Thursday, August 28, 2008
{ 5:31:00 PM }
aba. maaga ulit akong nagising ngayon(8:00). pero wala naman akong binabalak na gawin. bigla lang kasi ako nagutom kaya ako napabangon. ang saya pa naman ng panaginip ko. HAHA. pinagsampay na lang ako ng tita ko sa bubong. at doon muli kong nasilayan ang pinakagusto kong yugto ng araw-ang umaga.
actually, yung sinag ng araw sa umaga ang trip ko talaga. kakabiba kasi yung feeling pag nasisinagan ako nito. parang ang gaan sa pakiramdam. nakakawala ng pagod at problema. napaka-refreshing sa pakiramdam. lalo na siguro kung mga bandang alas-syiete. medyo masakit na kasi sa balat yun sa mga ganitong oras(8:00).
matagal na din akong di nasisinagan ng araw. gustong-gusto ko talaga yun, lala na pag napasok ako sa umaga. madalas kasi late na ako kaya mataas na ang araw. at ngayon naman tanghali na ako magising. masakit na talaga sa balat ang sinag ng araw. lalo na pag mga bandang alas-dos. HANEP. kaya pag pumasok na ako ulet, araw-araw ko nang mae-enjoy yon.:D
Labels: journal, keri smith, sinag ng araw, utak
{ 1:01:00 AM }
maaga akong nagising ngayon(8:34 am) kaysa nakasanayan ko(10:52 am). pero dahil hilo pa ako ng mga oras na yon, nakatulog ulit ako at nagising ng 9:12 am. pero mas maaga pa rin. :D ayos!binalak ko kasi kagabi na ayusin ang mga nagkalat kong gamit sa kwarto ng ama't ina ko kung saan ako dati ang gumamit. pero dahil nga sa mga bagay na di inaasahang mangyari, lumipat ako sa kwarto ng tiya ko at naki-share. pero makalipas ang isang buwan bago ko pa naisipang ayusin yung mga gamit ko. haha. hanep. pero buti kahit papano tinupad ko yung mga gusto kong mangyari.pero ganon pa man, hindi pa rin natapos ang nasabing gawain. dinumpong na naman ako ng katamaran ng isa-isang nagsidatingan ang mga nakiusyoso sa mga gamit ko-nanay ko at dalawang pang pinsan. pero nahakot ko na naman ang iba sa mga kagamitan ko kaya solb na rin. :DPlano kong makapagtapos ng pag-aaral at makapunta sa ibang bansa. Nais kong makapagtrabaho sa isang malaking kumpanya at mabigay sa aking pamilya ang lahat ng kanilang panganga-ilangan. Tutulungan ko ang aking mga magulang.Pipilitin kong maging isang mabuting ate, anak at kaibigan sa akng pamilya, gayon na rin sa bayan. -Joyce Dianne de Guzman, freshman Pol.Sci.,UP-D(nakuha ko lang yan kanina nung nagllinis ako ng gamit ko. nakasingit sa mga notebook ko.)nakaranasan mo na bang pasulatin ng ganito ng guro mo? yung ikukwento o isasalaysay mo kung ano ang pangarap mo sa buhay at kung anu-ano ang plano mo maging. alam ko madalas kami pasulatin nito kahit noong nasa elementarya pa lamang ako. at paulit-ulit lang naman din yung sinasabi ko, nag-iiba lang siguro yung form ng sulat at tumatama na ang grammar. pero ang punto, iisa lang naman. gusto ko ding makapagtapos ng pag-aaral at makatulong sa magulang ko. gusto kong makapagpatayo ng iba't-iba establisyimento, istraktura at negosyo. marami akong pangarap para sa pamilya ko at sa magiging pamilya ko sa hinaharap. ganun lang kasimple ang gusto ko. pero pag pinasulat yan sayo, syempre hindi pwedeng ganyan lang yan. kailangan palawakin mo pa at ipaliwanag nang mabuti ang bawat detalye kung ano ang gusto mo at kung paano mo yon kukuhanin. para na rin iyon sa ikatutuwa ng teacher mo dahil ayaw nila ng maikli, masyado daw plain. pero hwag naman ding OA sa haba, masyado namang madamdamin. naalala ko tuloy yung kaklase ko dati na hitik kung magsulat ng essay. sobrang haba na magsulat, sobrang lalim pa ng mga gamit niyang salita. HANEP! isang bes pa nung exam namin, 3-page essay ang naisulat niya. di ko alam kung ganoon lang talaga siya o nawili lang siya magsulat nang magsulat. pero hindi ko rin naman sigurado kung tama nga yung nakita ko o sabog lang ako nung mga oras na yon. HA!basta husayan mo na lang ang pag-aaral at tuparin ang iyong mga panagarap!082408-4:44 PMLabels: linis agenda, marjorie, pangarap
Wednesday, August 27, 2008
{ 2:39:00 AM }
