<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d883993280880141434\x26blogName\x3dG+is+for+Gago\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://mahaltayoniemboy.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mahaltayoniemboy.blogspot.com/\x26vt\x3d-8384402682864225332', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script><iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=8076742059755845825&blogName=PIECE+OF+HEAVEN&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLUE&layoutType=CLASSIC&homepageUrl=http%3A%2F%2Flov-ebites.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Flov-ebites.blogspot.com%2Fsearch" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>
G is for Gago.

mastermind

GENISSA O. VILLEGAS
(1991-Present)

I am fond of weird people and I like sweet foods. I am a lazy OC and a frustrated artist. I hate roaches and I don't like being left, in which ever situation.
MORE INFOs NEXT UPDATE. XD

Multiply
Friendster
facebook: genissa villegas
email: mismacho@yahoo.com


shouts


Plurk.com



exits

BLOGS
Chiui Chicca Miss Anne BFF Mary Pel and Choey Joyce Danna Kiarra Dadi Joffi Kryk Mikyu Keiti Clarisse Ryan Kit Bathalumanz Ruthe Jeru Bettina Patsy Thea Ayesha Paw Eu Louisa Patricia Gel CrazyWrazy Iway Gail Diandra Gela Kaye Janajee Cza-Cza ChenJireh Tiff K Leyn

WEBSITES
Mikrokosmos KikomachineKomix Electrolychee Jon Burgerman Rolitoboy Smosh Rexbox Keri Smith Bob Ong Francis M Green Pinoy Andy Warhol

RANDOM LINKS
10 ways to infuse your work with your personality by Keri Smith
Drawing Faq by Keri Smith
Kiarra's City
Kiarra's socio blog
Chiui's photoblog
Jennie Castillo Film Cameras

archives
March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 May 2009 December 2009 January 2010 March 2010 December 2010 November 2011

credits
Designer/ %PURPUR.black-
Colour Code Icons



earring

klphotoawards.com







Saturday, April 26, 2008 { 12:30:00 AM }

una sa lahat ay natutuwa ako dahil may kaibigan na ako sa net. *yehey!* haha. at yun ay si mary!. haha. aba. naisingit pa kita sa entry kong ito. hehe. natuwa lang ako dahil sa lahat ng inalok ko ng link exchange ay sya pa lang ang kumagat. kaya siya pa nga lang yung andun sa "iba pang kasapi" dyan sa tabi. haha. ayon, salamat sayo mary sa pagpaunlak ng link exchange na yun, kung nababasa mo man to ngayon. hehe.

***

mhm. mahal ko ang salitang tagalog, ang pambansang lengguahe ng pilipinas. at naniniwala ako na ang hindi marunong magmahal sa sarili niyang mhm.. lengguahe ay higit pa sa malansang isda! pero, hindi naman bawal mag-ingles paminsan-minsan o kung trip mo lang. at kung kinakailangan ba. gaya sa iskul o mga iba pang kaek-ekan. kaso naiinis ako na yun yung ipino-promote ng bansa natin, ng presidente natin. at ayon yan sa kaalaman ko na ganun nga yung gusto niyang mangyari. mhm. pati sa HS na pinasukan ko. may speak english campaign pa sila na di rin naman nasusunod ng mga estudyante. at BRAVO! MAGIGITING NA MGA KAMAG-ARAL, AASENSO TAYO NIYAN! BWAHAHA!.

hindi naman sa ayaw ko sa banyagang salitang yon. minsan nag-eenjoy din ako magsalita gamit yon. pero mas mahal ko pa rin ang "native tounge" ko. aba. ipipilit ko pa bang ituwid ang baluktot kong dila para lang makapagsalita ng ingles nang maayos? syempre dun na ako sa sanay ako.

at.. napansin ko nga pala yung PINOY BIG BROTHER teen edition plus ngayon. dahil madalas na inglesh talaga ang ginagamit nila. kung papansinin mo si big brother na nga lang ang daretsong magsalita ng tagalog dun ee. pwede nilang gawing excuse na maraming foreigner na kalahok sa programang yun pero, pero! hindi dapat nila kinakalimutan ang kanilang namulatan na. buti na lang at nagsagawa ng task o kung ano man si kuya(big brother) para maiwasan na ng mga housemates ang pagsasalita ng ingles. hindi ko din naman alam kung ano ang kinahinatnan ng hamon na yon sa mga housemates pero natutuwa ako sa hakbang na yon na ginawa ni kuya. pero sa nakikita ko ngayon, mga inglesero't inglesera pa rin sila. mhm.

alam ko kung bakit may ingles at kung bakit may dog, cat, mouse at fish. naiintindihan kong ito ang salitang pandaigdig at ito ang salitang magbubuklod sa mga taong makakaiba ang kultura at kinagisnang bansa. pero diba dapat pa rin nating pangalagaan ang sariling atin at mahalin. MAHALIN NATIN ANG SARLING ATIN!. kaya naman laking tuwa ko na lang sa mga nagba-blog na tagalog ang ginagamit bilang pagpapahayag ng nararamdaman nila. at speaking of ramdam, hindi ba't mas magandang pakinggan at mas damang-dama mo yung emosyon kung gagamitin mo ay tagalog o yung nakagisnan mo ng salita?

pero hindi ko sinasabing magpadalubhasa ka sa tagalog at bawal na magsalita ng kahit konting banyagang salita. dahil may mga salita tayong hindi natin maeexpress sa tagalog kundi sa ingles lamang. at may mga salitang wala sa tagalog. pansinin mo, hindi matatapos ang araw na hindi ka makakapagsabi ng kahit isang ingles na salita. okay?



ms.alcantara: ooh. i love you forever! i will never
ever replace you with other foreign languages.
tagalog: really? i love you too! (hug)



ayan.sana'y nauunawaan mo naman ang hinanaing ko. haha!


Labels: , , , ,

2 Comments

Wednesday, April 23, 2008 { 10:14:00 PM }

dapat pupunta akong MOA(Mall Of Asia) ngayon kasama ang ilan kong katropa't kaibigan ngunit hindi ito natuloy dahil:

-wala akong pera
-hindi ako pinayagan
-hindi sasama si m*
-wala akong pera.

pero kung may pera ako, tatakas talaga ako. haha! at kahit hindi naman kasama ang matindi at magiting na si m* ay sasama pa rin ako NGUNIT wala talaga akong naipon ngayon. tsk. pero dapat sosorpresahin ko pa sina da*na dahil susunod pa ako dapat. bibigay na dapat ang tatay ko eh kaso yung ibibigay niya sa'king pera pinangbili na lang niya ng merienda at sabi niya na wala na siyang pera kaya di na ako makakahabol dun. mautak! mhm. pero mga alas-tres na din ng hapon yun, kung hahabol pa ako baka bago pa ako dumating doon nakauwi na sila. kaya ayos na din yun.


***

ayos na nga pala yung banyo namin. naninibago lang ako kasi iba na ang itsura at parang sumikip. hindi ako sanay. kaya dun pa rin ako naligo sa banyo sa tindahan namin. inaayos naman ngayon yung kwarto na tinutulugan ko, kaya pansamantalang sa sala muna kami matutulog ng kapatid ko, si cybill.

at speaking of cybill, magkakaroon na nga pala kami ng summer job.. sa sarili naming tindahan. haha!
aalis na kasi yung katulong namin dahil uuwi na siyang bicol. may sakit daw kasi yung anak niya at hindi na siya babalik dito, sa linggo na ang alis niya at kaming dalawa ni cybill ang papalit.
ako simula alas-otso ng umaga hanggang ala-singko ng hapon samantalang ala-singko hanggang alas-dose ng hatinggabi si cybill. ayos na din yun at maayos din naman ang kita namin. php100 bawat araw, lingguhan ang sahod.
pero ayos lang naman din kung di ko yung makukuha tuwing linggo. basta ba may day-off at bibigyan lang nila ako ng kahit barya-barya sa day-off ko, ayos na yun. haha! kalayaan lang naman ang gusto ko. kalayaan. kalayaan.


at siguro naman makakapag-internet pa din ako pag gabi. mhm! si cybill hindi na, duty niya sa gabi ee. haha! woo.




gusto ko ng tocino at malamig na champorado!
sige, yun na lang. magandang gabi!

