yan ang sketch ng adventure namin. intindihin niyo na lang. :D
well. hindi ko alam kung naliligaw na kami o ano pero pinaubaya ko na lang lahat kay mj. at
hinihintay ko pa talagang maligaw kami para MAS exciting diba. haha. pero tama si mj at hindi kami naligaw, nalito lang siya.
matagal din at malayo talaga ang nalakad namin. susuko na dapat yun si mj kaso mukhang na-excite na siya nung nakita na niya ang higanteng birhen ng manaoag. at ayun, pumunta kami. hanep.
andaming tao. parang may field trip. pero naka-kotse. haha. ayun. ayos. ang GANDA eh. kaso ang dami lang tao, hindi namin masyadong nasulit ang sandali. saglit lang kami doon, sumilip din saglit sa picnic grove(di ko alam i-spell) at balik na ulit kami sa paglalakad.
malayo na ang nalakad namin. may sandaling puro puno na lang ang nakikita namin, meron namang puro bahay, tindahan ng pinya at walang katapusang ROOMS FOR RENT pero wlan pa rin ang retreat house. tsk! suko na si mj, sabi niya sa susunod na kanto at hindi pa din namin nakikita yun, sasakay na kami ng jeep pabalik sa bayan. pero dahil mabait din naman ang kapalaran paminsan-minsan, ay ang sumunod na kantong yun ay ang daan papuntang st.scho! hanep. sa wakas, konti na lang.
di kalayuan mula sa hi-way ang retreat house at nang makita na namin ang st.scho, nakita ko na ring namumuo ang kagalakan sa mukha ng kasama ko.
bumili ng rosaryo doon at masilayan lang saglit ang lugar-- yan ang alam kong sadya namin sa tagaytay bukod sa buko pie at mushroomburger(?). pero, dahil hindi naman talaga ganoon kabait ang tadhana, SARADO ang lugar. mhm. hindi naman talaga sarado dahil may nakita kaming tatlong babae sa loob.
mga kabataan, parang tipong di sila namamasukan doon dahil sa suot nila. naisip ko, baka may mga nagreretreat doon ng mga sandaling iyon. pero ayaw nang pumasok ni mj, kahit may nakita kaming door bell doon at sekyu. di siya lumapit,
nahihiya daw siya. siguro, sapat na sa kanyang nakapunta kami doon kahit sa labas lang kesa sa wala.
saglit lang din kami doon, tapos sumibat na din agad.
sumakay na kami ng jeep pabalik ng bayan,
syempre. AT, ang nakakaloko ay ang humigit-kumulang na isang oras naming paglalakad ay 10-minute drive lang pala. o mas mababa pa. HANEP. malapit nga lang.
so, ayun na ang adventure namin. PRUWEBA? wala kaming pruweba. hanep. dahil naiwan ko yung memory card ng camera ko kaya hindi kami nakapag-picture. ni isa. ARAY talaga.
alam ko nabadtrip siya dahil doon, alam ko kasing sobrang excited non e. haha. hanep. nagflashback tuloy sa'kin yung binitawan kong salita noong huling bes na ayaw niyang magpapicture kasama ako. "pagsisisihan mo na di ka nagpapicture sa'kin. pagsisisihan mo talaga yan, mj."
di ko lam kung nagkataon lang o kinataon talaga. pero buti't naging masaya pa rin ang lahat. napunta kaming SM bacoor noong hapon kasama sina joyce, nico, joffi at nyxon. manunuod dapat kami ng one night only pero nauwi na lang kami sa paglalaro ng tekken at pagbili ng sale na tshirt. SAYA!
GENISSA AND MJ SA TAGAYTAY CITY: part twokelan? sa retreat ng kapatid ko sa st. scho. at sana, may pruweba na
.haha!
HAPPY NEW YEAR SA LAHAT!:D