<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d883993280880141434\x26blogName\x3dG+is+for+Gago\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://mahaltayoniemboy.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mahaltayoniemboy.blogspot.com/\x26vt\x3d-8384402682864225332', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script><iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=8076742059755845825&blogName=PIECE+OF+HEAVEN&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLUE&layoutType=CLASSIC&homepageUrl=http%3A%2F%2Flov-ebites.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Flov-ebites.blogspot.com%2Fsearch" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>
G is for Gago.

mastermind

GENISSA O. VILLEGAS
(1991-Present)

I am fond of weird people and I like sweet foods. I am a lazy OC and a frustrated artist. I hate roaches and I don't like being left, in which ever situation.
MORE INFOs NEXT UPDATE. XD

Multiply
Friendster
facebook: genissa villegas
email: mismacho@yahoo.com


shouts


Plurk.com



exits

BLOGS
Chiui Chicca Miss Anne BFF Mary Pel and Choey Joyce Danna Kiarra Dadi Joffi Kryk Mikyu Keiti Clarisse Ryan Kit Bathalumanz Ruthe Jeru Bettina Patsy Thea Ayesha Paw Eu Louisa Patricia Gel CrazyWrazy Iway Gail Diandra Gela Kaye Janajee Cza-Cza ChenJireh Tiff K Leyn

WEBSITES
Mikrokosmos KikomachineKomix Electrolychee Jon Burgerman Rolitoboy Smosh Rexbox Keri Smith Bob Ong Francis M Green Pinoy Andy Warhol

RANDOM LINKS
10 ways to infuse your work with your personality by Keri Smith
Drawing Faq by Keri Smith
Kiarra's City
Kiarra's socio blog
Chiui's photoblog
Jennie Castillo Film Cameras

archives
March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 May 2009 December 2009 January 2010 March 2010 December 2010 November 2011

credits
Designer/ %PURPUR.black-
Colour Code Icons



earring

klphotoawards.com







Monday, March 31, 2008 { 9:59:00 AM }

ayan. tapos na talaga. at ayos din naman ang programa. naging mabilis lang ito. naging mas maaga ang uwian sa inaakala naming pagtagal nito. at ang panget pa ng song number. tapos magagalit sila kung bakit kami nagkagulo?! eh isa na nga lang yung kanta namin di pa kami pinaakyat sa stage. kung kelan mas lumaki pa nga yung stage saka di kami pinaakyat doon. alam kong mali kami dahil nahirapan kami sa pagpili ng kanta. yung mga sina-suggest kasi namin ayaw nila, di daw angkop. eh henerasiyon namin yun eh. malandi ba sila? baka di nila alam na ganon na ang musika ngayon ng kabataan. buti na lang paalis na ako dun. haha. maganda nga yung curriculum at teaching strategies nila, poor naman sila sa facilities. sobrang kurakot pa. oo. sobrang kurakot. kung magsusumbong ka sa knanila ngayon, wala na akong magagawa. eh totoo naman yung eh. at alam naming di sila pabor samin kaya ganito. buti pa yung lalaki ayos pa. haha. hay. minsan hindi ko alam kung plastikan lang talaga ang puhunan ngayon para kumita.

pero maiba ulit tayo. balik sa programa.

kala ko magdadapa ako sa stage dahil sa takong kong mataas. pero hindi aa. kering keri ko pa nga eh. ang hindi ko lang nakeri ay nung malapit nang mag-entrance ang mga gagraduate ay wala pa rin ang ina ko. nakaw.