Labels: , , ,

1 Comments

Tuesday, April 22, 2008 { 12:42:00 PM }

nauna namang nakauwi si kia**a. pero hindi naman talaga dapat siya uuwi. basta, mahaba pang kwento ee. basta, ganun yun.
nagpakuha kami ng litrato ni j*yce sa bayan para sa application form namin sa papasukan naming unibersidad sa kolehiyo. pero bago kami umalis, dumating pa si mang boy. siya ang official photographer ng HS na pinasukan ko. dala niya ang mga litrato nung graduation at ilan pang iba noon namang JS prom.

at! nakuhanan pala nila yung entrance noong graduation. diba nasabi ko na wala ako nung 'toga sa ulo' o yung cap na kapartner ng toga. haha! ayun, may kopya na ako. ipopost ko dito yun sa ibang araw para makita niyo. haha. nakakainis ang itsura ko.

mhm.

nagpunta na nga kami para magpakuha ng litrato. mabilis din naman ang naging proseso. at napagtripan naming pimunta sa 7-11 pagkatapos.

wala akong dalang pera nun kaya nag hotdog sandwich na lang ako, pinambili ko yung sukli sa pagpapapicture. at bumili si j*yce ng japanese instant noodles na may century egg. nung una nagdadalawang isip pa kami kung bibilhin namin yun kasi mahal at baka hindi namin magustuhan ang lasa. pero binili pa rin namin yun, para sa experience na tinatawag nila.
at! dahil hindi namin maintindihan ang nakasulat doon ginawa na lang namin ang proseso na katulad ng paghahanda ng instant noodles dito sa pinas. pareho lang naman ata yun ee.




ayan. hindi ako ganoong naganahan sa itsura niyan pero ayos lang naman ang lasa. walang espesyal kundi ang century egg na kasama noon at ang napakadaming noodles.





masaya naman ang experience. para lang ding kumain ng pangkaraniwang instant noodles na may itlog at makalat na kasalo.

kaso sayang dahil hindi naman namin naubos yun. andaming noodles, andaming sabaw at busog na kaming pareho kaya nasayang lang yung natira. inubos ko na lang yung noodles. haha.



naalala ko nga pala si sir emboy dito kasi niregaluhan diys ni dan*a ng ganitong noodles din dati pero wala atang century egg. haha. mhm?

:S

Labels: , , ,

1 Comments

{ 12:05:00 PM }

(bago ang lahat, gusto ko lang itama ang sinabi ko nung makalawa tungkol sa 'lipas-tulog' dahil mas tama ang term na 'lipas-antok'. kagaya lang nun ang dahilan na hindi pwede ang term na 'lipas-kain'. yun lang po. salamat.)

andami-dami kong gustong ikwento ngayon kaya lang gahol talaga ako sa oras kaya di ko masyadong mapapaliwanag lahat.


unahin natin ang biglaang paggawa sa kasilyas at paliguan namin kahapon lamang.

sa totoo lang, hindi naman talaga biglaan to dahil matagal ko nang alam na aayusin ang banyo namin dahil magsisiuwian ang ninang ko at pamilya niya galing australia. isang paghahanda ito para naman maayos ang pananatili nila rito at para na rin sa kanyang asawang australia-no. mhm. ayun nga. paggising ko na lang kahapon gigawa na ang banal na lugar. at! at! syempre hindi pwedeng gamitin yun hangga't hindi tapos diba. kaya ako nabigla, hindi ako makagamit ng banyo kung kailan kailangang-kailangan ko na.



pde b mkijebs dyn? gngwa kc yung bnyo nmin ee.
pligo na rn ha. oke?oke? txtbck. slmat.



di naman talaga ako najejebs ee. gusto ko lang maghilamos, magmumog, umihi at magpalit ng damit na nakasanay ko ng gawin sa banyo. pero kahapon, hindi ko nagawa yun. kaya nakibanyo ako doon sa tindahan namin na nasa tapat lang din ng bahay na tinutuluyan ko. kaso ang problema, walang tubig. kaya napilitan akong magnenok sa kusina. haha. at kahit amoy kama pa rin ako, ayos! nakagamit na din ako ng banyo.success?

hindi pa pala dahil naalala kong pupunta nga pala si kia**a at j*yce ngayon sa'mn. at hindi pa ako naliligo ha.
dahil nga ginagawa ang banyo at hindi pa ito basta basta matatapos at isa pa, papatuyuin pa ang semento, pansamantala muna raw na hindi kami maliligo. HINDI MALILIGO?!!

well. minsan pag tinatamad talaga ako at hindi naman ako aalis ng bahay, hindi ako naliligo. pero naliligo ako pag hindi ko na gusto ang panlalagkit ng katawan ko at ng buhok ko. kagaya ngayon. at may mga bisita pa ako. hay. natataranta na talaga ako dahil baka abutan nila akong hindi pa naliligo. problemado talaga ako. pero ayos lang din, sila lang naman yun. haha.


at ayun nga. nahuli nila akong hindi pa naliligo. TSK!
at nang maglaon ay nakaligo na rin ako dahil nagkatubig na din dun sa banyo sa tindahan. kahit ala-singko na nun at hindi ko na talaga gusto ang itsura ko. mhm. at success na nga!





ayan. kinuhanan ko pa talaga ang paggawa sa banyo namin na hanggang ngayon ay under reconstruction pa din. mhm. at hirap pa din ako paggising ko kanina. buti na lang madami nang tubig dun sa tindahan namin. haha.


***

kahapon din, habang naghihintay ako ng tubig para makaligo na ako at habang hinihintay ko rin sila kia**a ay may dumating na mga kalalakihan(mga mukhang tatay na) para pintahan ang harapan ng tindahan namin. utos daw ng mayor pero ayos din naman daw kung ayaw naming papinta ang pader namin. project ata ng mayor namin na magmukhang hilaw na mangga ang sinasakupan niya. tsk. sakit sa mata.




nung una, nagulat ako kasi kung ako ang tatanungin, gusto ko ang itsura ng tindahan namin. at ayoko yung kulay na ipipinta nila doon. pero kung gusto ng nanay ko na mapintahan yun, wala na akong magagawa. bihira rin naman ang libreng papinta tulad nito.


yang litrato sa taas ang dating itsura ng tindahan namin. simple lang diba. at eto naman 'bago' namin tindahan matapos pintahan ng mga kalalakihang nabanggit ko.




ayos lang din naman ang naidulot ng papintang yun dahil nagkaroon ng buhay kahit paano ang tindahan namin. at, wala kaming ginastos dyan.


ok. salamat sa pagbabasa.

