nagpakuha kami ng litrato ni j*yce sa bayan para sa application form namin sa papasukan naming unibersidad sa kolehiyo. pero bago kami umalis, dumating pa si mang boy. siya ang official photographer ng HS na pinasukan ko. dala niya ang mga litrato nung graduation at ilan pang iba noon namang JS prom.
at! nakuhanan pala nila yung entrance noong graduation. diba nasabi ko na wala ako nung 'toga sa ulo' o yung cap na kapartner ng toga. haha! ayun, may kopya na ako. ipopost ko dito yun sa ibang araw para makita niyo. haha. nakakainis ang itsura ko.
mhm.
nagpunta na nga kami para magpakuha ng litrato. mabilis din naman ang naging proseso. at napagtripan naming pimunta sa 7-11 pagkatapos.
wala akong dalang pera nun kaya nag hotdog sandwich na lang ako, pinambili ko yung sukli sa pagpapapicture. at bumili si j*yce ng japanese instant noodles na may century egg. nung una nagdadalawang isip pa kami kung bibilhin namin yun kasi mahal at baka hindi namin magustuhan ang lasa. pero binili pa rin namin yun, para sa experience na tinatawag nila.
at! dahil hindi namin maintindihan ang nakasulat doon ginawa na lang namin ang proseso na katulad ng paghahanda ng instant noodles dito sa pinas. pareho lang naman ata yun ee.
ayan. hindi ako ganoong naganahan sa itsura niyan pero ayos lang naman ang lasa. walang espesyal kundi ang century egg na kasama noon at ang napakadaming noodles.
masaya naman ang experience. para lang ding kumain ng pangkaraniwang instant noodles na may itlog at makalat na kasalo.
kaso sayang dahil hindi naman namin naubos yun. andaming noodles, andaming sabaw at busog na kaming pareho kaya nasayang lang yung natira. inubos ko na lang yung noodles. haha.
naalala ko nga pala si sir emboy dito kasi niregaluhan diys ni dan*a ng ganitong noodles din dati pero wala atang century egg. haha. mhm?
:S