na may letter at numbers na naka-print.
ganyan.alam mo na?
ayan ang isang halimbawa na napulot ko sa yahoo!. mhm. ngayon ko lang ulit nalaro ito at kahit kulang-kulang yung tiles namin, masaya pa din naman ang bawat laro.
BOARDGAMES: di ako ganoon kagaling sa mga ito dahil madalas sa kanila ay nangangailangan ng konsentrasiyon, malalim na pag-iisip, malawak na kaalaman at tamang diskarte na wala ako. yung pinakatrip ko ay yung
snake and ladder. syempre, dun sa larong yun di na namin kailangan pang mag-isip. pananampalataya na lang sa numerong lalabas sa paghagis mo ng dice. at isa pa, masaya yung larong yun laro na pag napatapat sa sa pinakamataas na hagdan at natuklaw ka naman ng pinakamahabang ahas.
ayos lang sa'kin ang maglaro ng scrabble pero pag
chess na ang pinag-uusapan, umaatras na ako. yun na ata ang boardgame na talagang para sa mga piling tao lang, at kung pinili mo ring kahiligan ang larong yon. inaamin kong bano ako dyan dahil mahina ako sa mga diskarte kung alin ang mas maganda at tamang itira para di makain ng kalaban ang piyesa mo. kahit sa dama, tiklop ako. isang pinsan ko ang nagturo sa'kin maglaro ng chess na mabilis ko rin namang natutunan. pero kahit ganun bano talaga ako. pero nung natalo ko yung pinsan kong yun aba! tuwang-tuwa ako. at yun ang una't huling panalo ko sa larong yan. haha. tsaka di ko talaga hilig yun, hindi talaga.
nakalaro na ako ng
chinese checkers pero di ko na maalala ang mga rules doon. basta alam ko madali lang yun at madiskarte din.
mabalik tayo sa
scrabbble. kahit kailangan mo ding ng utak dito dahil sa english words na kailangan mong buuin, trip ko ding laruin to kahit madalas ang mga tinitira ko na lang ay mga maiikling salita na magbibigay ng mababang puntos gaya ng take, her, near at me. at masaya pa kung napatapat ang mga tiles mo sa mga slot na may nakalagay na "double letter score", "triple letter score", "double word score" at "triple word score" na tinatarget ng mga players. minsan mahirap lang talaga pag nagkataong puro consonant ang tiles mo o kaya puro vowel naman. di talaga ako ganun kagaling dito pero mayabang na ako nung minsan na nakatira ako ng mahaba-haba. a-c-t-i-n-g. yan ang natira ko. haha. pero isang bes palang yun dahil ngayon hindi lalampas sa apat na letra ang mga sagot ko.
pumunta dito kanina sina kia**a, j*yce at ch**wee. dapat kasi kila ch**wee talaga kaso di ako pinayagan kaya sila na lang ang pumunta dito. matagal din kaming hindi nakapagbonding ng ganito dahil madalas wala si ch**wee o kaya kaming dalawa lang ni kia**a. at mabuti naman nagkaroon ng chance na ganito. ang saya! oks na oks.
nanuod muna kami ng mhm. nakalimutan ko na yung pamagat, basta suspense yun. at kumain ng halohalo't gulaman. tapos naglaro na kami ng scrabble. ngayon lang ako nakapaglaro nito na kasing ederan ko ang mga kalaro ko at mga kaibigan ko pa. madalas kasi mga pinsan ko nakakalaro ko. pero alam ko namang wala ka ng pake doon kaya't itutuloy ko na ang kwento.
ayos naman ang laro kahit mabagal ang proseso dahil sa mabagal naming pagtira ni j*yce. at nang matapos na ang laro, pareho kami ni kia**a ng puntos na pinakamababa, sunod kay j*yce tapos kay ch**wee na nakakuha ng 118 points. galing! haha. tsamba lang yan dahil magaling sumingit.
haha sige.sige na.
ako'y naduduling na.
tata!
♥ Labels: calamares, dream cupcake, halohalo, scrabble