Labels: , , ,

0 Comments

Monday, April 21, 2008 { 1:31:00 PM }

alas-dose na ng gabi pero nandito na naman ako sa harapan ng monitor na ito. hindi ko alam kung ano pang dapat kong gawin. nababagot na din ako dito dahil una: wala na akong ia-update na kung anumang kailangan pang i-update o ayusin, pangalawa: nababanas na ako dahil parang dial-up lang ang DSL namin,tsk! at pangatlo: naiinis din ako dahil dalawang bes nang namamatay ng kusa itong computer na ito. hinihintay ko na ang pangatlo para makatulog ako.

kung makakatulog man.tsk! yun nga kasi ang dahilan kung bakit hanggang ngayon gising pa ako. hindi naman ata ako nai-insomia. baka nalipasan lang ako ng tulog. OU NGA!! NALIPASAN AKO NG TULOG! baka nga! kasi madalas alas-dyis palang babagsak-bagsak na ang mata kong nagpupumilit dumilat para lang makapag-text. haha.

kasi ba naman, ang aga nakatulog ng katext ko. kaya tuloy, napag-isipan kong mag-computer ulit. dahil ito na ang pangatlong bes na binuhay ko ang computer na ito. ay! hindi pala. mhm.. pang panglima na pala. idagdag mo pa yung dalawang bes na namatay bigla ang computer na to. nako. nako!

ayan. napagtripan ko ngang mag-computer ulit. mag-edit ng ilang picture at maggawa ng sarili kong multiply account o site o anuman. hanapin niyo na lang sa gilid yung link papunta doon kung interesado man kayo na makita yun.

at! bakit nga ba lipas tulog? medyo antok na kasi ako kanina, alam ko. pero yun nga, biglang nakatulog yung katext ko at nagising ako. haha! ewan ko ba. mabisang pampatulog sa'kin ang pagtetext. madalas akong makatulog diyan at sa katunayan, dalawang gabi ko nang natulugan yung katext kong yon, baka gumanti. haha.


hay.. lipas tulog, gaya ng lipas gutom na mahirap kalabanin. tsk!
mabilang na lang kaya ako ng tupa? mhm. aa! maghahanap ako
ng ibang katext para makatulog! haha. WOO.



at ang mga magiting na mga napili ko ay sina:
kia**a at ch**wee!! haha.
sana maintindihan niyo ang aking pangangailangan
mga binibini.

ayan. ala-una na!
sige. text lang ako para sa isang mahimbing na
panaginip. tartar!

Labels: , , , ,

0 Comments

Sunday, April 20, 2008 { 3:06:00 PM }

kung tama ang pagkakaalala ko, sa dyaryo ko unang nabasa ang tungkol sa blog na ito. hindi siya karaniwang blog na madaming abubot at dekorasyon pero kakaiba siya dahil sa mga nalagay dito.

may nakapagsabi sa'kin na ang blog ay isang "online diary" pero sa blog na ito, hindi pang araw-araw na karanasan ng isang tao ang nakalagay ngunit ang mga lihim ng iba't-ibang tao na may iba't-iabang buhay.

matagal ko nang alam ang tungkol dito pero minsan ko lang ito mabisita. gaya ngayon.

isang blog ang PostSecret na tinatag ni Frank Warren noong January 1, 2005. nasabing ito ay isang community project kung saan magpopost ang kahit na sino ng kanilang sikreto sa pamamagitan ng paggawa ng postcards. kailangan lang na sikerto talaga ang sikretong ipapahayag mo sa buong mundo at kailangang wala kang ibang nasabihan. wala silang limitasyong binigay sa mga lihim na dapat maipaskil doon. kahit ano pwede. at wala ka rin dapat ipag-alala dahil hindi mo kailangang sabihin kung sino ka at ano ang paborito mong kulay. ime-mail ata to sa kanila na ipo-post naman nila sa site nila. hindi ko alam ang buong detalye tungkol dito kaya pwede niyong bisitahin ang Wikipedia, the free encyclopedia para sa karagdagang impormasiyon o sa iba pang sites gaya ng yahoo!, google at imeem.


pero alam ko na mga kano lang madalas ang nagpapadala ng postcards sa site na yan. pero well-known daw yan sa buong mundo at alam kong nanalo na yan ng maraming pangaral.

at sa pagbisita ko nga pala kanina, ito ang ilan sa nakatawag ng pansin ko:




yung iba hindi ko lang talaga ma-gets. minsan bano talaga ako sa pag-intindi ng banyagang salitang yon. syempre may mga slang words din sila hindi ko madalas ma-gets.
at kung interesado ka sa PostSecret, click ka lang dito. okay?okay.



ayan. sana may natutunan naman kayo ngayon mga neneng at totoy.
aja!aja!.

Labels: , , ,

0 Comments

Saturday, April 19, 2008 { 10:55:00 PM }

bloghopping! naeenjoy ko naman yun pero di ko maiwasang pansinin yung itsura ng bawat blog. yung mga layout, designs, pictures, mga kakikayan at iba't-ibang abubot- parang pagdadamit mo sa sarili mo. ipinapakita lang ng blog mo kung sino ka. kung magarbo ka bang magsuot ng accesories sa katawan o gusto mo ng simpleng hikaw lamang.

bloghopping! dahil hindi ako makagala, isang paraan na ang internet para makatakas ako sa mundo kong kasalukayang malamya. sa pamamagitan ng pagbloghop o bloghopp, nakakagala ako sa iba't-ibang mundo ng mga tao. may makulay, may madilim, may maingay at may pipi.

bloghopping! nakikita ko dito ang iba't-ibang personalidad ng mga kabataang kagaya ko na libang sa ganitong mabusising gawain. at! hindi lang yon. nakakatuwa din dahil nakakakuha ako ng mga ideas sa kanila. gaya sa.. mhm. ART!
mahilig akong gumuhit at mahal ko ang sining na alam ko pero tila yata hirap ako pagdating sa mga design. magulo kasi ang utak ko. madami akong gustong gawin at pipilitin ko yung pagsamasamahin. halimbawa na lang yung ginawa kong picture para sa header nitong blog ko. yan. yun nasa itaas. mhm. baka yun na nga talaga ako-magulo. pero nasanay na din naman ako dito. nakakaasar lang talaga yung pag nakakita ng magandang gawain sa iba. o kaya ibang disenyo at ssabihin mo tuloy sa sarili mo: "bakit hindi ko naisip yun?!". hah! ganyan ako lagi. madalas. nakakainis naman kung manggagaya ka dahil wala ka namang 'originality' pag ganon. ganon. pwede ka pang kasuhan ng 'plagiarism'.




teka.teka. hindi ko makuha yung punto ng blog entry na ito. haha.
hay. hinahanap na ata talaga ng katawan ko yung paggala.
na parang nung makalawa lang naman ako nakaalis n bahay ee.
hindi na talaga ako sanay na nananatili ng mahabang oras sa
bahay o dun sa tindahan namin. aaa!!




*bloghopping!*




heto na lang yung ilang pictures ng batang hinahabol namin sa elementary.
JUSTIN ang pangalan niya. nakatira siya malapit sa bahay nila kia**a. pinsan niya yung batchmate ko na si m*riel. bukod dyan, wala na akong iba pang alam sa kanya. ayun! matabil yan. haha.




si kia**a ang nagpakilala sa'kin kay justin. mahiyaing bata yan, kaya naman lagi siyang natakbo pag naaabutan namin yan sa lobby ng building namin. di sya nagsasalita, pag kami ang kaharap. at naphobia ata yan samin dahil lagi namin siyang hinhabol, kaya pagnakita na niya kami ay automatik na yang lalayo. haha. tsaka weirdo yan. parang si sir emboy. tsk.
*nakuha ko nga pala yung mga litratong yan kay r*the. nasa kanya kasi yung USB ni m*riel. haha.woo.

kitams. magulo ako diba?
haha.cge, ciao!






ps. may poll nga pala ako. haha.
sagutan niyo na lang!oke.oke?

Labels: , , , ,

0 Comments

Thursday, April 17, 2008 { 10:13:00 PM }

nakaalis na din ako ngayon sa lungga ko! wahahaa! mhm. dahil pumunta akong MAPUA para sa reservation at sa MADOCS naman para samahan sila m* at sh*rwin.

mabilis lang nangyari ang lahat. at maaga din kaming umuwi. basta alam ko kagaya pa din ng dati: mausok, mainit, nakakahilo at nakakaloka ang biyahe. pero masaya ako dahil kasama si kuya sh*rwin dahil may tagadala ako ng envelop! haha. pero ayos naman din. salamat nga pala kuya sa iyong magandang ugali't pagdala ng envelop na napakabigat. tsk.



wel.yun lang naman yun. tapos kumain kami ni m* ng halo-halo at footlong sandwich sa gotohan tapos pumunta na ako kina kia**a.



kala ko pa naman masu-surprise siya sa aking biglang pagbisita pero aba! at natuwa pa ang bruha. niyaya niya akong mag-bike at maghalo-halo, ulit.



ayun, nagbike nga kami at nilibot ang buong seaview-subdivision kung nasaan ang HS namin na walking distance lang mula sa kanila. at doon kami bumili ng ha-halo. mas gusto ko itong halo-halo na to kesa dun sa nabili namin sa gotohan. mas matamis kasi at may sago pa! atsaka ilang araw na rin ako naglilihi sa sago. nabitin kasi ako nung bumili kami ng zagu nung isang bes na wala ng black sago. kaya crystals yung ginawang pamilit muna. tsk.

ilang bes di nga pala akong tumumba sa bike. haha! kahit saan. kahit kailan. basta't may bike, di maaring di ako sesemplang. pero di pa naman ako nasusugatan dahil dyan. mhm.mhm.





lumalalim na pala ang gabi.
ganun lang naman ang nangyari.
atsaka, napagtripan ko ang
PAINT. haha.







oke.sige, ikembot.
aa.bb!

