Monday, September 1, 2008
{ 7:40:00 AM }
TEKA.nagloloko na naman itong computer namin. tsk. nako ang hirap. naipon na kasi lahat ng gusto kong ikwento dito at sa inyo. haha. kaya ihanda na ang inumin at barkada dahil mahaaaaba ang ating talakayan.simulan natin nung sabado.mhm. nakapag-computer pa ako nun ee. kaso nung balak ko nang mag-post eh bigla na lang nagloko itong computer namin. nag-bloghop lang ako nun at nag-ayos-ayos ng mga dapat ayusin. at nakita ko ang site ng electrolychee!!! hanep. ang galing. basta. puntahan mo na lang ang site nila dito nang makita mo ang dahilan ng pagkamangha ko. isa akong trying-hard na gustong mapabilang sa larangan ng sining. frustrated artist. binabalak ko nga mag fine arts na lang kaso magastos na, mahirap din ang kumita, sabi nila. kaya mas pinili ko ang architecture. pero mas nangibabaw sa'kin ang lalo pang pagkahumaling sa sining ng makita ko ang mga gawa ng electrolychee. NA-INSPIRE AKO. at sa sobrang pagka-inspire ko, trying hard din na gumawa ako ng 'soft sculptures'/plush toys na binase ko sa lychee ninjas nila. pero syempre sarili kong disenyo at diskarte sa paggawa. at eto ang kinalabasan:
TADA!:D ako yan. mahaba din ang bangs ee.hangang hanga talaga ako sa kinalabasan ng ginawa kong 'to. dahil 1) nagustuhan ko ang itsure at 2) nagawa ko naman ng maayos. matagal na kasi akong nag-attempt na gumawa ng stuffed toy kaso laging masagwa ang resulta at madalas lang akong nadidismaya. at kahit hindi naman ganoon natuwa ang mga tao dito sa bahay namin sa nagawa kong ito ay naappreciate naman ito nina kiarra at cheewee kaya solb na din ako.:D
at salamat nga pala kay kiarra para sa PANTY SANDWICH na pasalubong niya sa'kin na inamag na dahil lagi niyang nakakalimutan ibigay sa'kin. HAHA. at nakakainis dahil hinihingi na nanay ko yung isang panty na ang theme ay parang pan-chinese new year. suswertehin kaya ako pag sinuot ko yun?----------------------------------------------------------------------------------at para sa sad news, noong sabado lang ay namayapa na ang lola ko, si lola estella. actually, lola ng papa ko yun. at nabalitaan ko bago pa mangyari ang masamang balita ay naghihingalo na siya. pinapauwi pa nga yung lola ko, lola susie(nanay ni papa) na nasa bulacan para makita siya ni lola estella kahit sa huling saglit.pero hindi na nakahabol si lola susie at hindi na rin nakapaghintay si lola estella. kanina nga ay pumunta ako sa lamay niya. pero hindi ko nakita ang mukha niya. saglit lang kaming pumunta. babalik na lang daw kami bukas dahil makakauwi na dito si lola susie. kung nasan man si lola estella ngayon ay sana'y masaya't mapayapa na ang kaluluwa niya. alam kong mabuti ang magiging kalagayan niya ngayon. malayo sa kahirapang dinanas niya dito.-----------------------------------------------------------
*nagawa ko na nga pala yung plush toy para kay cheewee at yung kay kate annie, hindi kay kiarra. DAHIL. ang hirap gayahin nung buhok ni kiarra. di ko alam kung paano gagawin ng di masagwa ang kakalabasan kaya pag-iisipan ko muna yung itsura.
sa ngayon, busy ako sa paggawa nung para kay faith at czarina. malapit na rin ngang matapos yun eh. konting tahi na lang. balak ko kasing gawan ang buong tropa ng ganoon bilang christmas gift. dahil malapit na nga ang pasko, septemBER na ngayon, ilang tulog na lang. at isa pa, no bidget ako ngayon kaya eto na lang ireregalo ko sa kanila. ABA! special ata yun at ako pa ang gumawa.
at naiisip ko rin na gumawa ng maraming marami pa nun para ibenta kahit para pang-load ko lang. sabi nga ni kiarra magbebenta daw siya nun sa UP-D. haha. pero DAPAT ko munang ayusin pa ang paggawa at pananahi ko para di naman dyahe sa bebentahan.
nagbabalak din ako mag-setup ng page para doon. pag nakagawa na ako ng marami siguro, ipo-post ko na lang dito.
MISMACHO nga pala yung nakalagay na patch dun sa likod nung manika, in case na di mo maintindihan. pag pinapabasa ko kasi yun sa iba sinasabi nila 'mismocho' daw. o kaya 'mismach' lang. di kasi halata yung 'o' sa dulo sa liit. ngongeks kasi ako nung ginawa ko yun.
ipo-post ko na lang dito sa susunod yung mga picture ng iba pang nagawa/magagawa ko. :)
please support mismacho. support pinoy. hanep. english.
mag-iwan na lang po kayo sa 'words of encouragement' sa cBox o mag-comment kayo para sa paggawa ko ng mga 'makabuluhang' bagay na ito. kahit alam ko naman si cheewee lang makakabasa nito. TSK!
Labels: 3 weeks, biscuit, panty sandwich, pleassseee, plush toys, power supply