haha. hanep. binago ko lang naman yung mga kulay at fonts nung dati kong template ee. haha. at gumawa na din ako ng picture para sa titulo(title). hahaha. nadudungisan pa nga ako sa itsura nito ee. pero sabi ni chiui ee HOT naman daw yung kulay kaya solb na din ako! :Dsana sa susunod magawa ko na yung pangarap kong layout. nakakabobo talaga ang HTML. haha. di talaga fit sa'kin ang mga computer languages. dahil kahit ano dun sa mga inaral namin nung HS ay di ko na maalala kung paano. hahaha. tapos sabi ng tatay ko mag CoE na nga lang ako ee. haha. baka di pa ako mag-graduate pag yon kinuha ko.pero malaki pa rin ang pangarap kong maintindihan ang HTML. at anu ba yung CSS? parang HTML din ba yon? at anong magagawa sa pagkalito ko? mababawasan ba nun ito o lalo pang magpapagulo?HANEP. nakakaihi na dito.ba-bye!♥♥♥082708-5:48PMLabels: asul at dilaw, bananaque, layout, pati pala pula, SHUT UP
Sunday, August 24, 2008
{ 5:22:00 AM }
hanep. nape-pressure ako na andito lang ako sa bahay. walang ginawa. puro kain, tulog, nuod ng telebisyion, puro internet. at anong mapapanasin mo: tamad ako. haha. tama. ako nga ay isang juan na tamad. juan tamad.kahit madaming pinag-uutos sa'kin dito sa bahay, nagingibabaw pa rin yung katamaran ko. SLOTH. isang malaking kasalanan sa diyos. at yan marahil ang dahilan kung bakit ako napaparusahan ng ganito. nakakakonsensiya man nakakatamad pa rin kumilos. pero naisip ko na pag nakapag-aral na ako ulet, mag-aapply ako ng scholarship.TAMA.gusto kong maging iskolar. pero syempre naisip ko lang yan dahil adik ako. pero malaking bagay din yan para makatulong sa mga magulang ko diba. tama?at ayon na nga. umaasa akong sa mga susunod na mga araw ay magiging isa akong mabuting bata na hahangaan ng sanlibutan at yayaman at sisikat! kadiri kasi ee. nakakapurga na talaga dito. oh please. pray for me. ♥mismacho♥♥♥082408-8:24PMLabels: bananaque, cBox, hanep, iskolar
Saturday, August 23, 2008
{ 9:29:00 PM }
geaba.aba.aba.nakabalik na ulet ako dito aa. hanep ang galing!matagal-tagal na din yung huloing post ko aa. haha. hanep talaga. na-miss ko mag-type dito at mag-post. ang saya!at para sa mga masugid kong mambabasa, kung meron man, eto na ang updates ko sa buhay ko ko, kamangmangan at kaewan-an.HAHA.UNA.napagiba na ang kubo ni kuya. kung alam mo man kung anong establisyimento iyon.at ayon na nga. linisan na naman ang lugar na yon at limikas sa bahay ka kabilang kalsada-bahay namin. at wala na ang kubo. wala na ang aso namin. wala na ang banyong walang bubong at manok na nangangarate.PANGALAWA.andito pa rin ako sa bahay. bakasyon grande. grabe. nakakauta ang feeling. nakakapanis, nakakapraning, nakakaloko at nakaka-'high'. yung tipong natatawa na lang mag-isa. haha. hanep.PANGATLO.mukhang wala na yung virus ng computer namin pero may traces pa din niya. mhm. na-gets mo ba? haha. at namamatay-matay pa rin dahil may diperensiya sa power supply. nako. pag yumaman talaga ako bibili ako ng sangkatutak na power supply. lage kasi yun yung sira ng computer namin. hanep. pero nagagamit ko na siya ngayon at iyon ang maganda! hindi ko na kailangang mag-renta ng computer sa computer shop sa bayan para lang mag-update ng profile sa friendster. konting tiyaga lang talaga ang puhunan. tiyaga.PANG-APAT.at hanep! nakapag-bonding na ulit ang bathalumanz. haha. dati kasi madalas kaming tatlo lang no kia**a at joy** ee. pero madalas kaming dalawa lang talaga ni kia**a. haha. buti ngayon nakasama na ulit namin si chee***! ansaya! si kate na lang ang kulang buong-buo na talaga ang tropa. ansaya-saya! *tulo-luha*maraming beses ko na in-attempt na baguhin ang layout nitong blog ko. pero nabobo pa rin ako sa paghahanap ng codes. at gusto ko kasi ako ang gagawa. akin ang konsepto at ang ideya. wala kasing mag-match sa gusto sa mga nakikita ko. pero basic na HTML lang ang kaya ko. kaya kung may alam kang code editor para sa blog layouts paki-send naman sa'kin ang url. nagmamakaawa ako. pleasssse? HAHAHA. hanep.para sa mga reklamo, suhestiyon at mga kung anu-ano pang kababalaghan na naiisip niyo ngayon, pakilagay na lang sa cBox o sa mga komento ko. kahit trip lang, kahit para looking-cool lang. HAHA. OK?mismacho♥♥♥082408-1:32PMLabels: asul at dilaw, dugo, litratos, sapin-sapin