Labels: , , ,

0 Comments

Wednesday, April 16, 2008 { 10:34:00 PM }

mhm. alam mo ba yung boardgame na scrabble? yung may mga tiles na may letter at numbers na naka-print.





ganyan.alam mo na?



ayan ang isang halimbawa na napulot ko sa yahoo!. mhm. ngayon ko lang ulit nalaro ito at kahit kulang-kulang yung tiles namin, masaya pa din naman ang bawat laro.






BOARDGAMES: di ako ganoon kagaling sa mga ito dahil madalas sa kanila ay nangangailangan ng konsentrasiyon, malalim na pag-iisip, malawak na kaalaman at tamang diskarte na wala ako. yung pinakatrip ko ay yung snake and ladder. syempre, dun sa larong yun di na namin kailangan pang mag-isip. pananampalataya na lang sa numerong lalabas sa paghagis mo ng dice. at isa pa, masaya yung larong yun laro na pag napatapat sa sa pinakamataas na hagdan at natuklaw ka naman ng pinakamahabang ahas.

ayos lang sa'kin ang maglaro ng scrabble pero pag chess na ang pinag-uusapan, umaatras na ako. yun na ata ang boardgame na talagang para sa mga piling tao lang, at kung pinili mo ring kahiligan ang larong yon. inaamin kong bano ako dyan dahil mahina ako sa mga diskarte kung alin ang mas maganda at tamang itira para di makain ng kalaban ang piyesa mo. kahit sa dama, tiklop ako. isang pinsan ko ang nagturo sa'kin maglaro ng chess na mabilis ko rin namang natutunan. pero kahit ganun bano talaga ako. pero nung natalo ko yung pinsan kong yun aba! tuwang-tuwa ako. at yun ang una't huling panalo ko sa larong yan. haha. tsaka di ko talaga hilig yun, hindi talaga.

nakalaro na ako ng chinese checkers pero di ko na maalala ang mga rules doon. basta alam ko madali lang yun at madiskarte din.

mabalik tayo sa scrabbble. kahit kailangan mo ding ng utak dito dahil sa english words na kailangan mong buuin, trip ko ding laruin to kahit madalas ang mga tinitira ko na lang ay mga maiikling salita na magbibigay ng mababang puntos gaya ng take, her, near at me. at masaya pa kung napatapat ang mga tiles mo sa mga slot na may nakalagay na "double letter score", "triple letter score", "double word score" at "triple word score" na tinatarget ng mga players. minsan mahirap lang talaga pag nagkataong puro consonant ang tiles mo o kaya puro vowel naman. di talaga ako ganun kagaling dito pero mayabang na ako nung minsan na nakatira ako ng mahaba-haba. a-c-t-i-n-g. yan ang natira ko. haha. pero isang bes palang yun dahil ngayon hindi lalampas sa apat na letra ang mga sagot ko.







pumunta dito kanina sina kia**a, j*yce at ch**wee. dapat kasi kila ch**wee talaga kaso di ako pinayagan kaya sila na lang ang pumunta dito. matagal din kaming hindi nakapagbonding ng ganito dahil madalas wala si ch**wee o kaya kaming dalawa lang ni kia**a. at mabuti naman nagkaroon ng chance na ganito. ang saya! oks na oks.

nanuod muna kami ng mhm. nakalimutan ko na yung pamagat, basta suspense yun. at kumain ng halohalo't gulaman. tapos naglaro na kami ng scrabble. ngayon lang ako nakapaglaro nito na kasing ederan ko ang mga kalaro ko at mga kaibigan ko pa. madalas kasi mga pinsan ko nakakalaro ko. pero alam ko namang wala ka ng pake doon kaya't itutuloy ko na ang kwento.

ayos naman ang laro kahit mabagal ang proseso dahil sa mabagal naming pagtira ni j*yce. at nang matapos na ang laro, pareho kami ni kia**a ng puntos na pinakamababa, sunod kay j*yce tapos kay ch**wee na nakakuha ng 118 points. galing! haha. tsamba lang yan dahil magaling sumingit.







haha sige.sige na.
ako'y naduduling na.








tata!

Labels: , , ,

0 Comments

Tuesday, April 15, 2008 { 9:59:00 PM }

binura na ang asul at pula ang ang kuko ko ngayon. naisip ko lang ipalagay ito dahil hindi ko pa ito naita-try at eto rin yung alam kong default na kulay ng nail polish, bago pa nauso ang pink. mhm. yun pa lang ata ang masasabi ko. dahil hanggang ngayon naghihintay ako. hindi ko alam kung naghihintay ako sa wala o ano. pero sana'y na ako sa hintayang ganito. at naiinis pa rin ako kahit ilang bes ko nang naramdaman to. nakakainis.

maiba tayo.

nakausap ko kanina ang nanay at tatay ko at minsan ko lang sila makausap ng ganoon. kinwento ni papa yung buhay pag-ibig nila ni mama.

"aba! disisyete-anyos lang ako nun. wala akong kamuwang-muwang sa mundo nang maging kami ng mama mo."

dahil mas matanda si mama kay papa ng 6 na tao. ata. basta nabanggit niya, nagtatrabaho na ang nanay ko nung gagraduate palang ang tatay ko sa hayskul. at sila na noon. hindi naman ako labag sa may-december affairs pero hindi lang ako sanay at hindi ko maintindihan kung paano namumuo ang pag-ibig sa kanila. pero sabi nga nila "age doesn't matter" at kung mahal talaga nila ang isa't isa at di sila naggagaguhan lang, ayos lang yun. pero ako, hindi ko maiisip na magkaroon ng affair sa isang tao na masyadong bata o masyado namang matanda sa'kin. ayos lang kung mas bata siya ng isang taon. haha.

"patay na patay sa'kin yang mama mo! dinadalaw pa ako niyan dati dun sa julugan dahil madalas wala naman akng pamasahe papunta sa kanila. magugulat na lang ako andun siya."

minsan iniisip ko tuloy na mana ako sa nanay ko kahit tahimik ako gaya ng tatay ko. kalat-kalat yung iba't-ibang ugali nila sa'kin. buti naman, mabait ako. mhm.

hanga talaga ako sa ugali't kapal ng mukha ng tatay ko. kaya nga gusto kong makahanap ng kagaya niyang kahit bungi man, nakakatawa pa rin. at sa tingin ko nakahanap nga ako ng kagaya niya na mas bata rin sa'kin kaso may matindi nga lang na bisyo. tsktsk.