yan ang sapatos ko at nila m*(boots) at n*lson(matulis)

tatlo kaming natira doong walang toga. yung isa di pa daw naalis ng bahay ang nanay-taga cavite pa. yung isa naman di ko alam-taga imus pa. ako di ko rin alam-taga salinas. pero grabeng kaba ako dun aa. napakapangit namang mag-entrance kung wala kang toga diba. pero ayos na din sa'kin yun dahil makakagawa ka pa ng eksena. edi memorable ang graduationg ito diba. haha. pero nung handa na akong hindi magtoga, dumating naman ang nanay ko. ayun! haha. naalala ko pa ang suot ng nanay ko e. skinny slux. haha. tama ba? basta ganun.. edi ayun may toga na nga ako. pero yung dalawa wala parin. since mauuna naman sakin yung isa at magka-size naman kami.. pinaheram ko yung toga sa kanya at yung isa nangheram ata sa boys. kukuhanin ko na lang yung toga ko pagdating sa upuan tska ako tatakbo sa pili para dumaan sa cross-saver. ayun ang plano. pero grabe ang pressure sa'kin. pano pag di ko nakuha yun? wala talaga akong toga. haha. wala, eksena pa rin talaga ako. so, ayun.. sinagawa na ang plano at naglalakad na sila. pumunta na ko sa gilid para abangan yung toga. nakita pa nga ako ng adviser ko eh. [hi po! =))] naalala ko pa nataranta siya bigla kasi wala pa akong suot na toga. haha. sinabi ko naman sa kanaya na hinihintay ko yung akin pero para sigurado, iniheram niya ako sa iba. nga pla. tnx m*riel. haha. ayun. nataranta din siya. tapos sinuot pa sa'kin yung cap. haha. siguro ang panget tignan ng itsura namin sa TV. tsaka parang pang-reality show. tumakbo agad ako sa pila. edi yun ayos na. tapos nung malapit na akong maglakad saktong may kumuha nung cap ko. nak ng teteng oh! sira ang outfit ko. haha. pero ayos na din.. sana nakuhanan kami ni mang b*y para may remembrance ako. hahaha. mas masaya pa pala to sa inaakala kong pagkatisod sa entablado. memorable talaga.

mas memorable pa ata yung tatlong na-late at hindi nakadaan sa cross-saver. pero mas mas! memorable pa siguro yung dalawang nag-dress pa para sa panloob na dapat ay uniform lang. kala ko pa naman wala nang tatalo sa high heels ko. matindi talaga yung dalawang yun. hahaha.

wala naman akong masasabi masyado sa programa. basta alam ko naubos lang yung boses ko sa kakasigaw para sa mga katropa ko. haha. nagulat pa nga ang tatay ko nung umakyat ako ng stage eh madaming sumigaw. haha. andami ko daw binayaran. hahaha.. pero masaya. parang nung elementary din ako. madami ding nag-cheer. syempre may sabit ako nun. haha. ngayon wala. hahaha. astig.

konti lang yung pictures ko nun. wala pa nga akong kasam yung mga magulang ko at isa lang yung picture namin ni m*. tsk. naalala ko pa kay sh*rwin lang siya nagpakuha nun. talagang nagpupumilit pa. haha. kinilig naman ako. haha. nakay c*bill kasi yung camera eh. sayang. hay.

iniwan na ako ng nanay at tatay ko dun. inihabilin na lang ako sa nanay ni m*. kasi nagdistribute pa ako ng regalo. tapos yung isa umuwi pa agad, sayang. baka mahirapan akong makita ulit sya eh.

ayan. tapos na ang graduation, picture taking at gifts distribution. niyaya na lang ako nila m* na sumabay sa kanila at sumamang kumain sa hidden tapsihan. wow. first time ko lang doon eh kaya na-excite talaga ako. haha. nakita pa nga namin si dadi j*ffi doon kasama ang pamilya niya. galing.

ayun. nakaraos naman at nabusog. inihatid na nila ako pauwi at ayun. ayos naman.





