Sunday, April 20, 2008
{ 3:06:00 PM }
kung tama ang pagkakaalala ko, sa dyaryo ko unang nabasa ang tungkol sa blog na ito. hindi siya karaniwang blog na madaming abubot at dekorasyon pero kakaiba siya dahil sa mga nalagay dito.
may nakapagsabi sa'kin na ang blog ay isang "online diary" pero sa blog na ito, hindi pang araw-araw na karanasan ng isang tao ang nakalagay ngunit ang mga lihim ng iba't-ibang tao na may iba't-iabang buhay.
matagal ko nang alam ang tungkol dito pero minsan ko lang ito mabisita. gaya ngayon.
isang blog ang PostSecret na tinatag ni Frank Warren noong January 1, 2005. nasabing ito ay isang community project kung saan magpopost ang kahit na sino ng kanilang sikreto sa pamamagitan ng paggawa ng postcards. kailangan lang na sikerto talaga ang sikretong ipapahayag mo sa buong mundo at kailangang wala kang ibang nasabihan. wala silang limitasyong binigay sa mga lihim na dapat maipaskil doon. kahit ano pwede. at wala ka rin dapat ipag-alala dahil hindi mo kailangang sabihin kung sino ka at ano ang paborito mong kulay. ime-mail ata to sa kanila na ipo-post naman nila sa site nila. hindi ko alam ang buong detalye tungkol dito kaya pwede niyong bisitahin ang Wikipedia, the free encyclopedia para sa karagdagang impormasiyon o sa iba pang sites gaya ng yahoo!, google at imeem.
pero alam ko na mga kano lang madalas ang nagpapadala ng postcards sa site na yan. pero well-known daw yan sa buong mundo at alam kong nanalo na yan ng maraming pangaral.
at sa pagbisita ko nga pala kanina, ito ang ilan sa nakatawag ng pansin ko:
yung iba hindi ko lang talaga ma-gets. minsan bano talaga ako sa pag-intindi ng banyagang salitang yon. syempre may mga slang words din sila hindi ko madalas ma-gets.
at kung interesado ka sa PostSecret, click ka lang dito. okay?okay.
ayan. sana may natutunan naman kayo ngayon mga neneng at totoy.
aja!aja!.
Labels: chocoffee-banana shake, lihim, party, white tshirt