Friday, April 4, 2008
{ 2:59:00 PM }
swimming last wednesday diba. ayun, di ko naman inaasahang marami pala ang pupunta. kala ko kami-kami lang dun. pero bago ako nagpunta doon sa venue, sa mt.sea, pumunta muna akong iskul. nangheram pa ako kina kia**a ng bike para mas mabilis at para na rin makapagpractice. kasi, di ako pinapayagan mag-bike sa'min kaya pag nasa labas lang ako pede. haha. natakas ako, atsaka ngayon lang ako natututo magbike ng wala akong alalay, haha. kinuha ko yung good moral certificate ko sa adviser ko at yung report card ng kapatid ko. ayun, medyo natagalan ako dun. ang init pa, pawis na pawis ako. kala ko nga ako na lang hinihintay dun. pero pagkadating ko kina kia**ra wala pang nadating. baka nauna na sila doon sa mt.sea kaya pumunta na kami. ayun. tinamaan ka ng lintik. wala pang tao sa mt.sea. payapa at tahimik pa ang lugar. nakakainis, taghintay tuloy kami. nagkwentuhan muna kami doon sa may basketball court sa likod nun tapos sumunod na si j*yce. tapos si j*ffi tapos sunod-sunod na. ayos naman ang lahat. ganun pa din.pero kala ko lang pala yun. alas-tres na hindi pa kami nakain ng tanghalian. di pa naman ako nag-almusal kaya ayun, badtrip ako. haha. gutom na talaga ako. may pansit naman doon kaso walang kutsara, tinidor at plato. yung mga iba kinamay na lang, yung iba nagplastick, yung iba nagfoil. mga adik talaga. dumating din ang hinihintay namin mga ilang oras na nakalipas. hindi ko na alam kung ineexaggerate ko ito pero alam ko hapon na kami nakakain. hindi pala ako nakakain, sa sobrang badtrip ko. haha. ininom ko na lang yung baon kong soyamilk. nasiyahan pa ako.maaga akong nagpalit ng damit. di na ako nagbanlaw kasi tuyo na ako at tinamad na ako, sa bahay na lang ako naligo. hinintay ko na lang magbanlaw pa yung iba. at habang hinihintay sila, nagpicture taking muna kami sa likod, doon sa may dagat kung alam mo man yun. nag-enjoy ako dito. nasisiyahan talaga ako pag may camera. photowhore talaga ako. haha. tsaka ngayon ko lang din na-enjoy yung obstacle chuva doon. nagpaunahan pa kami ni m*. nauna ako syempre. nakaharang kasi sa side niya si kia**a kaya natagalan siya. haha. napawi ang kabagutan ko dito na akala kong kakain sa buong araw ko. akala ko.nawala ko yung cse ng digicam ni da**a. nak ng pating. nakakainis. pero sabi ko papaltan ko nalang. pumayag naman siya. ok. solb.ayun lang naman ang magandang nangyari doon. birthday nga pala yung ni j*pe. at si kia**a lang ang nakaalalang bumati sa kanya noon. haha. binati ko siya sa ym nung umagang yun ng 'hapervertday!' , nag-thank you naman siya.Labels: camera, pancit, pool, soya