Tuesday, November 11, 2008
{ 11:34:00 PM }
HAHA!nakabalik na ulit ako dito ah!well. wala naman magandang nangyari. kundi nagka-trabaho na ang papa ko pero pagkalipas na wala pang dalawang araw sa trabaho niya ay umuwi na agad siya dito sa cavite.ilang buwan na ang nakakaraan nang una kong marinig mula sa ama ko na at last! may trabaho na ulit siya. ang problema nga lang ay ang pagttrabahuhan niya dahil sa rizal pa daw yun, stay in siya. once a month lang ang uwian.hm. nung una, syempre masaya kami kaso nga lang dahil sa distansiya at sa dalang na makikita namin siya, nalungkot din naman kami. pero kailangan pa rin niyang i-grab ang opportunity na yon dahil kailangan talaga. at malaki din naman ang nasabing sweldo.noong linggo, nov.9, ng umaga umalis si papa patungo sa rizal, sa bago niya tutuluyan. nakakalungkot talaga dahil hindi na kami magkakakita ulit ng madalas. at kahit hindi kami ganoon ka-close, nakakalungkot lang talaga.pero noong lunes, nov.10, ng gabi ay umuwi rin siya kaagad. halos wala pang dalawang araw siyang nalalagi doon pero sumuko na siya kaagad.sabihin na nating di maganda ang kondisyon na dinatnan niya doon. at kahit pa malaki sa pandinig ang nasabing sweldo, ay kung kukwnetahin mo ay talagang lugi si papa. medyo may trace ng abuse dito kung titignang mabuti. kaya't hindi na rin pinatagal ni papa ang pamamalagi doon. hindi ko na rin babanggitin dito ang mga eksaktong mga detalye ukol sa insidentenf nangyari.kala namin ito na ang biyaya na matalaga na naming hinihintay pero hindi pa pala. siguro, may gusto lang ipakita samin ang diyos kaya ito nangyari. at naniniwala ako na may mas maganda pang offer kay papa kaya hindi ito ang para sa kanya. Labels: bagyo, chiui's new site, monthsary