<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/883993280880141434?origin\x3dhttps://mahaltayoniemboy.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script><iframe src="//www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=8076742059755845825&amp;blogName=PIECE+OF+HEAVEN&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=BLUE&amp;layoutType=CLASSIC&amp;homepageUrl=http://lov-ebites.blogspot.com/&amp;searchRoot=http://lov-ebites.blogspot.com/search" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>
G is for Gago.

mastermind

GENISSA O. VILLEGAS
(1991-Present)

I am fond of weird people and I like sweet foods. I am a lazy OC and a frustrated artist. I hate roaches and I don't like being left, in which ever situation.
MORE INFOs NEXT UPDATE. XD

Multiply
Friendster
facebook: genissa villegas
email: mismacho@yahoo.com


shouts


Plurk.com



exits

BLOGS
Chiui Chicca Miss Anne BFF Mary Pel and Choey Joyce Danna Kiarra Dadi Joffi Kryk Mikyu Keiti Clarisse Ryan Kit Bathalumanz Ruthe Jeru Bettina Patsy Thea Ayesha Paw Eu Louisa Patricia Gel CrazyWrazy Iway Gail Diandra Gela Kaye Janajee Cza-Cza ChenJireh Tiff K Leyn

WEBSITES
Mikrokosmos KikomachineKomix Electrolychee Jon Burgerman Rolitoboy Smosh Rexbox Keri Smith Bob Ong Francis M Green Pinoy Andy Warhol

RANDOM LINKS
10 ways to infuse your work with your personality by Keri Smith
Drawing Faq by Keri Smith
Kiarra's City
Kiarra's socio blog
Chiui's photoblog
Jennie Castillo Film Cameras

archives
March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 May 2009 December 2009 January 2010 March 2010 December 2010 November 2011

credits
Designer/ %PURPUR.black-
Colour Code Icons



earring

klphotoawards.com







Tuesday, April 15, 2008 { 9:59:00 PM }

binura na ang asul at pula ang ang kuko ko ngayon. naisip ko lang ipalagay ito dahil hindi ko pa ito naita-try at eto rin yung alam kong default na kulay ng nail polish, bago pa nauso ang pink. mhm. yun pa lang ata ang masasabi ko. dahil hanggang ngayon naghihintay ako. hindi ko alam kung naghihintay ako sa wala o ano. pero sana'y na ako sa hintayang ganito. at naiinis pa rin ako kahit ilang bes ko nang naramdaman to. nakakainis.

maiba tayo.

nakausap ko kanina ang nanay at tatay ko at minsan ko lang sila makausap ng ganoon. kinwento ni papa yung buhay pag-ibig nila ni mama.

"aba! disisyete-anyos lang ako nun. wala akong kamuwang-muwang sa mundo nang maging kami ng mama mo."

dahil mas matanda si mama kay papa ng 6 na tao. ata. basta nabanggit niya, nagtatrabaho na ang nanay ko nung gagraduate palang ang tatay ko sa hayskul. at sila na noon. hindi naman ako labag sa may-december affairs pero hindi lang ako sanay at hindi ko maintindihan kung paano namumuo ang pag-ibig sa kanila. pero sabi nga nila "age doesn't matter" at kung mahal talaga nila ang isa't isa at di sila naggagaguhan lang, ayos lang yun. pero ako, hindi ko maiisip na magkaroon ng affair sa isang tao na masyadong bata o masyado namang matanda sa'kin. ayos lang kung mas bata siya ng isang taon. haha.

"patay na patay sa'kin yang mama mo! dinadalaw pa ako niyan dati dun sa julugan dahil madalas wala naman akng pamasahe papunta sa kanila. magugulat na lang ako andun siya."

minsan iniisip ko tuloy na mana ako sa nanay ko kahit tahimik ako gaya ng tatay ko. kalat-kalat yung iba't-ibang ugali nila sa'kin. buti naman, mabait ako. mhm.

hanga talaga ako sa ugali't kapal ng mukha ng tatay ko. kaya nga gusto kong makahanap ng kagaya niyang kahit bungi man, nakakatawa pa rin. at sa tingin ko nakahanap nga ako ng kagaya niya na mas bata rin sa'kin kaso may matindi nga lang na bisyo. tsktsk.




Ragnarok Online (Korean: 라그나로크 온라인), often referred to as RO, is a massively multiplayer online role-playing game created by GRAVITY Co., Ltd. based on the manhwa Ragnarok by Lee Myung-Jin. It was first released in South Korea on 31 August 2002 for Microsoft Windows and has since been released in many other locales around the world. Much of the game's mythos is based on Norse mythology, but its style has been influenced by Christianity and various Asian cultures as well. The game has spawned an animated series, Ragnarok the Animation, and a sequel game, Ragnarok Online 2: The Gate of the World, is currently in development. Some versions of the game require a monthly fee to keep playing, while others offer a free-to-play server along with pay-to-play ones.
(http://en.wikipedia.org/wiki/Ragnarok_Online)


RAGNAROK ONLINE. isang laro gamit ang computer. interactive. makulay. kaakit-akit. masaya. sikat. magastos. yan ang ragnarok, isa sa sandamakmak na naimbentong computer online games na sikat ngayon sa pilipinas at sa iba pang bansa na siguradong inahihiligan ng mga kabataan ngayon at kinakasunog ng bulsa.

hindi ako nahilig sa mga ganitong laro kahit na mahilig ako sa mga ganyang klase. hindi ko lang maarok na gumasta ng malaki pa sa panandaliang kasiyahan lamang. at hindi ko rin kayang magsaulado ng sandamukal na terms na ginagamit dito-mga jobs, characters,weapon, attack, combo at kung anu-ano pang hindi ko alam kung ano.

natutulig na lang ako pag nag-uusap yung mga katropa kong lalake tungkol dito o sa iba pang online games tulad ng flyff at dota. hindi ko alam kung paano nila natatandaan yung mga bagay na yun at kung paano nila nalalaman na mas malakas si pugna kesa kay captain barbell. pero siguro dahil hindi ko rin kinukumbinsi yung sarili kong subukan ang mga ganitong laro .kahit yung offline version ng mga ito na mabentang-mabenta din sa kanila.

nakalaro na ako ng diablo 2 dati, nung nasa elementarya pa lamang ako. hindi siya online game pero katulad din siya ng mga ragnarok at dota na may labanan at may mga skills at character na pinangangalagaan. ayos lang naman yung larong yun at naaalala ko pa na ipinapasa ko sa kapatid ko ang mouse pag naglulusuban na ang mga kalaban. alam ko yung goal ng laro at ang mga controls nito. pero hindi ko maintindihan yung mga skills at weapons na dapat gamitin lamang kung kailan kinakailangan. di ko alam kung bano talaga ako o di ko lang talaga hilig yun kaya ganun. balita ko pa, may online version na din ang diablo. nakikisabay na siguri sa panahon ngayon.




darating kaya ang panahon na puro computers na lang talaga? yung tipong nakaasa na lang tayo sa kanila. pero kung magiging ganoon nga, mayaman na siguro ang pilipinas nun. o kaya naghihikahos tayong lahat kung paano makikisabay sa ganoong teknolohiya.



sige, may siege pa ako ee.
BRB.

Labels: , , , ,