bloghopping! dahil hindi ako makagala, isang paraan na ang internet para makatakas ako sa mundo kong kasalukayang malamya. sa pamamagitan ng pagbloghop o bloghopp, nakakagala ako sa iba't-ibang mundo ng mga tao. may makulay, may madilim, may maingay at may pipi.
bloghopping! nakikita ko dito ang iba't-ibang personalidad ng mga kabataang kagaya ko na libang sa ganitong mabusising gawain. at! hindi lang yon. nakakatuwa din dahil nakakakuha ako ng mga ideas sa kanila. gaya sa.. mhm. ART!
mahilig akong gumuhit at mahal ko ang sining na alam ko pero tila yata hirap ako pagdating sa mga design. magulo kasi ang utak ko. madami akong gustong gawin at pipilitin ko yung pagsamasamahin. halimbawa na lang yung ginawa kong picture para sa header nitong blog ko. yan. yun nasa itaas. mhm. baka yun na nga talaga ako-magulo. pero nasanay na din naman ako dito. nakakaasar lang talaga yung pag nakakita ng magandang gawain sa iba. o kaya ibang disenyo at ssabihin mo tuloy sa sarili mo: "bakit hindi ko naisip yun?!". hah! ganyan ako lagi. madalas. nakakainis naman kung manggagaya ka dahil wala ka namang 'originality' pag ganon. ganon. pwede ka pang kasuhan ng 'plagiarism'.
teka.teka. hindi ko makuha yung punto ng blog entry na ito. haha.
hay. hinahanap na ata talaga ng katawan ko yung paggala.
na parang nung makalawa lang naman ako nakaalis n bahay ee.
hindi na talaga ako sanay na nananatili ng mahabang oras sa
bahay o dun sa tindahan namin. aaa!!
*bloghopping!*
heto na lang yung ilang pictures ng batang hinahabol namin sa elementary.
JUSTIN ang pangalan niya. nakatira siya malapit sa bahay nila kia**a. pinsan niya yung batchmate ko na si m*riel. bukod dyan, wala na akong iba pang alam sa kanya. ayun! matabil yan. haha.
si kia**a ang nagpakilala sa'kin kay justin. mahiyaing bata yan, kaya naman lagi siyang natakbo pag naaabutan namin yan sa lobby ng building namin. di sya nagsasalita, pag kami ang kaharap. at naphobia ata yan samin dahil lagi namin siyang hinhabol, kaya pagnakita na niya kami ay automatik na yang lalayo. haha. tsaka weirdo yan. parang si sir emboy. tsk.
*nakuha ko nga pala yung mga litratong yan kay r*the. nasa kanya kasi yung USB ni m*riel. haha.woo.
kitams. magulo ako diba?
haha.cge, ciao!
ps. may poll nga pala ako. haha.
sagutan niyo na lang!oke.oke?