Sunday, March 30, 2008
{ 1:53:00 PM }
tama ba? basta dun yun.haha. nakaw. gagraduate na kami. masayang nakakalungkot. nakakaexcite na nakakabugnot. pero sa totoo lang ayoko pa talaga maggraduate eh. ngayon ko pa nga lang naeenjoy ang buhay ko kasama ang tropa. kahit meron pang bakasyon, iba pa rin ang buhay sa loob ng eskwelahan kasama sila. iba pa rin ang kulitan at harutan diba. pati ang kantyawan at asaran. nakakarelate ka ba?teka. nagdrama na ako kahapon aa. hahaha. pero iba talaga ang pressure nagyon. ang feeling. yung feeling na di ko naramdaman nung grade six pa ako. alam ko lang kinakabahan ako kasi wala akong kakilala sa school na papasukan ko. haha. pero ngayon ubod na ng dami.. at marami rin silang naiambag sa buhay at pagkatao ko.nakakainis. tapusan na.sana text-text pa din kahit mabagal ako magreply. haha. oh kaya kahit email. oh sa telepono. tama! sa telepono nga oh. tipid sa load tapos nanay mo ang may gastos diba. yun nga lang, di naman lahat may landline eh. tsaka paisa-isa lang ang kausap mo, di katulad sa cellphone kahit ilan pede diba. kahit nasa kubeta pede ka pang magtext. eh pag sa telepono madalas may cord. maswerte na yung may cordless at speaker pa. haha.teka, balik tayo sa kwento.yung graduation nga pala. natatakot ako kasi mataas yung gagamitin kong sapatos. baka matisod ako sa stage mamaya. gagawa pa ako ng eksena.. haha. nakakairita yun. pero ayos lang din pag nangyari. haha. may moment pa ako bago ako umalis dun diba. bongga oh. haha. bago nga pala maggraduation eh may baccalaureatte mass pa. teka tama ba ang spelling chong? haha. ayos lang yan. wala naman akong magagawa kung mali spelling dahil di ko naman talaga alam. mhm.. ayun. gumawa nga pla ako ng sulat sa mga katropa ko kaya lang wala pa yung iba. pinag-iisipan ko pa eh kasi baka magselos naman yung iba diba. pero gahol na ako sa oras, haha.. pero nagaw ko pang maggugolo ng oras dito para magpost. haha.hahaha.hahaha.hahaha.hahaha.hahaha.hay. pressure talaga eh. nakakainis. ayoko pang gumraduate eh. kinakabahan ako sa college at masaya na ako. pero yun nga, wala na akong magagawa. kesa di naman ako makagraduate eh ayos na din to. sineset nga pala ang buhok ko habang tinatype ko ang unang bahagi ng blog entry na to. sosyal ba? haha. nangalay ang batok at likod ko aa. hindi biro.***nag-sm nga pala kami ni kia**a kahapon. kaming dalawa na naman. at nadiskubre ko na may mango flavor pala na donut. haha. galing. kala ko nga weird e, wala ding kwenta. parang kumain ka lang ng asukal na natapunan ng konting mango flaror powdered juice. kinakabahan pa naman ako nung bumibili ako. haha. pero iniuwi ko na lang yun sa lola ko. alam ko namang masisiyahan siya dun. at tama ako. haha.mabilis din kaming nakauwi e. pero nakigamit pa ng computer sina r*the dito para sa presentation ngayon na di naman natuloy. kung nasabi sa kanila ng mas maaga yun edi nasamahan ko pang magpagupit si m*. ayun nagtampo tuloy.hay.sige. hanggang dito na nga lang. ansakit na ng batok ko at malapit na akong make-up-an. tartar!Labels: toga.kulot.make-up