Thursday, April 17, 2008
{ 10:13:00 PM }
nakaalis na din ako ngayon sa lungga ko! wahahaa! mhm. dahil pumunta akong MAPUA para sa reservation at sa MADOCS naman para samahan sila m* at sh*rwin.mabilis lang nangyari ang lahat. at maaga din kaming umuwi. basta alam ko kagaya pa din ng dati: mausok, mainit, nakakahilo at nakakaloka ang biyahe. pero masaya ako dahil kasama si kuya sh*rwin dahil may tagadala ako ng envelop! haha. pero ayos naman din. salamat nga pala kuya sa iyong magandang ugali't pagdala ng envelop na napakabigat. tsk.wel.yun lang naman yun. tapos kumain kami ni m* ng halo-halo at footlong sandwich sa gotohan tapos pumunta na ako kina kia**a.kala ko pa naman masu-surprise siya sa aking biglang pagbisita pero aba! at natuwa pa ang bruha. niyaya niya akong mag-bike at maghalo-halo, ulit.ayun, nagbike nga kami at nilibot ang buong seaview-subdivision kung nasaan ang HS namin na walking distance lang mula sa kanila. at doon kami bumili ng ha-halo. mas gusto ko itong halo-halo na to kesa dun sa nabili namin sa gotohan. mas matamis kasi at may sago pa! atsaka ilang araw na rin ako naglilihi sa sago. nabitin kasi ako nung bumili kami ng zagu nung isang bes na wala ng black sago. kaya crystals yung ginawang pamilit muna. tsk.ilang bes di nga pala akong tumumba sa bike. haha! kahit saan. kahit kailan. basta't may bike, di maaring di ako sesemplang. pero di pa naman ako nasusugatan dahil dyan. mhm.mhm.
lumalalim na pala ang gabi.ganun lang naman ang nangyari.atsaka, napagtripan ko angPAINT. haha.oke.sige, ikembot.aa.bb!♥
Labels: 7-11, halo-halo, peanut butter na lasang pansit palabok, rubic's cube