Tuesday, April 22, 2008
{ 12:05:00 PM }
(bago ang lahat, gusto ko lang itama ang sinabi ko nung makalawa tungkol sa 'lipas-tulog' dahil mas tama ang term na 'lipas-antok'. kagaya lang nun ang dahilan na hindi pwede ang term na 'lipas-kain'. yun lang po. salamat.)andami-dami kong gustong ikwento ngayon kaya lang gahol talaga ako sa oras kaya di ko masyadong mapapaliwanag lahat.unahin natin ang biglaang paggawa sa kasilyas at paliguan namin kahapon lamang.sa totoo lang, hindi naman talaga biglaan to dahil matagal ko nang alam na aayusin ang banyo namin dahil magsisiuwian ang ninang ko at pamilya niya galing australia. isang paghahanda ito para naman maayos ang pananatili nila rito at para na rin sa kanyang asawang australia-no. mhm. ayun nga. paggising ko na lang kahapon gigawa na ang banal na lugar. at! at! syempre hindi pwedeng gamitin yun hangga't hindi tapos diba. kaya ako nabigla, hindi ako makagamit ng banyo kung kailan kailangang-kailangan ko na.pde b mkijebs dyn? gngwa kc yung bnyo nmin ee. pligo na rn ha. oke?oke? txtbck. slmat.di naman talaga ako najejebs ee. gusto ko lang maghilamos, magmumog, umihi at magpalit ng damit na nakasanay ko ng gawin sa banyo. pero kahapon, hindi ko nagawa yun. kaya nakibanyo ako doon sa tindahan namin na nasa tapat lang din ng bahay na tinutuluyan ko. kaso ang problema, walang tubig. kaya napilitan akong magnenok sa kusina. haha. at kahit amoy kama pa rin ako, ayos! nakagamit na din ako ng banyo.success?hindi pa pala dahil naalala kong pupunta nga pala si kia**a at j*yce ngayon sa'mn. at hindi pa ako naliligo ha.dahil nga ginagawa ang banyo at hindi pa ito basta basta matatapos at isa pa, papatuyuin pa ang semento, pansamantala muna raw na hindi kami maliligo. HINDI MALILIGO?!!well. minsan pag tinatamad talaga ako at hindi naman ako aalis ng bahay, hindi ako naliligo. pero naliligo ako pag hindi ko na gusto ang panlalagkit ng katawan ko at ng buhok ko. kagaya ngayon. at may mga bisita pa ako. hay. natataranta na talaga ako dahil baka abutan nila akong hindi pa naliligo. problemado talaga ako. pero ayos lang din, sila lang naman yun. haha.at ayun nga. nahuli nila akong hindi pa naliligo. TSK! at nang maglaon ay nakaligo na rin ako dahil nagkatubig na din dun sa banyo sa tindahan. kahit ala-singko na nun at hindi ko na talaga gusto ang itsura ko. mhm. at success na nga!
ayan. kinuhanan ko pa talaga ang paggawa sa banyo namin na hanggang ngayon ay under reconstruction pa din. mhm. at hirap pa din ako paggising ko kanina. buti na lang madami nang tubig dun sa tindahan namin. haha.***kahapon din, habang naghihintay ako ng tubig para makaligo na ako at habang hinihintay ko rin sila kia**a ay may dumating na mga kalalakihan(mga mukhang tatay na) para pintahan ang harapan ng tindahan namin. utos daw ng mayor pero ayos din naman daw kung ayaw naming papinta ang pader namin. project ata ng mayor namin na magmukhang hilaw na mangga ang sinasakupan niya. tsk. sakit sa mata.
nung una, nagulat ako kasi kung ako ang tatanungin, gusto ko ang itsura ng tindahan namin. at ayoko yung kulay na ipipinta nila doon. pero kung gusto ng nanay ko na mapintahan yun, wala na akong magagawa. bihira rin naman ang libreng papinta tulad nito.
yang litrato sa taas ang dating itsura ng tindahan namin. simple lang diba. at eto naman 'bago' namin tindahan matapos pintahan ng mga kalalakihang nabanggit ko.
ayos lang din naman ang naidulot ng papintang yun dahil nagkaroon ng buhay kahit paano ang tindahan namin. at, wala kaming ginastos dyan.ok. salamat sa pagbabasa.Labels: bokura gaita, pintura, rush ID picture, smosh