<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/883993280880141434?origin\x3dhttps://mahaltayoniemboy.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script><iframe src="//www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=8076742059755845825&amp;blogName=PIECE+OF+HEAVEN&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=BLUE&amp;layoutType=CLASSIC&amp;homepageUrl=http://lov-ebites.blogspot.com/&amp;searchRoot=http://lov-ebites.blogspot.com/search" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>
G is for Gago.

mastermind

GENISSA O. VILLEGAS
(1991-Present)

I am fond of weird people and I like sweet foods. I am a lazy OC and a frustrated artist. I hate roaches and I don't like being left, in which ever situation.
MORE INFOs NEXT UPDATE. XD

Multiply
Friendster
facebook: genissa villegas
email: mismacho@yahoo.com


shouts


Plurk.com



exits

BLOGS
Chiui Chicca Miss Anne BFF Mary Pel and Choey Joyce Danna Kiarra Dadi Joffi Kryk Mikyu Keiti Clarisse Ryan Kit Bathalumanz Ruthe Jeru Bettina Patsy Thea Ayesha Paw Eu Louisa Patricia Gel CrazyWrazy Iway Gail Diandra Gela Kaye Janajee Cza-Cza ChenJireh Tiff K Leyn

WEBSITES
Mikrokosmos KikomachineKomix Electrolychee Jon Burgerman Rolitoboy Smosh Rexbox Keri Smith Bob Ong Francis M Green Pinoy Andy Warhol

RANDOM LINKS
10 ways to infuse your work with your personality by Keri Smith
Drawing Faq by Keri Smith
Kiarra's City
Kiarra's socio blog
Chiui's photoblog
Jennie Castillo Film Cameras

archives
March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 May 2009 December 2009 January 2010 March 2010 December 2010 November 2011

credits
Designer/ %PURPUR.black-
Colour Code Icons



earring

klphotoawards.com







Friday, April 4, 2008 { 3:47:00 PM }

kahapon pumunta ako sa UST, para i-confirm kung kelan ang schedule ng drawing examination ko, at sa MAPUA, para magpasa ng application form para sa exam sa april 8 kasama ang magiting at matindi na si m*.

kala ko nagising ako ng maaga kahapon pero hindi pala. haha. nagmamadali tuloy ako dahil gagahulin na naman kami sa oras pag nagkataon. mabilis din naman akong nakaalis at nang magkita na kami ni manong m* ganito ang naging sitwasyon.

ako: hindi na ako magpapasa sa adamson, mapua na lang daw.
sya: mapua? edi ayos..
(mga ialang minuto ang nakalipas)
sya:kailangan nga pala ng ID sa mapua para sa visitor's pass.
ako: ano?

ayun. nakalimutan kong magdala ng ID. haha. tinamaan ka ng magaling. bumalik kami sa bahay nila para sa ID niya at sa bahay ko para sa ID ko. nasayang ang mahigit 45minutes namin dahil sa ID na yan. kung nakasakay na kami ng bus baka malayo-layo na ang nararating namin.

at ang matindi pa, iba na ang routa ng bus na nasakyan namin. hindi na lawton, vito cruz na. hindi ko man alam kung anong pinagkaiba noon pero noong nakadating na kami doon alam ko na ang hirap. kumain muna kami bago sumabak sa laban. mahaba-haba din ang nilakad namin, ilang jeep din ang sinakyan bago kami nakadating sa UST. buti lunchbreak pa, nakapahinga pa kami pero ayoko ding naghihintay, nababagot ako.

may dalawa akong nakilalang babae sa pila. yung isa si n*kka, yung isa si n*kki. nagkakakilala sila sa pila at alam ko pareho din silang taga-cavite. binigay pa sa'kin ni n*kki yung e-mail add at cell# niya. madaldal sya pero nabagot pa rin ako sa pila.

mga ilang minuto ang nakalipas pinaakyat na kami para sa confirmation. may isang panel ng mga estudyante doon na magbibigay ng instructions tungkol sa nalalapit na drawing examination. hindi na pa pala kailangan ang good moral chuva na yon nagastusan pa ako. pinababalik nila ako sa august 8 ng umaga para sa exam na yun. pagkatapos ng ilang instructions, pinalapit kami sa harap para ibigay ang test permit namin at waiver. tapos, pinaalis na kami.

pagkababa ko ng building na yon, umalis na agad kami para naman pumunta sa MAPUA. mahaba din ang byahe namin, mausok at mainit. kadiri na talaga ang mga itsura namin eh, kung dala ko lang ang camera ko nun, maiipakita ko ang naidulot sa'min ng araw na iyon.

pagdating namin sa MAPUA, mabilis din naman akong nkapagpasa ng form. at ang exam sa 8 din. maghapon pa. 10:00-11:30 am tapos 1:00-4:00 pm. matindi talaga. at hindi na ako makaka-attend sa exam ko sa UST dahil sakop na ng MAPUA lahat ng oras ko. isa pa, MAPUA na ang target ko ngayon, ipagdasal mo na lang ako na makapasa ako. makapasa ako. makapasa ako. ako. ako. ako.

pagkatapos sa MAPUA, pupunta naman kami sa MADOCS. sasamahan ko naman si m* doon. pero sarado na ang admin nila kaya dumaretso na lang kami sa MOA. grabe ang byaheng to. ngarag na ngarag na talaga ako. tapos ang usok-usok pa. di ko tuloy maisip kung anong magiging itsura ko pag nag-college na ako. haha.

pagdating namin sa MOA, naikot-ikot muna kami. tapos kumain kami habang naghihintay ng bakante sa courtside. maglalaro kami ng naruto. matagal din yung hinintay namin. pero nakalaro din a kami. enjoy naman. at pagod. hay. amboring ata ng post na ito aa. sa pagod ata na naramdaman ko nung pauwi na kami. bagsak ang katawan ko.

at ang pinaka-exciting nga pala na nangyari nung araw na yun ay nung namalayan na lang naming ubos na ang pera namin. pang-pamasahe na lang ang natira. hindi kasya kung magba-van kami na daretso noveleta kaya naisipan naming mag-saulog. nilakad namin mula MOA hanggang baclaran. para tipid na din, adventure at ubos oras. dahil kung maaga kaming makakauwi ay magco-domputer pa ang magiting at matindi na si m*. nagawa na anaman naming maglakad mula moa hanggang baclaran dati, kasama pa namin sina p*trick.

ayun. dumoble ang pagod. lalo pang sumakit ang paa ko, tapos nakatayo pa kami sa nasakyan naming bus. lintik. pero nakaupo rin ako nung nasa bacoor na kami dahil sa isang lalaking nagmagandang loob para paupuin ako. mga ilang tao pa ang bumaba, nakaupo na rin si m* at nakauwi na kami sa bahay namin dahil hinatid niya pa ako.

ayun. ayos naman. sana maayos at makapas ako sa exam ko sa 8.
magandang balita nga pala, nagkasakit ako pagkauwi. dulot sa matinding pagod ata. hanngang ngayon masakit pa rin ang lalamunan ko at mainit ang pakiramdam..woo.hay.



i'm sick and tired..
of being sick and tired.
-stephen olaes


Labels: , ,