Ragnarok Online (Korean: 라그나로크 온라인), often referred to as RO, is a massively multiplayer online role-playing game created by GRAVITY Co., Ltd. based on the manhwa Ragnarok by Lee Myung-Jin. It was first released in South Korea on 31 August 2002 for Microsoft Windows and has since been released in many other locales around the world. Much of the game's mythos is based on Norse mythology, but its style has been influenced by Christianity and various Asian cultures as well. The game has spawned an animated series, Ragnarok the Animation, and a sequel game, Ragnarok Online 2: The Gate of the World, is currently in development. Some versions of the game require a monthly fee to keep playing, while others offer a free-to-play server along with pay-to-play ones.
(http://en.wikipedia.org/wiki/Ragnarok_Online)


RAGNAROK ONLINE. isang laro gamit ang computer. interactive. makulay. kaakit-akit. masaya. sikat. magastos. yan ang ragnarok, isa sa sandamakmak na naimbentong computer online games na sikat ngayon sa pilipinas at sa iba pang bansa na siguradong inahihiligan ng mga kabataan ngayon at kinakasunog ng bulsa.

hindi ako nahilig sa mga ganitong laro kahit na mahilig ako sa mga ganyang klase. hindi ko lang maarok na gumasta ng malaki pa sa panandaliang kasiyahan lamang. at hindi ko rin kayang magsaulado ng sandamukal na terms na ginagamit dito-mga jobs, characters,weapon, attack, combo at kung anu-ano pang hindi ko alam kung ano.

natutulig na lang ako pag nag-uusap yung mga katropa kong lalake tungkol dito o sa iba pang online games tulad ng flyff at dota. hindi ko alam kung paano nila natatandaan yung mga bagay na yun at kung paano nila nalalaman na mas malakas si pugna kesa kay captain barbell. pero siguro dahil hindi ko rin kinukumbinsi yung sarili kong subukan ang mga ganitong laro .kahit yung offline version ng mga ito na mabentang-mabenta din sa kanila.

nakalaro na ako ng diablo 2 dati, nung nasa elementarya pa lamang ako. hindi siya online game pero katulad din siya ng mga ragnarok at dota na may labanan at may mga skills at character na pinangangalagaan. ayos lang naman yung larong yun at naaalala ko pa na ipinapasa ko sa kapatid ko ang mouse pag naglulusuban na ang mga kalaban. alam ko yung goal ng laro at ang mga controls nito. pero hindi ko maintindihan yung mga skills at weapons na dapat gamitin lamang kung kailan kinakailangan. di ko alam kung bano talaga ako o di ko lang talaga hilig yun kaya ganun. balita ko pa, may online version na din ang diablo. nakikisabay na siguri sa panahon ngayon.




darating kaya ang panahon na puro computers na lang talaga? yung tipong nakaasa na lang tayo sa kanila. pero kung magiging ganoon nga, mayaman na siguro ang pilipinas nun. o kaya naghihikahos tayong lahat kung paano makikisabay sa ganoong teknolohiya.



sige, may siege pa ako ee.
BRB.

Labels: , , , ,

0 Comments

Monday, April 14, 2008 { 3:18:00 PM }

eto. ay isa na namang pangkaraniwang araw. natapos ko na nga palang basahin yung libro ni bob ong. pero may mga bahagi din akong di binasa gaya nung mga dialogue doon bago magsimula ang panibagong chapter. basta, kung alam mo yung librong yun at nabasa mo na din, tiyak alam mo yung sinasabi ko.



teka, sino ba ang di kilala si BOB ONG?

matagal na din siyang manunulat bagama't kaunti pa lamang ang mga librong kanyang nailalathala(6). marami siyang pilipino fans at alam ko, kilala ang mga libro niya sa pagiging nakakatuwa at sa pagiging natural nito. pag binasa mo ang libro niya, para ka lang nakikipag-kwentuhan sa isang tao o kaibigan na maraming masasabi sa kanyang kababayan, paligid at bansa. kaya ko naman nakahiligan ang mga libro niya. pero may dalawa rin siyang libro na may kwento at tunggalian.

sa anim na niyang nabasa ko, marami na akong natutunan sa kanya. madalas niyang banggitin ang politika sa mga libro niya, marami na siyang naalagaang hayop mula aso hanggang garapata, hindi siya mahilig sa gulay gaya ko at ayaw niyang magpa-press con pag nagpa-publish siya ng libro. at eto yung binasa kong libro na nagustuhan ko sa lahat ng naisulat niya:





at para sa mas marami pang impormasiyon tungkol sa kanya, bisitahin niyo lang ang www.visprint.net at hanapin ang link papunta sa website niya. basta hanapin niyo lang sa tabi ang pangalan niya, BOB ONG.

bisitahin niyo din si G.Manix Abrera sa nasabing website ng visprint enterprises para isa ko ding hilig, ang kanyang comics-kikomachine komix. maganda din ito at masayang basahin. at sa tingin ko na yung mga obra ni manix ay parang libro ni bob ong na ginawang comics lang. parang pareho yung pag-iisip nila, yun nga lang, mas bata si manix. *ehem*



teka.teka.



sa aking paghahanap sa net ng litrato ng mga libro ni bob ong ay nakita ko ito sa mismong friendster account niya:



bob ong writes book 7



yan ang caption na nakalagay sa picture na yan sa account niya. at teka, teka. yan na talaga si bob ong? mhm. alam niyo, wala talaga akong idea kung anong itsura niya. basta alam ko kasing -edaran na niya yung nanay ng kaklase ko dahil naiintindihan niya yung mga nababanggit ni bob at yung mga sinulat niya sa pangalawa niyang libro na bakit baliktad magbasa ng libro ang mga pilipino?. basta, alam ko lang matanda na siya.


pag naaalala ko siya, isang tao lang ang pumapasok sa isip ko. isang malaki, tabain, bigotilyo, maputi at malokong tao. yung tipong mabirong tatay na palatawa. ganun yung naiisip ko sa kanya kahit napanaginipan ko na siya dati na ang itsura niya daw ay payat, matangkad, mahabang ang buhok at may bigote rin.pero kung si bob ong nga ang nasa litrato na yan at hindi ang kanyang tatay, nakakagulat. haha. hindi ko inaasahang ganyan pala siya. parang hindi kasi bagay yung mga sinsabi niya sa itsurang yan. well, sabagay. sabi nga nila "looks can deceive". tama ba? basta ganun yun.

at teka. maari rin naman niyang nakuha lang to sa google o yahoo. kakaiba kasi ang damit nung lalaki dyan sa picture at yung computer. at isa pa, hindi ako naniniwalang siya yan. haha.






(ee. panu kung siya nga yan?)
edi. tawa na lang. hahaha.






at nag-post nga pala
ako para sabihing
nakapasa akon sa MAPUA!!! woooo.
haha. matindi talaga.
kailagan ko na lang
magpa-reserve muna.
ayos. buti ganoon.

Labels: , , ,

0 Comments

Sunday, April 13, 2008 { 10:40:00 PM }

ay. wala namang masyadong nangyari ngayon. ganun pa rin naman ang takbo ng buhay ko: gising, kain, nuod, text, bantay sa tindahan, luto, ligo, tulog. pero nagbasa ako ng ngayon ng libro para maiba naman. binasa ko lang ulit yung libro ni bob ong- ang paboritong libro ni hudas. paborito ko yun pero mabait naman ata ako. mhm.

ayan. naglagay na nga pala ako ng bagong layout na nakuha ko sa www.pyzam.com. salamat dahil natulungan niyo ako na di marunong gumawa ng ganito at nagsasawa na sa pangkaraniwang template lang. salamat din kay ch**wee na nagbigay sa'kin ng url nito. dabest! ka talaga. mwa! BABY COME BACK!
gusto ko nga palang ihabol yung mga litrato namin nung despedida nung kambal. ngayon ko lang kasi nakuha.



