Tuesday, April 8, 2008
{ 11:26:00 PM }
magaling! magaling!eto. galing akong MAPUA at maayos naman ang lahat. pero syempre may mga bagay pa ring di inaasahan na di nangyari. pero di rin naman ganoon ka-disaster. ayos naman, parang disaster lang. hahaha.usapan namin ng magiting at matinding si m* magkikita kami ng 7 ngayong umaga. pero dahil sa puyat ako sa mga kagat na lamok, lamig ng panahon, at kalikutan ng katabi kong si cybill ay tinanghali ako ng gising. pero mabilis din naman ako nakaligo at nakapag-ayos.ayun. paalis na ko dapat pero pinilit pa ako ni mama at papa na kumain ng almusal. kasi, kasama na sa morning routine ko ang di kumain ng agahan. sanay na rin naman ang katawan ko dahil pag kumain na ako ng maaga, nagkakaroon ng di inaasahan at di kaaya-ayang pangyayari. basta, ganun yun. pero sapilitan akong pinakain kaya kumain na akong ng kaunti para wala na silang masabi. haha. ayan, sinayawan pa nila ako ng 'pearly shell'. minsan di ko alam kung bakit ganito ang buhay. haha. at ayun na nga, nakaalis na ako. pero. pero. alas-otso pasado na rin kami nagkita ni manong m*. sira ang plano. sirang-sira. pero di ko rin naman masisisi sina mama dahil baka itinakda ng tadhana na ma-late talaga ako. ganyan talaga ang buhay. ..tapos dun sa sakayan ng bus naman matindi-tindi din ang nangyari. puno yung unang bus na dumating. di na talaga makakasingit kahit tumayo pa kami. kaya naghintay kami ng kaonti. yung sumunod na bus, olonggapo naman. sabi ni manong di kami pede dun pero sabi ng nanay ko pede daw. ewan.ewan. tapos naghintay pa ulit kami ng kaonti. may dumating naman na FX, lawton ang biyahe. sakto! kaso, puno naman. kaya, naghintay pa kami ng kaonti pa. at ayun! may dumating din na bus. kaso madaming nauna. kala ko tatayo pa kami. pero sa awa naman ng diyos, kami pa yung huling nakaupo sa likod. yung tatlong natira nakatayo.ayos. nakasakay na kami at nakaalis na rin ang bus. payapa na ako dahil komportable naman ako. pero. di pa pala. dahil alas-dyis yung exam ko. pero alas-nuebe na, nasa cavite pa rin ako. kulang ang isang oras. inabot pa ng katakot-takot na trapik. at 9:30, nasa toll gate pa lang kami mga neneng at totoy. mukhang di na talaga ako aabot. ayoko pa naman ng nahuhuli kahit madalas din akong nalelate dati sa mga klase ko. ayoko talaga ng nahuhuli. lalo na ngayon, exam ko pa yun. pero wala na rin naman talaga akong magagawa. kesa magmukmok akong mukhang ewan, dinaan ko na lang ang lahat sa tulog. ngayon pagod at puyat talaga ako. di katulad dati na trip-trip lang ang tulog, ngayon pilit talagang pumipikit ang aking mga mata. pero wala namang kwenta to kaya dapat di ko na dapat kikukwento to. sunod..lampas 10 na nung bumaba kami. alam ko. haha. ayun, late na talaga ako. kaya sabi ni manong baka magpa-resked ako ng exam. ayun, yun na lang ang solusyon sa problema. pagkadating namin dun, kinakabahan ako. baka kasi bawal ipa-resked. di pa ako makapag-exam. pero pinaakyat na lang nila kami sa fourth floor kung saan naganap ang eksaminsayon. ayun, umakyat ako at pumasok sa room na tinuro sa'kin. ayun! pwede pang mag-exam! aaa yes!! haha! astig eh. pero nakakahiya yun aa. eksena pa akong matindi. halos isang oras din ata akong late. haha. pero may mas matindi pa pala dahil mga ilang minuto lang may sumunod pa sa'kin. late din. at ang pinakamatindi sa lahat, may dumating na babaeng mag eexam din pagkatapos