BATCH 2007-2008: MAHAL ko kayong lahat! salamat sa lahat ng tawanan, biruan, kantyawan, asaran, iyakan, kwentuhan at kulitan. di ko kayo makakalimutan. ayan, madrama na naman. hay. sa tatlong post ko dito puro ito ang pinag-uusapan. di ka ba nauuta?


ayos lang. sige na. tartar!





i have the courage,
but i don't have the knowledge

-vincent villanueva

Labels: , ,

0 Comments

Sunday, March 30, 2008 { 1:53:00 PM }

tama ba? basta dun yun.haha. nakaw. gagraduate na kami. masayang nakakalungkot. nakakaexcite na nakakabugnot. pero sa totoo lang ayoko pa talaga maggraduate eh. ngayon ko pa nga lang naeenjoy ang buhay ko kasama ang tropa. kahit meron pang bakasyon, iba pa rin ang buhay sa loob ng eskwelahan kasama sila. iba pa rin ang kulitan at harutan diba. pati ang kantyawan at asaran. nakakarelate ka ba?

teka. nagdrama na ako kahapon aa. hahaha. pero iba talaga ang pressure nagyon. ang feeling. yung feeling na di ko naramdaman nung grade six pa ako. alam ko lang kinakabahan ako kasi wala akong kakilala sa school na papasukan ko. haha. pero ngayon ubod na ng dami.. at marami rin silang naiambag sa buhay at pagkatao ko.

nakakainis. tapusan na.sana text-text pa din kahit mabagal ako magreply. haha. oh kaya kahit email. oh sa telepono. tama! sa telepono nga oh. tipid sa load tapos nanay mo ang may gastos diba. yun nga lang, di naman lahat may landline eh. tsaka paisa-isa lang ang kausap mo, di katulad sa cellphone kahit ilan pede diba. kahit nasa kubeta pede ka pang magtext. eh pag sa telepono madalas may cord. maswerte na yung may cordless at speaker pa. haha.

teka, balik tayo sa kwento.

yung graduation nga pala. natatakot ako kasi mataas yung gagamitin kong sapatos. baka matisod ako sa stage mamaya. gagawa pa ako ng eksena.. haha. nakakairita yun. pero ayos lang din pag nangyari. haha. may moment pa ako bago ako umalis dun diba. bongga oh. haha.

bago nga pala maggraduation eh may baccalaureatte mass pa. teka tama ba ang spelling chong? haha. ayos lang yan. wala naman akong magagawa kung mali spelling dahil di ko naman talaga alam. mhm.. ayun. gumawa nga pla ako ng sulat sa mga katropa ko kaya lang wala pa yung iba. pinag-iisipan ko pa eh kasi baka magselos naman yung iba diba. pero gahol na ako sa oras, haha.. pero nagaw ko pang maggugolo ng oras dito para magpost. haha.

hahaha.
hahaha.
hahaha.
hahaha.
hahaha.


hay. pressure talaga eh. nakakainis. ayoko pang gumraduate eh. kinakabahan ako sa college at masaya na ako. pero yun nga, wala na akong magagawa. kesa di naman ako makagraduate eh ayos na din to. sineset nga pala ang buhok ko habang tinatype ko ang unang bahagi ng blog entry na to. sosyal ba? haha. nangalay ang batok at likod ko aa. hindi biro.


***

nag-sm nga pala kami ni kia**a kahapon. kaming dalawa na naman. at nadiskubre ko na may mango flavor pala na donut. haha. galing. kala ko nga weird e, wala ding kwenta. parang kumain ka lang ng asukal na natapunan ng konting mango flaror powdered juice. kinakabahan pa naman ako nung bumibili ako. haha. pero iniuwi ko na lang yun sa lola ko. alam ko namang masisiyahan siya dun. at tama ako. haha.

mabilis din kaming nakauwi e. pero nakigamit pa ng computer sina r*the dito para sa presentation ngayon na di naman natuloy. kung nasabi sa kanila ng mas maaga yun edi nasamahan ko pang magpagupit si m*. ayun nagtampo tuloy.hay.




sige. hanggang dito na nga lang. ansakit na ng batok ko at malapit na akong make-up-an. tartar!