ako, si ab*y,kia**a at aim*e: nagpapaligsahan tumalon
para sa isang perfect shot




nahirapan kami bago nakuha ang perfect shot na nakataas kaming apat sa ere na hindi naman talaga namin nakuha. napagod, pinawisan at hiningal lang kami sa ginawa namin. kaya kumuha na lang kami ng simple gaya nito:




ako yan at si goto girl. napagtripan lang ang magarang dingding sa bakuran ng kambal. ang nga pala ng lugar nila, malawak. pwede pa nga kaming mag-cheer dance dun ee. pwera biro.
***
napansin ko lang yung BLOG AWARD ng candymag. interesado ako kung mananalo ba si ch**wee at da*na dun. at ano ang premyo. gusto ko ding sumali sa ganoon, kaso marami akong cons dahil: 1) tagalog ang gamit ko dito. required ata dun ang banyagang salita. good grammar pa dapat. 2) may sariling style. etong layout ko ay nakuha ko lang sa isang website kaya di ko masasabing akin ito. isa pa, di ako marunong gumawa ng layout oh kahit mag-edit man lamang. may konti lang akong alam sa HTML pero napaka-basic lang nun. originality ang kailangan. 3) dapat may readers. di ko alam kung madalas tong nabibisita ng mga katribo ko pero alam ko na madalas ako lang din ang tumitingin sa sarili kong blog. isa pa, konti lang ang may alam nito. 4) bago pa lang to at konti palang ang blog entry ko. maganda kung sagana na ang blog ko at madami ng mababasa. para na rin mahirapan sila. haha.
pero mas gusto ko yung contest na nabanggit isang bes ng adviser ko sa blog niya. mas pormal yun kesa yung sa candymag. pero syempre, kung mas pormal edi mas mahirap ang labanan. alam ko may balak din siyang sumali nun pero baguhan palang din daw siya nun at hindi pa siya ganun kadalas mag-post ng blog entry.
teka.tinamad na ata ako bigla aa.
isa pa wala na rin akong makukwento at masasabi.
bukas ko na nga pala makukuha yung results sa MAPUA.
sana makapasa naman.
at gusto ko din ng nintendo ds lite.
birthday wish ko yun ngayong taon.
at gusto ko din ng champorado.
yung malamig na galing sa ref.
teka.teka. gabi na pala.
makikigamit pa pinsan ko.
sige, sige. dito na lng.
bukas ko na lang ikukwento yung
results ng exam ko sa MAPUA.
yun ay kung makakapag-internet
pa ako bukas. baka kasi pagalitan na naman
ako. haha. sige. vavoo! na talaga.
vavoo!





ps: di gumana yung code ng layout. haha
cge. yun lang!

Labels: , , ,

0 Comments

Saturday, April 12, 2008 { 11:43:00 PM }

well.well.well.

eto. nagbiyahe na naman kaming papuntang MAPUA. syempre kasama ko na naman ang magiting at matinding si m*. at ngayon ay grabeng tinanghali kami ng alis. mga alas-dose na yun siguro kahit mga alas-otso pasado na ako umalis ng bahay. pano ba naman dinaanan pa namin ang isa pang matindi ngunit hindi magiting na si *drumroll* j*pe!! haha. siningil ko kasi yung utang niya at saktong napatambay pa si manong m* dahil nagbobot sila ng ragna. di ko talaga alam yung ginagawa nila ata para san yun. basta alam ko lang may kinalaman yun sa ragna. di ko na ieelaborate to dahil di naman ako natuwa sa mga nangayari dun dahil una, wala akong nagawa at nakatunganga lang ako. pangalawa, nasayang ang oras ko. pangatlo, tinanghali na kami nang sobra. pero di ko rin sila masisisi kung bakit kami tinanghali dahil di naman ako umiimik ee. hahaha. kla ko makakaaramdam sila. woo. kaya j*pe, bayaran mo na ng buo yung utang. haha. ako tinitira ng nanay ko dun ee. haha. biro mo, napasama ka pa sa blog entry kong ito. astig! pa-cheese burger naman dyan! haha.

teka.lumalayo na naman tayo sa topic aa.
balik.balik.balik.

so nakasakay na kami ng bus. pero bago yun, kumain na muna kami. hahaha. ayun. busog. sunod..
mabilis naman ang biyahe. konting traffic pero mas maaga kaming nakadating sa inaasahan namin. edi ayun, nasa MAPUA na nga kami. at oo nga pala! ECE(electronics and communitcations engineering) ang napili kong course. masakit man sa damdamin ee ayun na napansyahan ko. gusto din naman yun nina mama at interesado din naman ako dun. isa pa, makakasama ko pa si aim*e-the goto girl. haha. edi ayun na nga. nad-punta na ako sa admin para ireport yung napili kong course. kinausap pa ako nung isang babae dun kasi hindi ko pala natapos yung exam ko. incomplete daw yung test ko kaya daw ako bagsak sa AR(architecture). hahaha! oha! sabi na ee, may na-miss ako sa exam. late na kasi ako at hindi nabigyan ng matinong instructions, kaya siguro ganun. at yung hindi ko pa nga nagawa ay yung 70% ng drawing skills exam na iyon. at buti mabait yung babae sa admin at pinakausapan pa ako sa dean ng AR na ipagpatuloy yung exam ko. at ayun, pinaakyat ako sa pffice nung dean.

ayun. nakaakyat na kami ni manong at nakaharap ko na din yung dean. kala ko lahat ng dean ay lalaki, matanda at nakakalbo na. pero yung nakaharap ko babae, bata pa naman at malago ang buhok. haha. hanep, kinabahan ako. buti kinakausap ako ng tagalog. hirap kasi, dun sa school namin nitong HS, pinopromote ang banyagang salita. kahit sabihin nating importante yun, mahalaga rin na mahalin natin ang sariling atin. isang paraan na din yun ng pagsasabing di kita dini-discriminate dahil lang magaling ako mag-ingles. ganun pa man, maganda yun para sa mga bulol na kagaya ko. haha.

mabalik tayo.. ayun. nakausap ko naman ng matino yung dean at binigyan pa niya ako ng chance para tapusin ang exam ko. napakaswerte ko na nun kahit alam kong mahirap yung pinaguhit sa'kin. bumalik ang ngiti sa labi ko. haha. matagal din bago ko natapos yun. at hindi biro ang ginawa ko. tinamad din naman ako magdrawing dun sa huli dahil masyadong komplikado yun kaya di ako satisfied sa naguhit ko. isa pa, andumi dumi nun dahil puro bura. haha. maswerte na kung papasa pa ako dun. pero sana makapasa pa ako dahil di birong nabigyan pa ako ng isang pagkakataon na gaya nito. parang nalihis ang tadhana at pinapaubaya na sa'kin ang AR. haha. woo. pero kung hindi pa rin, handa na naman akong magECE. nagpapasalamat na lang ako dahil nabigyan ako ng chance na ganito. at salamat sayo, Bb. Nelly, yung isang babae sa admin na nag-umpisa sa milagrong ito. salamat.

kahit di ako ganoon ka-confident sa nagawa ko, masaya kong iniwan ang MAPUA. haha. magandang karanasan yun aa. diba.

pagkatapos nun, nagpunta kaming MOA. naglibot-libot. nag-ikot-ikot. uminom. naglakad. tumambay. umupo. at nakita pa nga namin si n*xon dun. haha. matindi ang itsura ee. ngarag na ngarag. pero nagulat talaga ako nang makita namin siya. ambilis ata. na-miss ko na sila.

saglit lang kami dun. nagpahangin at nagpatuyo ng kilikili. tapos naglakad ulit kami papuntang baclaran para sumakay ng bus. at buti naman, di na kami nakatayo ngayon sa bus na nasakyan namin. maluwag pa nga ee. haha. buti ganoon ang nangyari. nakapahinga ang mga paa namin.

at.at.at.

kumain pa pala ulit kami ng goto. haha. wala talaga ako sa mood kumain ng goto dahil: 1) nahihilo ako at gusto ko ng umuwi at 2) najejebs na ako. pwera biro.

at ayun! haha. namalayan ko nalang na may goto na sa harapan ko at nakaupo na ako sa gotohang yun. di ko naman ma-resist at natakam din ako. haha. di ko na naman dapat sinasabi pa yun dito. haha. bogarts ee.



at ayan! walastik. pagdasal nyo pa ako.
ginabi na nga pala ako ng uwi. usapan namin ng tatay ko ala-sais nasa bahay na ako. pero siguro alam na naman nyang di ako nasunod sa oras. at binalik ko sa kanya yung sumobra sa perang binigay niya sa'kin. natuwa naman siya kaya ayos naman kami siguro. haha.




