Saturday, June 28, 2008
{ 4:56:00 PM }
wow. haha. matagal-tagal-tagal din akong hindi nakapag-type dito aa.
na-miss ko talaga to. at dahil yun sa sinapian naming computer na ngayon ay pumanaw na. matatagalan pa ang muli niyang pagkabuhay. tsktsk.
PERO.meron pa namang mga computer na gaya ng ginagamit ko ngayon na pwedeng rentahan para magamit ng publiko.kaya ayos na din habang wala pang recovery ang nasabi naming computer.
KASO. ang problema ay hindi naman ako madalas payagan ng aking butihing magulang na magpunta sa mga shop na nag-aalok ng pampublikong serbisyo gaya nito dahil madalas mga kalalakihan ang mga namamalagi sa mga ganitong lugar. at dahilan na rin sa kakapusan ng pera ko ngayon lalo pa't marami akong kailangang tustusan na mas mahalaga pa rito. halimbawa: milo.
SUBALIT nagpapasalamat pa rin ako't nabigyan muli ako ng ganitong pagkakataon upang ipamahagi sa inyong lahat ang aking saloobin.
nakatakas kasi ako kina papa. hahahaha, /ggAT. tayo'y magsaya! tayo'y magsaya! yeh! hahaha.
marami rin akong hindi nakwento sa mga masugid kong mambabasa kung meron man. pero hindi ko rin naman lahat ikukwento yun dahil masyado pang mahaba.
AT.AT. eto lang naman yung ilan sa mga nais kong ibahagi sa inyo.
1. sa ngayon, HINDI ako nag-aaral ng kolehiyo dahil sa isang matinding problema. at alam kong alam mo na rin yun kaya't hindi ko na babanggitin pa.
2. umuwi ang ninang ko at ang kanyang pamilya galing australia noong nakaraang buwan kaya't naging busy rin ang aking buhay sa mga sandaling iyon. at binigyan niya ako ng sapatos bilang 'graduation gift'.
3. mas humaba ang bangs ko at mas lumago. mhm. isipin mo na lang. haha.
4. blahblahblah
5. nagkaroon na ako ng kopya ng KIKOMACHINE KOMIX blg.4! asteeg.
6. wala na akong maalala
7. kaya yun na lang muna
HAHA. nadidistract din kasi ako sa mga tao at sa mga katabi ko dito sa computer shop kaya hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko.
HAY. ano bang tagalog ng concentrate!!!?
SAMANTALA.yun lang muna ang maikukwento ko sa ngayon. at salamat rin pala sa mga dumadalaw dito kahit pasulyap-sulyap lang. mabuhay ka!
Labels: compshop, LBM, orange nails, panic