ng sumunod sa'kin. mas matindi. haha. pero ang matindi, hindi nila sinusunod yung exam time nila (proctor.basta sila) dahil pinaunlakan pa nila yung babaeng pumasok na halos patapos na ang oras ng exam. pero ayos lang, pabor din naman sa'kin yun dahil late ako. hahaha.mabilis ko lang natapos yun test. madali lang naman kasi di naman bigatin yung pinadrawing sa'kin. kinabahan kasi ako baka pagdrawing-in kami ng mga structures na katulad ng simbahan, mall, bahay etc. ganun kasi yung sinabi sa'min sa UST kaya ganun din inexpect ko sa MAPUA. nagpractice pa naman ako. hahaha. pero ayos naman. haha.pagkatapos pumunta naman kami sa SM manila para kumain at tumambay. 1:30 pa naman yung sunod kong exam at may dalawang oras pa ako. di ko sure kung SM manila yun. basta yun yung SM na malapit lang sa MAPUA. ayan. kumain lang kami. at nag ikot-ikot. buti malamig dun kahit matao. pero paglabas namin ang init grabe! nakakahilo ang init men! hindi naman ako demending sa hangin at ayaw ko ng malamig. ayos lang sa'kin ang pagpawisan pero hindi kanina. grabe kasi ee, kulang na lang matusta ka ng buhay. dapat nagdala ako ng payong eh. buti malapit lang yung lalakaran namin. tsk. " sh#t! sobrang init. abot singit!"maaga pa kami ng 30 minutes nang bumalik kami sa MAPUA kaya naglibot-libot muna kami. kwento-kwento.ayun. di naman late. mhm. limang minuto bago ang exam umakyat na ulit kami papunta dun sa room na pinuntuhanan ko kanina. sinilip ko ang room at nakitang may mga batang kumukuha din ng exam na gaya ng kinuha ko nung umaga. kaya naisip naming second batch yun.edi hintay kami. mga ilang segundo ang lumipas, may isang babaeng kumausap samin.ale: mag-eexam din kayo?ako: ako lang po.ale: aa. architecture?ako: opo.ale: aa. eh, di ba nagsisimula na dun?ako: ho? eh hindi ba second batch yun?ale: ha? di mo ba alam?m*: tanong mo nga:ako: (pumasok ng room, tanong sa proctor)...proctor: aa. yung exam sa baba. nakalagay yun sa permit mo. ako: (tingin sa test permit) plenary hall po.proctor: sa second floor yan. daretso ka lang sa dulo. malapit na mag-start yun.ako: aa salamat ho. (labas ng room, balik kina manong m*)...ako: dun pala sa baba ang exam.m*: oh?ay! haha. ayun. mali pala ako ng napuntahan. tsk! kaya, late na naman ako. hahaha. pero di naman super late dahil nakaabot pa ako sa pagbibigay ng directions ng proctor dun. pero gumawa ako ulit ng eksena. kainis. nagtinginan sa'kin lahat pagkapasok ko. at matindi pa, madami ulit sumunod sa'king late. asar tuloy yung proctor kasi paulit-ulit siya sa pagsasabi ng instructions. at nagsimula na ang exam.blahblahblah.blahblahblah.ayos lang ang exam. madaming hula. haha. sus. kung makikita lang ni sir emboy ang mga sinagot ko dun siguradong ikakahiya ako nun. haha.blahblahblah.blahblahblah.mabilis na ang mga sumunod na pangyayari. basta alam ko maaga kaming umuwi ngayon. kaya niyaya ko si m* mag-goto para pampaubos oras na rin dahil ayaw ko pa talagang umuwi at dahil gusto ko ng goto.eto ata ang pinaka 'debest' na parte ng araw ko. haha. sarap. mhm.. naaalala ko tuloy si sir emboy pag nagbabaon ng goto pag CAT. haha. sa lahat ng biyahe, lakad, takbo, kain, kwento at tulog.. ayos naman lahat lahat. dapat talaga sa susunod mas maaga na. haha.nakakapagod. at ang bantot na naman ng entry kong ito.well.well.well. sige, mauuna na ako sa pagtulog. gabi na.Labels: goto, lakad, LATE, lauriat, tulog