at para sa magiting at matindi na si m*. binabati kita sa okasyon ngayong araw na ito. alam mo na yon. isang taon at isang buwan na rin. antagal na. astig. sana ganun pa rin dre, kung nababasa mo man ito o hindi. sige na, vavoo!♥♥♥


Labels: , , ,

0 Comments

Thursday, April 10, 2008 { 6:38:00 PM }

ma-share ang araw na ito. at nahihilo na ako.

nagpunta dito sa'min si kia**a at nanuod kami ng the shape of things. ayos ang kwentong yun. nakakaasar yung ending. parang gusto mong saksakin sa mukha yung babae at ibaon sa lupa ng buhay. haha. nakakainis.

gumawa kami ni kia**ra ng shake-apple-carrot shake. mhm. yummy. di na siya lasang kuryente gaya nung una ko siyang natikman. kaso nasobrahan ata sa apple. nakakalunod ee. haha. nakakainis.

at ang pinakanakakalunod pa sa lahat ay ng makatanggap ako ng message sa pamamagitan ng cellphone na HINDI AKO NAKAPASA SA MAPUA SA NAPILI KONG COURSE-ARCHITECTURE. di ko alam kung ano ang unang irereact ko ng mabasa ko ang text na yun. naaasar ako, nanghihina ako, naiiyak ako. pero tinawanan ko lang yun dahil ayaw kong ipakita kay kia yung nararamdaman ko. pinakita ko na lang sa kanya yung text. at ang tanong- saan ako babagsak? kukuha na naman ba ako ng panibagong exam sa ibang university? may chance pa ba ako?nakakainis.

ewan. ayoko nang mag-exam ulit. napepressure ako maasyado. ayoko nang bumyahe ng malayo at magutom. nakakainis. ayoko na. nakakainis.

sabi ng nanay ko maghanap pa daw ako ng ibang mapapasukan. pinag-internet niya pa ako para makahanap ako ng iba pero tinignan ko muna yung sa MAPUA. at nakita ko yung mga courses na naipasa ko at pwede kong i-pursue at eto ang mga yun:


BACHELOR OF SCIENCE IN ACCOUNTANCY
BACHELOR OF SCIENCE IN BUSINESS ADMINISTRATION
BACHELOR OF SCIENCE IN BIOLOGICAL ENGINEERING
BACHELOR OF SCIENCE IN BIOLOGICAL ENGINEERING / CHEMICAL ENGINEERING / CHEMISTRY (TRIPLE DEGREE)
BACHELOR OF SCIENCE IN BIOLOGICAL ENGINEERING / CHEMISTRY (DOUBLE DEGREE)
BACHELOR OF SCIENCE IN CHEMISTRY/CHEMICAL ENGINEERING
BACHELOR OF SCIENCE IN CIVIL ENGINEERING
BACHELOR OF SCIENCE IN CHEMICAL ENGINEERING
BACHELOR OF SCIENCE IN CHEMISTRY
BACHELOR OF SCIENCE IN COMPUTER ENGINEERING
BACHELOR OF SCIENCE IN COMPUTER SCIENCE
BACHELOR OF SCIENCE IN ELECTRONICS AND COMMUNICATIONS ENGINEERING
BACHELOR OF SCIENCE IN ELECTRICAL ENGINEERING
BACHELOR OF SCIENCE IN ENGINEERING MANAGEMENT
BACHELOR OF SCIENCE IN ENTREPRENEURSHIP
BACHELOR OF SCIENCE IN ENVIRONMENTAL AND SANITARY ENGINEERING
BACHELOR OF SCIENCE IN GEOLOGICAL SCIENCE AND ENGINEERING
BACHELOR OF SCIENCE IN HOTEL AND RESTAURANT MANAGEMENT
BACHELOR OF SCIENCE IN INDUSTRIAL DESIGN
BACHELOR OF SCIENCE IN INDUSTRIAL ENGINEERING
BACHELOR OF SCIENCE IN INFORMATION TECHNOLOGY
BACHELOR OF SCIENCE IN MULTIMEDIA ARTS AND SCIENCES
BACHELOR OF SCIENCE IN MECHANICAL ENGINEERING
BACHELOR OF SCIENCE IN MANAGEMENT SCIENCE AND ENGINEERING
BACHELOR OF SCIENCE IN MATERIALS SCIENCE AND ENGINEERING
BACHELOR OF ARTS IN PSYCHOLOGY
BACHELOR OF SCIENCE IN PSYCHOLOGY

yung mga naka-bold ang mga pinagpipilian ko. ayos na ako sa MAPUA kaso mukhang inaayawan ako ng course ko. kahit yung second choice kong INTERIOR DESIGN wala sa listahan. iniisip ko nga may di ako nagawa nung exam.

may pinapadrawing kasi yung proctor sa mga examinee. pero wala namang nabanggit sa'kin yung proctor na i-drawing ko yun kaya di ko nadrawing. baka yun yung problema. pero kahit na, baka di ako nakatakdang maging arkitekto. yung exam ko sa UST, inindyan ko pa ee. tsk. nakakainis.

mhm. hindi ko pa rin alam ang kukuhanin ko. babalik na ako dun sa sabado para i-inform yung second choice kong course. ayan. hindi ko talaga alam ang mangyayari sa'kin. nakakainis.

hay. ewan ko ba. bahala na si batman sa'kin. nakakainis.HAHA!HA!HA!

Labels: , , , ,

0 Comments

Wednesday, April 9, 2008 { 9:57:00 PM }

nakakainis. nakakainis ka.
hindi ko alam kung bakit, kung pano.
pero mali ee. mali ka, bobo ako.
kaya siguro ganoon.

nakakainis. nakakainis ka.
nakakaloko ka talaga.
ang sarap mong bugbugin,
kagatin, kuritin, pisain.
nako. kung kuto ka lang.

nakakainis.nakakainis ka.
bakit ba nakakainis ka?
bakit ka ba nagkaganyan?

GAGO ka ba?
ginagago mo ako ee.

Labels: ,

0 Comments

{ 3:28:00 PM }

ngayon ay isa na namang ordinaryong araw. boring pa rin at walang magawa bukod sa mag-internet. haha. at! kulay blue na nga pala ang kuko ko ngayon, nagpalinis ako. yee.♥

nung una kong sinubukang maglagay ng nail polish, itim talaga ang pinalagay ko. pero nagkamali yung ale kasi nailagay niya dark red,mukha siyang itim pero makikita mo yung pagkapula niya pag natatapat sa liwanag, naduling ata yun. haha. pero ayos din naman. tapos nung mga sumunod na, itim na talaga. pero nag-try din ako ng ibang kulay nung isang bes na naubusan na ako ng itim na nail polish. inuna kong i-try ang brown. tapos gray, silver, white, glitters, orange, green at violet. at ngayon naman ang blue!! haha. di naman siya blue talaga, may bahid din ng green. blue green ata. basta naaalala ko si aquamarine dito. yun.

wala lang. nakwento ko lang. haha.


***


naeexcite ako sa resulta ng exam ko sa MAPUA. kung bagsak ba o pasado. di kasi ako ganoon ka-confident sa mga sagot ko. haha. at pag di ako pumasa dito, bahala na. baka mag-adamson na talaga ako.

tsk.tsk.

pano pag bagsak talaga?
san ako pupulutin mga neneng at totoy?
may sasalo pa ba sa'kin?
paano to? late na kasi e. late naa.

tsktsk.