Labels:

0 Comments

Saturday, March 29, 2008 { 9:27:00 AM }

ayan. madami kasing nagtatanong ng url ng blog ko, nakalimutan ko na naman at yung iba mga kaabnuyan lang. kaya gumawa ulit ako nito. AT pipilitin kong gamitin to at hindi na muling gumawa pa ng panibago. haha.

sabi ng bata "tayo ay tao!"

graduation na nga pala bukas. parang kahapon lang elementary palang ako. madungis pa. haha.
pero nakakainis lang ngayon kasi ngayon ko palang nararamdaman ang spirit ng bonding namin.. lalo na ngayon, ng batch namin. sad to say, paalis na kami dito para sa makatunaw-damdamin na pressure sa kolehiyo. pero di naman siguro ganun kahirap dun kasi parang may night life pa din yung mga kakilala kong nandun na. may gimik at lakwatsa pa. siguro.

mahirap dito, di ko pa rin alam ang papasukan kong unibersidad. ilang buwan na lang pasukan na naman. mamumulibi ata kami sa pinili kong kurso. pero may nahanap naman ako na mababa lang tung tuition fee.. ata. kukuha na lang ako dun ng exam.

teka.balik sa simula.

"highschool life, oh my highschool life blah-blah-blah"

alam ko dati kinakabahan din ako sa eskwelahan ko ngayon. kasi:
-wala akong kakilala
-malayo sa lugar na alam ko
-pribado. baka mangkukulam mga tao dun

pero wala akong nagaw. pera naman ng magulang ko ang malulustay kaya ayos na din naman.
mainit naman ang pagtanggap nila sa akin noong araw na yon. basta naalala ko lang may isang babaeng nangungulit noon sa'kin. estudyante din sya dun, kaklase ko. may salamin at mahilig maglagay ng glitters sa mata.
natatakot pa nga ako sa kanya noon kasi baka pinaplastik lang ako. kadiri kasing pagmumukha kulang na lang harrasin ako. haha

pero isa siya sa mga naging matalik kong kaibigan ngayon. ang isa pa, tuleg yon. pinagmamalaki pa nga niya e.

g:kia**a..
k:(sige lang sa pagsulat)
g:kia**a...
k:(sulat pa din)
g:kia**a.
k:(sulat pa din.nagkamot pa ng ulo)
g:kia**a!!
k:(tumayo. nagtapon ng papel sa basurahan)


repeat 5 times then fade.




masaya naman ang unang taon ko sa paaralang yon. pero habang tumatagal, pahihirap nang pahirap. patindi nang
patindi. isama mo pa yung mga hinanaing ko don. kung pwede ko lang silang bulyawan at ipakita kung gaano kaganda ang eskwelahan nila. kung magagawa ko. at marami din naman akong natutunan sa apat na taon kong paglabas-pasok sa lugar na yon.

SOHCAHTOA
A'+A=1
mean deviation
human anatomy ang physiology
Bohemian Rhapsody
bulbits.

malaki rin ang utang na loob ko sa mga taong tumulong sa'kin na maging ganito-kung ano ako ngayon. at sa pagmulat sa katotohanang bobo rin ang mga matatanda-sir emboy.

salamat.salamat.salamat.




maraming nabuo sa yugto ng buhay kong ito. tagyawat, love triangle, selosan, tropa, at pag-ibig sa bawat isa. kung pwede lang naming ulitin ang lahat para sa lahat ng kantyawan, biruan, tawanan, iyakan, kwentuhan at ganabang-an.
pero alam ko ding ang pagtatapos na ito ay simula pa lamang ng aming kalbaryo patungo sa paghahanda para sa makulay na buhay na aming tatahakin pang habang buhay. o kahit sepia o black ang white pa man yung sa iba ganun pa din yun. ang mahalaga lang naman ay ang nasimulan naming tatag, determinsyon at tapang na aming hinuhulma para sa ikakasagana ng marami at sa pagtatatag ng bukas na kami lang ang may hawak.



teka. di na ako makadaloy sa agos ng aking isipan.
masyado ata akong naexcite sa pagpopost. haha.



ganunpaman, ang hayskul na ang masasabi kong pinaka da best! na yugto ng buhay ko. dahil ito pa lang naman ang natatamasa ko sa ngayon. haha.



highschool is not as easy as 1-2-3
but it's fun as learning A-B-C
-MACHOman!



Labels:

0 Comments