Saturday, March 29, 2008
{ 9:27:00 AM }
ayan. madami kasing nagtatanong ng url ng blog ko, nakalimutan ko na naman at yung iba mga kaabnuyan lang. kaya gumawa ulit ako nito. AT pipilitin kong gamitin to at hindi na muling gumawa pa ng panibago. haha.sabi ng bata "tayo ay tao!"graduation na nga pala bukas. parang kahapon lang elementary palang ako. madungis pa. haha.pero nakakainis lang ngayon kasi ngayon ko palang nararamdaman ang spirit ng bonding namin.. lalo na ngayon, ng batch namin. sad to say, paalis na kami dito para sa makatunaw-damdamin na pressure sa kolehiyo. pero di naman siguro ganun kahirap dun kasi parang may night life pa din yung mga kakilala kong nandun na. may gimik at lakwatsa pa. siguro.mahirap dito, di ko pa rin alam ang papasukan kong unibersidad. ilang buwan na lang pasukan na naman. mamumulibi ata kami sa pinili kong kurso. pero may nahanap naman ako na mababa lang tung tuition fee.. ata. kukuha na lang ako dun ng exam.teka.balik sa simula."highschool life, oh my highschool life blah-blah-blah"alam ko dati kinakabahan din ako sa eskwelahan ko ngayon. kasi:-wala akong kakilala-malayo sa lugar na alam ko-pribado. baka mangkukulam mga tao dunpero wala akong nagaw. pera naman ng magulang ko ang malulustay kaya ayos na din naman.mainit naman ang pagtanggap nila sa akin noong araw na yon. basta naalala ko lang may isang babaeng nangungulit noon sa'kin. estudyante din sya dun, kaklase ko. may salamin at mahilig maglagay ng glitters sa mata.natatakot pa nga ako sa kanya noon kasi baka pinaplastik lang ako. kadiri kasing pagmumukha kulang na lang harrasin ako. hahapero isa siya sa mga naging matalik kong kaibigan ngayon. ang isa pa, tuleg yon. pinagmamalaki pa nga niya e.g:kia**a..k:(sige lang sa pagsulat)g:kia**a...k:(sulat pa din)g:kia**a.k:(sulat pa din.nagkamot pa ng ulo)g:kia**a!!k:(tumayo. nagtapon ng papel sa basurahan)repeat 5 times then fade.masaya naman ang unang taon ko sa paaralang yon. pero habang tumatagal, pahihirap nang pahirap. patindi nangpatindi. isama mo pa yung mga hinanaing ko don. kung pwede ko lang silang bulyawan at ipakita kung gaano kaganda ang eskwelahan nila. kung magagawa ko. at marami din naman akong natutunan sa apat na taon kong paglabas-pasok sa lugar na yon.SOHCAHTOAA'+A=1mean deviationhuman anatomy ang physiologyBohemian Rhapsodybulbits.malaki rin ang utang na loob ko sa mga taong tumulong sa'kin na maging ganito-kung ano ako ngayon. at sa pagmulat sa katotohanang bobo rin ang mga matatanda-sir emboy. salamat.salamat.salamat.maraming nabuo sa yugto ng buhay kong ito. tagyawat, love triangle, selosan, tropa, at pag-ibig sa bawat isa. kung pwede lang naming ulitin ang lahat para sa lahat ng kantyawan, biruan, tawanan, iyakan, kwentuhan at ganabang-an.pero alam ko ding ang pagtatapos na ito ay simula pa lamang ng aming kalbaryo patungo sa paghahanda para sa makulay na buhay na aming tatahakin pang habang buhay. o kahit sepia o black ang white pa man yung sa iba ganun pa din yun. ang mahalaga lang naman ay ang nasimulan naming tatag, determinsyon at tapang na aming hinuhulma para sa ikakasagana ng marami at sa pagtatatag ng bukas na kami lang ang may hawak.teka. di na ako makadaloy sa agos ng aking isipan. masyado ata akong naexcite sa pagpopost. haha.ganunpaman, ang hayskul na ang masasabi kong pinaka da best! na yugto ng buhay ko. dahil ito pa lang naman ang natatamasa ko sa ngayon. haha.highschool is not as easy as 1-2-3but it's fun as learning A-B-C-MACHOman!Labels: hayskul.blog.