gumawa kami ni kia**ra ng shake-apple-carrot shake. mhm. yummy. di na siya lasang kuryente gaya nung una ko siyang natikman. kaso nasobrahan ata sa apple. nakakalunod ee. haha. nakakainis.
at ang pinakanakakalunod pa sa lahat ay ng makatanggap ako ng message sa pamamagitan ng cellphone na HINDI AKO NAKAPASA SA MAPUA SA NAPILI KONG COURSE-ARCHITECTURE. di ko alam kung ano ang unang irereact ko ng mabasa ko ang text na yun. naaasar ako, nanghihina ako, naiiyak ako. pero tinawanan ko lang yun dahil ayaw kong ipakita kay kia yung nararamdaman ko. pinakita ko na lang sa kanya yung text. at ang tanong- saan ako babagsak? kukuha na naman ba ako ng panibagong exam sa ibang university? may chance pa ba ako?nakakainis.
ewan. ayoko nang mag-exam ulit. napepressure ako maasyado. ayoko nang bumyahe ng malayo at magutom. nakakainis. ayoko na. nakakainis.
sabi ng nanay ko maghanap pa daw ako ng ibang mapapasukan. pinag-internet niya pa ako para makahanap ako ng iba pero tinignan ko muna yung sa MAPUA. at nakita ko yung mga courses na naipasa ko at pwede kong i-pursue at eto ang mga yun:
BACHELOR OF SCIENCE IN ACCOUNTANCY
BACHELOR OF SCIENCE IN BUSINESS ADMINISTRATION
BACHELOR OF SCIENCE IN BIOLOGICAL ENGINEERING
BACHELOR OF SCIENCE IN BIOLOGICAL ENGINEERING / CHEMICAL ENGINEERING / CHEMISTRY (TRIPLE DEGREE)
BACHELOR OF SCIENCE IN BIOLOGICAL ENGINEERING / CHEMISTRY (DOUBLE DEGREE)
BACHELOR OF SCIENCE IN CHEMISTRY/CHEMICAL ENGINEERING
BACHELOR OF SCIENCE IN CIVIL ENGINEERING
BACHELOR OF SCIENCE IN CHEMICAL ENGINEERING
BACHELOR OF SCIENCE IN CHEMISTRY
BACHELOR OF SCIENCE IN COMPUTER ENGINEERING
BACHELOR OF SCIENCE IN COMPUTER SCIENCE
BACHELOR OF SCIENCE IN ELECTRONICS AND COMMUNICATIONS ENGINEERING
BACHELOR OF SCIENCE IN ELECTRICAL ENGINEERING
BACHELOR OF SCIENCE IN ENGINEERING MANAGEMENT
BACHELOR OF SCIENCE IN ENTREPRENEURSHIP
BACHELOR OF SCIENCE IN ENVIRONMENTAL AND SANITARY ENGINEERING
BACHELOR OF SCIENCE IN GEOLOGICAL SCIENCE AND ENGINEERING
BACHELOR OF SCIENCE IN HOTEL AND RESTAURANT MANAGEMENT
BACHELOR OF SCIENCE IN INDUSTRIAL DESIGN
BACHELOR OF SCIENCE IN INDUSTRIAL ENGINEERING
BACHELOR OF SCIENCE IN INFORMATION TECHNOLOGY
BACHELOR OF SCIENCE IN MULTIMEDIA ARTS AND SCIENCES
BACHELOR OF SCIENCE IN MECHANICAL ENGINEERING
BACHELOR OF SCIENCE IN MANAGEMENT SCIENCE AND ENGINEERING
BACHELOR OF SCIENCE IN MATERIALS SCIENCE AND ENGINEERING
BACHELOR OF ARTS IN PSYCHOLOGY
BACHELOR OF SCIENCE IN PSYCHOLOGY
yung mga naka-bold ang mga pinagpipilian ko. ayos na ako sa MAPUA kaso mukhang inaayawan ako ng course ko. kahit yung second choice kong INTERIOR DESIGN wala sa listahan. iniisip ko nga may di ako nagawa nung exam.
may pinapadrawing kasi yung proctor sa mga examinee. pero wala namang nabanggit sa'kin yung proctor na i-drawing ko yun kaya di ko nadrawing. baka yun yung problema. pero kahit na, baka di ako nakatakdang maging arkitekto. yung exam ko sa UST, inindyan ko pa ee. tsk. nakakainis.
mhm. hindi ko pa rin alam ang kukuhanin ko. babalik na ako dun sa sabado para i-inform yung second choice kong course. ayan. hindi ko talaga alam ang mangyayari sa'kin. nakakainis.
hay. ewan ko ba. bahala na si batman sa'kin. nakakainis.HAHA!HA!HA!
Labels: architecture, grrrr, inis, mapua, shake