Monday, April 21, 2008
{ 1:31:00 PM }
alas-dose na ng gabi pero nandito na naman ako sa harapan ng monitor na ito. hindi ko alam kung ano pang dapat kong gawin. nababagot na din ako dito dahil una: wala na akong ia-update na kung anumang kailangan pang i-update o ayusin, pangalawa: nababanas na ako dahil parang dial-up lang ang DSL namin,tsk! at pangatlo: naiinis din ako dahil dalawang bes nang namamatay ng kusa itong computer na ito. hinihintay ko na ang pangatlo para makatulog ako.kung makakatulog man.tsk! yun nga kasi ang dahilan kung bakit hanggang ngayon gising pa ako. hindi naman ata ako nai-insomia. baka nalipasan lang ako ng tulog. OU NGA!! NALIPASAN AKO NG TULOG! baka nga! kasi madalas alas-dyis palang babagsak-bagsak na ang mata kong nagpupumilit dumilat para lang makapag-text. haha. kasi ba naman, ang aga nakatulog ng katext ko. kaya tuloy, napag-isipan kong mag-computer ulit. dahil ito na ang pangatlong bes na binuhay ko ang computer na ito. ay! hindi pala. mhm.. pang panglima na pala. idagdag mo pa yung dalawang bes na namatay bigla ang computer na to. nako. nako!ayan. napagtripan ko ngang mag-computer ulit. mag-edit ng ilang picture at maggawa ng sarili kong multiply account o site o anuman. hanapin niyo na lang sa gilid yung link papunta doon kung interesado man kayo na makita yun. at! bakit nga ba lipas tulog? medyo antok na kasi ako kanina, alam ko. pero yun nga, biglang nakatulog yung katext ko at nagising ako. haha! ewan ko ba. mabisang pampatulog sa'kin ang pagtetext. madalas akong makatulog diyan at sa katunayan, dalawang gabi ko nang natulugan yung katext kong yon, baka gumanti. haha.hay.. lipas tulog, gaya ng lipas gutom na mahirap kalabanin. tsk! mabilang na lang kaya ako ng tupa? mhm. aa! maghahanap akong ibang katext para makatulog! haha. WOO.at ang mga magiting na mga napili ko ay sina:kia**a at ch**wee!! haha.sana maintindihan niyo ang aking pangangailanganmga binibini. ayan. ala-una na!sige. text lang ako para sa isang mahimbing napanaginip. tartar!Labels: hooter ni kia**a, insomia, multiply, singaw, texting