***






melay!
may monster!!







nakakalungkot tuloy.
hay.hay.hay.♥

Labels: , ,

0 Comments

Tuesday, April 8, 2008 { 11:26:00 PM }

magaling! magaling!

eto. galing akong MAPUA at maayos naman ang lahat. pero syempre may mga bagay pa ring di inaasahan na di nangyari. pero di rin naman ganoon ka-disaster. ayos naman, parang disaster lang. hahaha.

usapan namin ng magiting at matinding si m* magkikita kami ng 7 ngayong umaga. pero dahil sa puyat ako sa mga kagat na lamok, lamig ng panahon, at kalikutan ng katabi kong si cybill ay tinanghali ako ng gising. pero mabilis din naman ako nakaligo at nakapag-ayos.

ayun. paalis na ko dapat pero pinilit pa ako ni mama at papa na kumain ng almusal. kasi, kasama na sa morning routine ko ang di kumain ng agahan. sanay na rin naman ang katawan ko dahil pag kumain na ako ng maaga, nagkakaroon ng di inaasahan at di kaaya-ayang pangyayari. basta, ganun yun. pero sapilitan akong pinakain kaya kumain na akong ng kaunti para wala na silang masabi. haha. ayan, sinayawan pa nila ako ng 'pearly shell'. minsan di ko alam kung bakit ganito ang buhay. haha.

at ayun na nga, nakaalis na ako. pero. pero. alas-otso pasado na rin kami nagkita ni manong m*. sira ang plano. sirang-sira. pero di ko rin naman masisisi sina mama dahil baka itinakda ng tadhana na ma-late talaga ako. ganyan talaga ang buhay. ..

tapos dun sa sakayan ng bus naman matindi-tindi din ang nangyari. puno yung unang bus na dumating. di na talaga makakasingit kahit tumayo pa kami. kaya naghintay kami ng kaonti. yung sumunod na bus, olonggapo naman. sabi ni manong di kami pede dun pero sabi ng nanay ko pede daw. ewan.ewan. tapos naghintay pa ulit kami ng kaonti. may dumating naman na FX, lawton ang biyahe. sakto! kaso, puno naman. kaya, naghintay pa kami ng kaonti pa. at ayun! may dumating din na bus. kaso madaming nauna. kala ko tatayo pa kami. pero sa awa naman ng diyos, kami pa yung huling nakaupo sa likod. yung tatlong natira nakatayo.


ayos. nakasakay na kami at nakaalis na rin ang bus. payapa na ako dahil komportable naman ako. pero. di pa pala. dahil alas-dyis yung exam ko. pero alas-nuebe na, nasa cavite pa rin ako. kulang ang isang oras. inabot pa ng katakot-takot na trapik. at 9:30, nasa toll gate pa lang kami mga neneng at totoy. mukhang di na talaga ako aabot. ayoko pa naman ng nahuhuli kahit madalas din akong nalelate dati sa mga klase ko. ayoko talaga ng nahuhuli. lalo na ngayon, exam ko pa yun. pero wala na rin naman talaga akong magagawa. kesa magmukmok akong mukhang ewan, dinaan ko na lang ang lahat sa tulog. ngayon pagod at puyat talaga ako. di katulad dati na trip-trip lang ang tulog, ngayon pilit talagang pumipikit ang aking mga mata. pero wala namang kwenta to kaya dapat di ko na dapat kikukwento to. sunod..

lampas 10 na nung bumaba kami. alam ko. haha. ayun, late na talaga ako. kaya sabi ni manong baka magpa-resked ako ng exam. ayun, yun na lang ang solusyon sa problema.

pagkadating namin dun, kinakabahan ako. baka kasi bawal ipa-resked. di pa ako makapag-exam. pero pinaakyat na lang nila kami sa fourth floor kung saan naganap ang eksaminsayon. ayun, umakyat ako at pumasok sa room na tinuro sa'kin. ayun! pwede pang mag-exam! aaa yes!! haha! astig eh. pero nakakahiya yun aa. eksena pa akong matindi. halos isang oras din ata akong late. haha. pero may mas matindi pa pala dahil mga ilang minuto lang may sumunod pa sa'kin. late din. at ang pinakamatindi sa lahat, may dumating na babaeng mag eexam din pagkatapos ng sumunod sa'kin. mas matindi. haha. pero ang matindi, hindi nila sinusunod yung exam time nila (proctor.basta sila) dahil pinaunlakan pa nila yung babaeng pumasok na halos patapos na ang oras ng exam. pero ayos lang, pabor din naman sa'kin yun dahil late ako. hahaha.

mabilis ko lang natapos yun test. madali lang naman kasi di naman bigatin yung pinadrawing sa'kin. kinabahan kasi ako baka pagdrawing-in kami ng mga structures na katulad ng simbahan, mall, bahay etc. ganun kasi yung sinabi sa'min sa UST kaya ganun din inexpect ko sa MAPUA. nagpractice pa naman ako. hahaha. pero ayos naman. haha.

pagkatapos pumunta naman kami sa SM manila para kumain at tumambay. 1:30 pa naman yung sunod kong exam at may dalawang oras pa ako. di ko sure kung SM manila yun. basta yun yung SM na malapit lang sa MAPUA.

ayan. kumain lang kami. at nag ikot-ikot. buti malamig dun kahit matao. pero paglabas namin ang init grabe! nakakahilo ang init men! hindi naman ako demending sa hangin at ayaw ko ng malamig. ayos lang sa'kin ang pagpawisan pero hindi kanina. grabe kasi ee, kulang na lang matusta ka ng buhay. dapat nagdala ako ng payong eh. buti malapit lang yung lalakaran namin. tsk. " sh#t! sobrang init. abot singit!"

maaga pa kami ng 30 minutes nang bumalik kami sa MAPUA kaya naglibot-libot muna kami. kwento-kwento.ayun. di naman late. mhm. limang minuto bago ang exam umakyat na ulit kami papunta dun sa room na pinuntuhanan ko kanina. sinilip ko ang room at nakitang may mga batang kumukuha din ng exam na gaya ng kinuha ko nung umaga. kaya naisip naming second batch yun.

edi hintay kami. mga ilang segundo ang lumipas, may isang babaeng kumausap samin.
ale: mag-eexam din kayo?
ako: ako lang po.
ale: aa. architecture?
ako: opo.
ale: aa. eh, di ba nagsisimula na dun?
ako: ho? eh hindi ba second batch yun?
ale: ha? di mo ba alam?
m*: tanong mo nga:
ako: (pumasok ng room, tanong sa proctor)
...
proctor: aa. yung exam sa baba. nakalagay yun sa permit mo.
ako: (tingin sa test permit) plenary hall po.
proctor: sa second floor yan. daretso ka lang sa dulo. malapit na mag-start yun.
ako: aa salamat ho. (labas ng room, balik kina manong m*)
...
ako: dun pala sa baba ang exam.
m*: oh?

ay! haha. ayun. mali pala ako ng napuntahan. tsk! kaya, late na naman ako. hahaha. pero di naman super late dahil nakaabot pa ako sa pagbibigay ng directions ng proctor dun. pero gumawa ako ulit ng eksena. kainis. nagtinginan sa'kin lahat pagkapasok ko. at matindi pa, madami ulit sumunod sa'king late. asar tuloy yung proctor kasi paulit-ulit siya sa pagsasabi ng instructions. at nagsimula na ang exam.

blahblahblah.
blahblahblah.


ayos lang ang exam. madaming hula. haha. sus. kung makikita lang ni sir emboy ang mga sinagot ko dun siguradong ikakahiya ako nun. haha.

blahblahblah.
blahblahblah.

mabilis na ang mga sumunod na pangyayari. basta alam ko maaga kaming umuwi ngayon. kaya niyaya ko si m* mag-goto para pampaubos oras na rin dahil ayaw ko pa talagang umuwi at dahil gusto ko ng goto.

eto ata ang pinaka 'debest' na parte ng araw ko. haha. sarap. mhm.. naaalala ko tuloy si sir emboy pag nagbabaon ng goto pag CAT. haha.

sa lahat ng biyahe, lakad, takbo, kain, kwento at tulog.. ayos naman lahat lahat. dapat talaga sa susunod mas maaga na. haha.


nakakapagod. at ang bantot na naman ng entry kong ito.
well.well.well. sige, mauuna na ako sa pagtulog. gabi na.

Labels: , , , ,

0 Comments